41

36.5K 643 15
                                    


ELIZABETH couldn't hate herself more. Daig pa niya si Aila sa ginagawa at ipinapakita niya. Hindi niya alam kung hanggang kailan siya masasaktan. She couldn't function properly. Madalas niyang naiisip si George at tuwina ay naiiyak siya. Hindi niya gusto ang nangyayari sa kanya pero parang wala siyang kontrol sa emosyon niya.

Naiinis siya palagi kapag umiiyak siya dahil kay George. Nais na niyang magalit dito dahil sa ginawa nito sa kanya. Pakiramdam niya ay ninakaw nito ang lahat ng tapang at tatag niya. Ayaw niyang maging iyakin dahil lang sa isang lalaki.

Sawa na siya sa pagkakalat. Ayaw na niyang pumalpak sa trabaho. Nagsasawa na siyang marinig ang pagtatanong nina Pablo at Sebastian kung okay lang siya. She was obviously not okay! Paano pa niya maibabalik ang lahat sa dati?

Sinikap niyang magpatuloy sa buhay niya kahit napakarami niyang maling nagagawa sa trabaho. Pilit niyang inabala at pinagod ang sarili para hindi na siya gaanong mag-isip. Sa bawat araw na lumilipas ay pahirap nang pahirap, ngunit pilit siyang lumaban. Palagi niyang sinasabi sa sarili na balang-araw ay mawawala ang sakit at maghihilom na ang mga sugat. Balang-araw, makakalimutan din niyang nagmahal siya nang labis.

Abala siya sa home office niya nang biglang pumasok doon si Sebastian.

"Mommy, panoorin natin si Daddy," sabi nito.

Napaungol siya. "Busy si Mommy, Basty," sabi niya. Iniiwasan niyang manood ng telebisyon lalo na kapag gabi. Baka lalo siyang mabaliw kapag napanood niya si George.

"Mommy, sige na. Please, please, please? Nood na tayo. Please, Mommy," pangungulit ni Sebastian. Pilit siya nitong hinihila patayo. "Mommy, bilis na, mag-uumpisa na program ni Daddy. Hurry!"

Napapikit siya nang mariin. Pinigil niya ang kanyang sarili na mainis sa kakulitan nito. Hanggang maaari ay ayaw niyang madamay ito sa kaguluhan sa pagitan nila ni George. Ayaw niyang ipahalata rito na may problema ang mga magulang nito. In time, maybe, she and George could be friends again.

"Basty, si Marie na lang ang isama mong manood."

"Gusto ko ikaw, Mommy! Hindi mo na 'ko love!" Nag-umpisa na itong humikbi kaya wala na siyang nagawa kundi pagbigyan ito.

Nagulat siya nang madatnan niyang nasa entertainment room sina Pablo, Lavender, Cassandra, Nana Milagros, at Marie. Nakabukas na ang TV at may malaking bowl ng popcorn sa coffee table.

"What's going on?" nagtatakang tanong niya. Umupo na rin siya sa harap ng TV set. Si Sebastian naman ay tila siyang-siyang sumalampak sa carpet.

Nagkibit-balikat si Pablo. "Manonood lang ng balita," tugon nito.

Ngiting-ngiti si Lavender pero walang sinabing anuman. Si Nana Milagros ay tutok na tutok ang mga mata sa TV. Kakaiba rin ang sigla ni Marie habang kinakandong ang anak niya. Tila may alam ang mga ito na hindi niya alam. May kakaibang nangyayari pero parang walang balak magsabi ang mga kasama niya. Itinuon na lang muna niya ang kanyang mga mata sa telebisyon. Muntik na siyang mapabulalas ng iyak nang mag-umpisa ang programa ni George at bumungad ito sa television screen. Kung wala lang marahil siyang kasama ay baka nahaplos na niya ang screen.

She was stupid and pathetic.

Tahimik ang mga kasamahan niya at tila interesadong-interesado sa mga ibinabalita ni George. Hindi siya nakarinig ng kahit anong komento. She felt weird. Something was definitely wrong. Napansin niya na hindi lang ang mga kasama niya ang weird, pati na rin ang nagbabalita sa TV. George looked so nervous. Ilang beses itong nag-stutter na hindi karaniwang nangyayari dito.

Patapos na ang programa. Hinihintay na lang niya ang pagsasabi ni George ng closing line nito pero bigla itong tumikhim at naging uneasy sa kinauupuan nito.

"Before I say goodnight, please lend me a few minutes of your time," sabi nito na halatang-halata na ang nerbiyos. Huminga ito nang malalim at tumingin nang tuwid sa camera. His eyes burnt with sincerity. "Maria Elizabeth Munis, I love you. I think I've been in love with you from the moment I first laid eyes on you. Will you... forgive me? Will you... give me another chance? Will you... marry me?" Napuno ng pagsusumamo sa mga mata nito.

Nalaglag ang kanyang mga panga. Pakiramdam niya ay luluwa ang kanyang mga mata niya. Tama ba ang narinig niya? Did George just propose on national TV?

"Yehey!" masayang bulalas ni Basty. Tumabi ito sa kanya at may inilabas sa bulsa ng cargo shorts nito—isang velvet jewelry box. Pakiramdam niya ay sasabog ang dibdib niya nang buksan nito ang kahita at inilapit iyon sa kanya. "Isuot mo na, Mommy!"

"That's all for tonight. Thank you and goodnight," sabi ni George.

Nakatitig lang siya sa kumikinang na diyamante sa singsing at hindi malaman ang gagawin.

alit ka na sa 9

Love Drunk COMPLETED (Published by PHR)Where stories live. Discover now