9

41.7K 711 0
                                    


NASA elevator pa lang ng isang five-star hotel ay hindi na maawat nina Elizabeth at George ang kanilang mga sarili. They were all over each other. Pakiramdam ni Elizabeth ay nilalagnat siya. Naglalagablab ang pakiramdam niya habang angkin ni George ang kanyang mga labi. His lips were soft, firm, and sweet. Hindi siya magsasawang hagkan ang mga labing iyon.

Halos hindi niya namalayan na bumukas ang elevator. Napaungol pa siya ng protesta nang pakawalang bigla ni George ang kanyang mga labi. Walang salitang namutawi sa mga labi nito. Hinila lang siya nito palabas at papunta sa isang silid. Nagmamadaling binuksan nito ang pinto.

Hindi pa man siya nagkakaroon ng pagkakataong ilibot ang paningin sa buong silid ay banayad na siya nitong naisalya sa nakasarang pinto. At bago pa man siya makapiyok ay nasa mga labi na naman niya ang mga labi nito. She sighed dreamily. Her arms curled around his neck and pulled him closer. Their tongues met and played with each other. Their lips nipped and sucked each other.

His hands roamed all over her body. Hindi niya mapigilan ang mapaungol sa bawat paghaplos nito sa katawan niya. Bumaba sa leeg niya ang mga labi nito. Gustong-gusto niya ang epekto ng lahat ng ginagawa nito sa kanya.

"You're so beautiful," anas nito habang ibinababa ang sleeves ng dress niya. Pareho silang naghahabol ng hininga.

Inilagay nito ang mga kamay niya sa dibdib nito at inudyukan siyang alisin sa pagkakabutones ang polo nito. Kahit na bahagyang nanginginig, nagawa niya ang gusto nito. Hindi na niya hinintay na udyukan siya nito, inalis na rin niya ang buckle ng sinturon nito. He gasped when she unsnapped and unzipped his pants.

He removed her undies. Walang alinlangan na ipinaikot niya ang kanyang mga binti sa baywang nito nang iangat siya nito sa sahig.

There was no turning back. Tuluyan na siyang nawala sa kanyang sarili...

ked0 List Table<M(

Love Drunk COMPLETED (Published by PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon