13

41.9K 719 3
                                    


"GINUSTO mo 'to, Maria Elizabeth, kaya wala kang karapatang mag-inarte," paulit-ulit na sabi ni Elizabeth sa kanyang sarili habang mariing nakapikit. Nasa loob siya ng banyo. Kagabi pa niya napaghandaan ang gagawin niya ngayong umaga pero hindi niya alam kung bakit bigla siyang naduduwag ngayon.

Wala rin namang saysay ang ginagawa niya. Alam ng buong pagkatao niya ang nangyayaring pagbabago sa katawan niya. Kahit hindi siya dumilat para makita ang resulta ng home pregnancy test na ginawa niya ay halos sigurado na siyang buntis siya. Mabuti sana kung hindi siya obstetrician-gynecologist. Mabuti sana kung hindi siya nagpakadalubhasa sa pregnancy at child birth.

Huminga siya nang malalim. "Ginusto mo 'to, Eli," sabi uli niya bago dumilat. Of course, she saw a positive result—kagaya ng inaasahan at ikinakatakot niya. Lahat ng pregnancy test kit na umabot yata sa sampu ang bilang ay positibo ang isinisigaw na resulta. She was pregnant. "Congratulations, Mommy," aniya sa repleksiyon niya sa salamin. Ganoon ang madalas niyang sinasabi sa mga babaeng nais kumpirmahin ang pagbubuntis sa kanya.

Napaupo siya sa toilet. She let everything sink in. Wala nang panahon para magsisi siya. Fertile siya nang may mangyari sa kanila ni George. May magagawa siyang paraan pero hindi niya itinuloy dahil pro-life siya. Which was really a lame excuse. Hindi naman siya isandaang porsiyento na siguradong nag-meet ang sperm cell ni George at egg cell niya. Hindi siya sigurado kung may fertilization na naganap. Hindi siya sigurado na may nabuo kaya hindi considered abortion kung ininom niya ang emergency contraception.

Kung mas magiging tapat siya sa kanyang sarili, ginusto niya ang nangyari. Ginusto niyang mabuntis. She silently hoped for this. Noon pa man, desidido na siyang nais niyang maging ina pero hindi niya nais ng asawa. Subalit hindi niya kailanman pinlano na magpabuntis na lang kung kanino. Hindi niya pinlanong bumuo ng anak sa pamamagitan ng one-night stand. Ang ikinokonsidera niya ay mag-ampon o magpa-artificial insemination. Hindi niya inakala na magiging produkto ng one-night stand ang magiging anak niya na makakasama niya sa pagtanda niya.

Natatakot siya. Ilang araw na siyang aligaga. Mula nang mapansin niya ang kakaibang pagbabago sa katawan niya ay mas sumibol at lumago ang takot sa dibdib niya. Kaya ba niyang maging ina? Kaya ba niya ang lahat ng mga responsibilidad na kaakibat niyon? She believed she was a good and decent person. But being a mother was different. Hindi itinuturo sa university ang pagiging mabuting ina. Maaari siyang magbasa ng mga textbook tungkol sa parenting pero paano niya iyon ipa-practice? Wala siyang mapagtatanungan. Hindi niya nakita ang kanyang ina na naging mabuting ina sa kanila ni Pablo.

Hindi niya iyon naisip noong magdesisyon siyang huwag inumin ang morning-after pill. Hindi niya naisip na hindi ganoon kasimple ang lahat. Ngunit naroon na siya. Hindi na siya maaaring umatras. Wala nang ibang paraan na maaari niyang gawin. Pinuno niya ng hangin ang mga baga niya at unti-unti iyong pinakawalan. Tinanggap niya ang kondisyon niya dahil ginusto niya iyon.

Hinayaan niyang makaramdam siya ng kaligayahan. Ngayon, lalong hindi niya kailangan ng lalaking mapapangasawa para may makasama siya hanggang sa tumanda siya at mangulubot ang balat niya. Magkakaroon na siya ng baby. Ganoon pala ang nararamdaman ng mga pasyente niya tuwing nalalaman ng mga ito na nagdadalang-tao ang mga ito—nakakatakot pero masaya.

Naglinisna siya ng banyo. Pagkaligo ay naupo siya sa tufted chair sa work nook niya.Inabot niya ang kanyang cell phone kung saan naroon ang tanda ng last menstrualperiod niya. She computed her expected date of delivery and age of gestation.     

Love Drunk COMPLETED (Published by PHR)Where stories live. Discover now