25

37K 592 0
                                    


SA BAHAY nina George naghapunan si Sebastian nang Sabadong iyon kaya sina Pablo at Cassandra ang kasalo ni Elizabeth sa hapunan. Her niece was making a huge progress already. Nakakatulong nang malaki ang masayang kapaligiran nito. Bukas ay makakasama nila ito ni Sebastian sa pamamasyal dahil nais daw makasama ni Pablo si Lavender nang sarilinan.

Nanonood sila ng TV ni Cassandra sa entertainment room nang dumating sina George at Sebastian. Agad na nilapitan ni Sebastian ang pinsan at rapid-fire na nagkuwento kahit hindi pa nakakapagsalita si Cassandra. Ganoon ito palagi tuwing nakakasama nito ang ama. Palagi itong masaya at masigla. Kaya kahit miss na miss na niya ito ay hinahayaan lang niya itong makapiling si George.

Tinabihan siya ni George habang abala ang magpinsan. "I know I promised you Sunday but can I join you tomorrow?"

Magkasalubong ang mga kilay na nilingon niya ito. "No," she said.

He sighed. "Listen, I'm going back to work on Monday. Sa umaga ko na lang makakasama si Basty. Abala na ako sa hapon at gabi."

"Not my problem." Hindi niya maintindihan kung bakit bigla siyang nalungkot. Hindi ba dapat ay maging masaya siya dahil hindi na niya ito makikita na pakalat-kalat sa buhay niya? Magbabalik na sa kaayusan ang lahat. She was still disappointed and she couldn't erase the feeling.

"You're being so difficult," naiinis na sabi nito.

Nang-uuyam na ngumiti siya. "I know." Hindi lamang ito ang lalaking nakaringgan niya niyon.

"Please?" pagsusumamo nito na ikinagulat niya. Mas inaasahan niyang makikipag-argumento ito at ipipilit ang gusto. Hindi nga niya inakala na marunong din pala itong makiusap. Pati ang mga mata nito ay tila nakikiusap sa kanya.

"Please, Elizabeth. Just this once. Gusto ko lang siyang makasama buong araw bukas bago ako bumalik sa pagtatrabaho. Ipinaliwanag ko na sa kanya na hindi ko na siya madalas na masusundo sa school at makakasalo sa hapunan. He's kind of upset but he understands. Ipinaliwanag mo na raw sa kanya kung bakit kailangan mong magtrabaho. For a five-year-old boy, he's so mature and smart. I'll miss him like crazy, so please?"

She knew he was just manipulating her by telling her things she wanted to hear. Pero natagpuan pa rin niya ang kanyang sarili na tumatango. There was a small part of her that rejoiced given her decision. May parte rin naman na nag-aalala at natatakot siya na mapalapit nang husto sa lalaking ito.

Ngumiti ito nang malapad. "Thanks! Pangako, hindi kita aagawan ng oras kay Basty."

Parang sandaling tumigil sa pagtibok ang kanyang puso. Nang mag-pump uli ng dugo ay tila nagririgodon na ang dibdib niya. "Cassie is coming with us," she casually informed him.

"Perfect."

They had to make plans for tomorrow. Sinabihan niya ang mga bata na magpahinga na nang maaga dahil maaga rin silang aalis kinabukasan. The kids were happy to obey. They were excited about tomorrow. Nang mapatulog nila ang mga ito ay niyaya niya si George sa home office niya. Pinag-usapan nila ang plano niya para bukas. Nais niyang nasa ayos ang lahat para hindi ma-disappoint ang mga bata.

"Bakit kailangang nakaplano ang bawat hakbang, Elizabeth? Bakit hindi mo hayaan na lang kung saan tayo makarating? Mas masaya kung walang plano. Mas exciting," amused na sabi ni George. Parang naaaliw ito dahil nais niyang detalyado ang lahat.

Tiningnan niya ito nang matalim. "Well, this is how I am. That's how I function best. I want everything in order. Ayokong umalis ng bahay na walang plano. Ayokong hindi ako handa sa mga posibleng emergency. Most importantly, I want the kids to have fun and enjoy. So, I expect you to be here at nine, not a second late..." Sinabi niya rito kung saan sila magtutungo, kung saan ang restaurant na kakainan nila, at kung ano ang mga activity na gagawin ng mga bata. Bawat lugar na pupuntahan nila ay may time frame. Pati ang mga pagkain at amount ng sugar at cholesterol na kailangang i-intake ng mga bata ay sinabi niya.

Hindi niya binigyan ng pagkakataon si George na magsabi ng opinyon nito o kung may nais itong idagdag o baguhin sa plano niya. Ito ang nakiusap na makasama sila at kailangan nitong sumunod sa rules niya. Mababakas ang amusement sa mga mata nito habang nakangiti sa kanya.

"What?" mataray na sikmat niya. Wala naman siyang sinabing nakakatawa.

Nakangiti pa ring umiling ito. "Nothing. You're just so organized. Soo OC. I'm wondering how you can live like that."

Pakiramdam niya ay ininsulto siya nito. Ilang beses na niya iyong narinig sa ibang mga tao, pati sa lolo niya. Masyado raw siyang praning sa mga bagay-bagay. She constantly spoiled the fun by being so organized and in control. She was so focused on her goals that she tended to forget how to have fun.

"I won't apologize for being that, George. I love being me. I love being what I am at hindi ko babaguhin ang sarili ko para mapaluguran ang iba."

"Hindi ko naman sinasabing masama ang pagiging masyadong organisado. Kung saan ka kumportable at masaya, doon ka. At least, wala kang identity crisis."

She rolled her eyes. "Identity crisis. That's sounds so juvenile. I'm thirty-five, George."

Lumapad ang ngiti nito. "You're so cute. You're so unique."

Hindi niya alam kung ano ang itutugon niya sa sinabi nito. Noon lang may nagsabing cute siya. She had never been cute. Not even as a baby. The look in his eyes were making her very anxious. Naroon pa rin ang pagkaaliw pero may nababasa na siyang ibang damdamin—paghanga.

Para mawala ang atensiyon niya rito ay binuksan niya ang isang drawer at naghanap ng maaaring pagkakaabalahan. Nakahanap naman agad siya ng diversion. Naroon ang photo album ni Sebastian na hindi pa niya naibabalik sa vault. Noong isang gabi ay nagkaroon siya ng urge na balikan ang baby pictures ng anak niya.

Naalala niya ang mga sinabi ni George na dapat ay nagawa nito kung nalaman nito noon na ipinagbubuntis niya ang anak nito. Hindi na niya maibabalik ang panahon pero kaya pa rin niyang i-share ang memories. Kahit paano ay makakabawas iyon sa guilt niya.

Inilabas niya ang photo album at ibinigay iyon kay George. Nagtatakang tinanggap nito iyon. Tumayo siya at binuksan ang isang vault. Inilabas niya mula roon ang isang kahon kung saan maayos na nakalagay ang photo albums ni Sebastian mula nang ipagbuntis niya ito.

;mso-lai̬

Love Drunk COMPLETED (Published by PHR)Where stories live. Discover now