34

31.4K 531 3
                                    


"MOMMY, tawagan mo si Daddy."

Natigilan si Elizabeth sa inuungot sa kanya ni Sebastian. Tinutulungan niya itong kulayan ang bagong coloring book nito. Ipinadala raw iyon ni George ayon kay Marie.

Daddy? Kailan pa inumpisahang tawagin ni Sebastian si George ng "Daddy"? Hindi naman sa tutol siya. Nararapat lang na tawagin ni Sebastian si George nang tama. Nagpapasalamat nga siya na pumayag itong huwag biglain ang bata. Sa palagay niya ay nagkusa na si Sebastian. Hindi lamang marahil siya sanay.

Hinaplos niya ang buhok nito. "Tinawagan ka na niya kanina, hindi ba?"

Nalukot ang mukha nito. Napansin niyang kanina pa ito wala sa mood. Madalang itong mag-tantrums pero kapag naumpisahan na nito ay matagal bago ito mapayapa. Her son looked like he was ready to throw a fit.

"Papuntahin mo siya rito. Mommy, I wanna see him. Mommy, sige na. Call him and ask him to come," sabi nito habang naiinis at mariing kinukulayan ang isang bear. Lampas na sa linya ang pagkakakulay nito. Salubong na salubong ang mga kilay nito.

"Hindi puwede kasi may work siya ngayon. Mamaya, panonoorin natin siya sa news, ha?"

"Dati, pumupunta naman siya after ng news. Dito mo na lang siya patulugin para paggising ko bukas, 'andito pa rin siya. Gusto ko siya ang magpaligo at magpakain sa 'kin. Gusto ko siya ang maghatid sa 'kin sa school. Mas marami ang friends ko ngayon dahil may daddy na 'ko. Please, Mommy."

Niyakap niya ito nang mahigpit. Parang tinarakan ng patalim ang dibdib niya. Sana ay may magawa siya upang ibigay ang gusto nito. Well, may magagawa naman talaga siya kung kakalimutan niya ang kanyang pride.

She mentally cursed George. Isang linggo na itong hindi nagpapakita sa kanilang mag-ina. Madalas nitong tawagan sa telepono si Sebastian pero hindi pa nito pinupuntahan ang anak nila. Kahit isang text message ay wala siyang natatanggap mula kay George. It was like he suddenly decided he didn't need her in his life so he shut her out just like that.

She missed him like crazy. So much that many times she thought she would really go insane. Maraming pagkakataon na ngalingaling kalimutan na niya ang kanyang pride makita lang niya ito. Wala naman siyang karapatang mag-demand dahil kung tutuusin ay wala silang pormal na relasyon. She wanted to laugh bitterly. They kissed and slept together yet there was no relationship.

Mas gaga pa siya kay Aila.

Lalo siyang nahirapan nang umiyak na si Sebastian. "I miss Daddy," sabi nito sa pagitan ng hagulhol.

Hinagkan niya ito sa sentido. "He'll be here tomorrow when you wake up," aniya kahit alam niyang mali na mangako ng mga bagay na hindi siya sigurado kung matutupad niya. Mas malulungkot ang anak niya kapag hindi niya nagawan ng paraan ang gusto nito. Again, she cursed George. Sinanay-sanay nito ang anak nila sa presensiya nito pagkatapos ay bigla na lamang itong mawawala at hindi magpapakita.

Hindi lamang si Sebastian ang sinanay nito, pati na rin siya. Hindi man lang nito inisip ang mararamdaman nilang mag-ina. Kahit na nga hindi na siya nito isipin, ang anak na lang nila.

Pinayapa niya si Sebastian. Niyaya niya itong panoorin na lang ang news program ng ama nito.Halos hindi niya makayanan ang pangungulila sa mga mata ni Sebastian. Pinatulog niya ito pagkatapos ng news program. Pinapangako siya nito na papupuntahin niya ang ama nito bukas.

Kinalkula niya ang oras bago puno ng determinasyong tinawagan niya si George. Hindi siya kailanman papayag na saktan nito ang anak niya. "I want you here tomorrow morning," malamig na sabi niya pagkakonektang-pagkakonekta niya ng tawag. Hindi na niya inabala ang sarili sa tipikal na pagbati at pleasantries.

Natigilan siya nang makarinig sa background ng tawa ng isang babae.

"Demanding much?" anang babae.

Tiningnan niya ang screen ng cell phone niya upang makasiguro siya na tama ang numerong tinawagan niya. It was George's number. "Who's this?" nagtatakang tanong niya. Tila may malaking kamay na sumakmal sa puso niya. Hindi na niya kailangang magtanong kung tutuusin. Ito na ang bagong kinahuhumalingan ni George. Wala pa man silang relasyon ay pinagsawaan na siya nito. Pare-pareho lang talaga ang mga lalaki.

"This is Anna. George is in the bathroom."

Nag-init ang sulok ng kanyang mga mata. Don't you dare cry, Elizabeth. She steeled herself against her emotions. Mamamatay muna siya bago niya iparinig ang paghikbi o pag-iyak niya sa babaeng nasa kabilang linya. Huminga siya nang malalim bago nagsalita.

"Then kindly tell him that Elizabeth called and she wants him to be at her house first thing in the morning. His son needs him. I'm not taking 'no' for an answer. I don't care if he's busy. Ginusto niyang maging ama kaya panindigan niya. Thank you." Pagkasabi niyon ay tinapos na niya ang tawag. Hindi na niya hinintay ang sasabihin ni Anna. A second longer and she would lose control. She blinked rapidly to stop the tears from falling.

"Damn you, George!" she muttered. Hindi siya iiyak. Ayaw niyang umiyak. Pero mientras na pinipigil niya ang kanyang mga luha ay lalo lang namamasa ang kanyang mga mata.

She took deep breaths but it wasn't enough to calm her down. There were too much overwhelming emotions in her. She was frustrated and angry—furious. She was hurting. Her heart surged violently. She couldn't breathe properly.

She buried her face in her hands. She let herself cry when she couldn't take it anymore. She needed some release. Habang humahagulhol siya ay ipinangako niya sa sarili na iyon ang una't huli. Hindi na uli siya iiyak dahil sa isang lalaki—dahil sa isang George.

Everything would be fine—pagkatapos niyang maiiyak ang lahat ng sama ng loob niya. She would eventually feel better.

Love Drunk COMPLETED (Published by PHR)Where stories live. Discover now