|| CHAPTER 4: Complicated ||

4.8K 96 1
                                    

[ MAX'S POV ]

"So ano pre? Ano balak mo?" tanong sakin ni Seb habang nakatambay kami dto sa Coffee shop. As usual, tambayan namin to.

Bigla kasi akong napaisip dun sa pinlano ko kagabi. Parang naging interesado ako sa nakita ko. Yung kay Kurt chaka dun sa girl na kasama nya? Iba kasi yung way ng pag act nya kahapon sa babae na yun. 

Alam nyo yun? Yung parang may respeto pa. Hindi yung makikita mong nakikipag make-out nalang kung saan saan. Alam ko ang ugali ni Kurt kung kelan sya seryoso o hindi. Pero sa nakita ko kahapon? Parang naguluhan ako. 

Kaya eto ako ngayon, nag iisip ng magandang plano. Nasabi ko na rin kay Seb yung about sa nakita ko at pati sya naguluhan din. Hindi ako sa manunulot ah? Susubukan at huhulihin ko lang si Kurt. *Smirked*

"Pre. Pano kaya kung agawin ko sa kanya yung babae na yun? Yung parang paglalaruan ko din ganon? Sa tingin mo?" tanong ko kay Seb.

"Pwede rin naman. Kung talagang wala syang pake dun, hahayaan ka lang nya diba?" sagot sakin ni Seb habang nakatingin sa kawalan at kunwaring malalim ang iniisip. Pwede rin naman yun. Pero wala akong gusto dun sa babae ah? Wala na akong ibang intensyon kundi hulihin lang si Kurt.

"Ayain ko kaya ng date pre?" napaisip ako sa tingin ko sabay ngumiti kay Seb at nakitang tumango 'to.

Alam ko na ang gagawin ko *Smirk*

"Tara punta tayo sa school. Let's find that girl." aya ko sa kanya at tumango na lang sya bilang pagsagot. May kausap kasi sya sa phone, yung girlfriend nya. Oo, may girlfriend si Seb. At 6 months na sila. Sht! Pati ako nagulat na may tatagal sa kanya na ganun? Dba alam nyo naman? Na may casanova blood kaming tatlo, pero ang sabi niya, NAGBAGO NA DAW SYA. Sus! Ulol. Iba na talaga ang Love. Kung ano ano ang nagagawa sa tao.

Para sakin? Ang magseryoso ay aksaya ng oras. Sa panahon ngayon, kapag ndi ka marunong maglaro.. ikaw ang gagawing laruan. Oh dba? Ikaw ang talo.

Agad ko namang binuksan ang pinto ng kotse ko sabay sumunod sakin si Seb at umupo sa passenger seat. Tahimik lang ang atmosphere ng byahe namin kasi malapit lang naman.

Pagbaba namin ng parking lot ay dumerecho agad kami sa may garden sa likod ng school. Habang paupo ako ay may natanaw ako sa di kalayuan..

Yung babae na kasama ni Kurt kahapon.. pero hindi sya ang nakaagaw ng atensyon ko. Yung KASAMA NYA.

Parang nakaramdam ako ng ibang init sa katawan ko. Yung puso ko na parang matagal ng patay, ngayon ay nagwawala sa bilis ng tibok nito!

Ngayon ko na lang ulit to naramdaman. Siguro ay naakit lang ako sa ganda nya. Tsss. Aksaya lang sa oras. Pero..

Yung labi nyang mapupula..

Yung mga masasayang mata nya..

Yung mga tawa nyang hindi maipaliwanag..

"Uy pre. Yun ba yung sinasabi mo na kasama ni Kurt kahapon?" bigla namang nagsalita 'tong si Seb ng pabiglabigla at naging dahilan ng pagbalik ng atensyon ko.

"Ahh oo pre. Siya nga." blankong sagot ko sa kanya pero yung totoo, sa katabi nyang babae ako nakatingin ngayon. Bestfriend nya ata yun?

SHHHHHT! SINO BA SILA? SINO SYA?

[ KRISTINE'S POV ]

Nandito kami sa garden sa may likod ng school namin. Napagplanuhan kasi namin ni Bes na tumambay muna dto habang vacant pa naman namin. Pinagpaplanuhan kasi namin yung magiging FRIENDLY DATE daw nila ni Kurt. Hahahaha ayiiiie. Syempre kaylangan ng matinding make over neto para ndi naman nakakahiya kay Kurt. Alam nyo na? Simple lang kasi to.

My Boyfriend is a CasanovaWhere stories live. Discover now