24

41.4K 615 9
                                    


UNTI-UNTING nasanay si Elizabeth sa presensiya ni George. Unti-unti ay naging kumportable siyang isipin na permanenteng parte na ito ng buhay nila ni Sebastian. Sanay na siyang makita ito sa umaga bago siya umalis ng bahay. Sanay na rin siyang ito ang huli niyang nakikita pagkatapos ng araw.

Mas nagiging kumportable na rin dito si Sebastian. Kahit madalas nang magkasama ang mga ito ay hinahanap-hanap pa rin nito ang ama kapag hindi nito nakikita.

Ipinaubaya muna niya rito ang kanilang anak dahil kailangan niyang tulungan si Pablo sa sitwasyon ni Cassandra. Dumating ang nakilalang ama ni Cassandra sa bahay nila at ninais nitong kunin sa kanila ang pamangkin niya. Nalaman nila na ang lalaki ang walang-awang pumaslang sa ina ni Cassandra at nasaksihan iyon ng bata. Trauma ang dahilan kung bakit hindi makapagsalita ang pamangkin niya. Lalo itong na-trauma dahil sapilitan itong kinuha ng ama nito na humantong pa sa karahasan. Maigi na lang at hindi napahamak ang kapatid at pamangkin niya.

Kailangan ng pamangkin niya ng pagmamahal at seguridad ng pamilya para maka-recover ito sa trauma. Tinulungan niya si Pablo sa pagsasampa ng kaso at sa pag-aayos ng custody ni Cassandra.

Nais nitong mapalitan na ang pangalan ng anak nito sa lalong madaling panahon at mas may alam daw siya sa legalidad.

Inako niya ang ilang mga responsibilidad na nasa mga balikat ni Pablo para mapagtuunan nito ng pansin ang panunuyo kay Lavender. Nanunuyo ito hindi lamang dahil nais nitong bigyan ng ina at kompletong pamilya ang anak nito. Her brother was head over heels in love. Alam niya na magiging masaya ang bubuuin nitong pamilya.

Pinuntahan ni Elizabeth si Pablo sa studio nito. Sigurado siyang hindi pa natutulog ang kanyang kapatid kahit malalim na ang gabi. Masyadong masaya si Pablo para makatulog. Hindi rin siya makatulog at nais niya ng makakakuwentuhan. Nais niya itong batiin dahil nagbunga nang maganda ang ka-corny-han nito.

Hindi siya kumatok, basta na lang siya pumasok sa pinto. Sanay na sa kanya ang kapatid niya. Nadatnan niya itong nakaupo sa sahig habang nakaharap sa isang panig ng dingding. Nakangiti itong mag-isa. Ngayon lang niya ito nakita na ganoon kasaya.

Napaupo siya sa tabi nito at pinagmasdan din ang painting na pinagmamasdan nito. Painting iyon ni Lavender at ng anak nitong si Cassandra. Kapwa nakangiti ang dalawa habang magkadikit ang mga ilong. They looked so lovely together. Kung hindi niya kilala ang mga ito, iisipin niyang tunay na mag-ina ang mga ito.

"Nakangiti ka na naman na parang timang," kaswal na sabi niya kay Pablo.

Mas tumamis at mas lumapad ang ngiti nito. "I'm so happy. I can't wipe this lovesick smile off my face."

"I can see that." She was very happy for her little brother. Matagal din niyang hinangad na mahanap na nito ang babaeng makakapagpaligaya rito. Isang babae na mamahalin nito nang lubos. Sa kabila ng lahat ng nasaksihan nilang magkapatid sa mga magulang nila, ginusto pa rin niyang umibig ito at maging masaya. Inakala niya dati na si Julliana na ang babaeng iyon. Alam niyang kahit paano ay nasaktan si Pablo nang magkabalikan sina Julliana at Benjamin, pero agad din nitong natanggap ang kapalaran. Ang sabi nga ng iba, may mas magandang bukas na inilaan ang Panginoon sa mga taong nabigo.

Hindi nga niya inakala na magmamahal kaagad ito ng iba. Maybe, Lavender had always been special to him. Recently lamang yumabong nang husto ang espesyal na damdamin na iyon. Nakatulong nang malaki ang dalaga nang mga panahong gulong-gulo at takot na takot si Pablo. Pablo was getting married. Sa wakas ay napapayag na nito si Lavender na maging asawa nito at ina ng anak at mga magiging anak pa ng mga ito.

She fervently hoped that their love for each other would last a lifetime. Sana ay isa sina Pablo at Lavender sa mga pinagpala na makatagpo ng tunay na pag-ibig.

Love Drunk COMPLETED (Published by PHR)Where stories live. Discover now