38

32.1K 539 6
                                    


NAGTAKA si Elizabeth nang makarinig siya ng katok sa pinto ng home office niya. Malalim na ang gabi. Ano ang kailangan sa kanya ni Pablo? Pagbukas niya ng pinto ay namilog ang kanyang mga mata pagkakita kay George.

"Sino ang nagpapasok sa 'yo?" tanong niya. He looked at her like he had missed her so much. Malamlam ang mga mata nito at tila nakainom. She wondered if he was with Pauleen before coming in her home.

"Nana Milagros," matipid na sagot nito.

Humalukipkip siya. "What do you want? It's late."

"I'm sorry. I'm so sorry."

Huminga siya nang malalim. She promised to protect herself from George Salvador. Hindi na niya hahayaan ang sarili na umasa at mangarap nang gising. She would not let him hurt her in any way.

"Okay. Apology accepted. It's late, you should get going," malamig na sabi niya. Isasara na sana niya ang pinto nang maagapan nito iyon. Pumasok ito sa loob at isinara ang pinto. "George—" Hindi na niya naituloy ang sasabihin dahil nahaklit na nito ang baywang niya. Bago pa man niya mahulaan ang susunod na gagawin nito ay nasakop na ng mga labi nito ang mga labi niya.

She struggled for a few seconds. Alam niyang hindi tama. Alam niya na kung hahayaan niya ito, siya lang ang magiging kawawa sa huli. Ano ang mangyayari sa kanya pagkatapos ng gabing ito? She didn't want another one-night stand with him.

Pero pagdating dito ay parang wala siyang kontrol sa kanyang katawan. Parang may sariling isip ang mga labi niya na hindi nagtagal ay tinutugon na ang bawat halik nito. Her arms went around him. She let him devour her. He kissed her hungrily and passionately. It was like he couldn't get enough of her. It was like he had missed her so much.

She had missed him, too. She had missed being with him. She had missed his touch, his kiss. She had missed everything about him. Pumaloob ang mga daliri ntio sa buhok niya at mas hinapit siya palapit. He angled his head for better access. She opened her mouth more for him. When he carried her to her desk, she couldn't even think anymore.

"God, I've missed you," he murmured against her lips.

"M-me, too," she murmured back.

Napasinghap siya at napahiwalay sa mga labi nito nang iupo siya nito sa desk at walang pakialam na tinabig nito ang lahat ng nasa ibabaw niyon. Napatingin siya sa nagkalat na gamit niya sa sahig. May nabasag pang figurine at crystal paperweight.She didn't care.

He kissed her again. Mas maalab at mas marahas kaysa sa naunang halik na pinagsaluhan nila. Nagsimulang maglakbay ang mga labi nito. Mabilis nitong naalis ang mga butones ng shirt dress niya. She knew she wasn't supposed to give in to him again. Ayaw niyang kainin ang mga salita niya. Ayaw niyang baliin ang mga pangako niya sa sarili. Ayaw na niyang masaktan. Pero wala siyang magawa. Napag-isip niya na pagdating kay George ay hindi niya kayang labanan ang kanyang sarili.

She was in love. Ano ang magagawa niya?

0000000000000;:����5

Love Drunk COMPLETED (Published by PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon