|| Chapter 25: Doubt ||

2.5K 42 4
                                    

[ SEBASTIAN'S POV ]

Damn it. Tinawag ko na ata lahat ng pwedeng tawagin para lang patigilin si Kurt sa paglalakad papunta dun sa table nila Ash pero hindi ko siya mapigilan. Lahat na ginawa ko para mapunta sakin yung atensyon ni Kurt pero hindi umubra. 

Ang gulo ko lang, gusto kong malaman ni Kurt kung anong nangyayari between Max and Kristine, tapos ngayon pinipigilan ko siya? Ano ba talaga? Gusto ko o ayaw? Damn!

Tumama ang mata ni Ashley sakin. Mukang alam niya ang mangyayari kung sakaling makapunta si Kurt doon. Gusto niya kong senyasan na tawagin si Kurt para makaalis na dito sa coffee shop. Clueless lang ata yung dalawa dahil kami lang ni Ash ang nakakagets ng mga nangyayari.

Medyo marami ang mga tao dito, kaya naging dahilan ito para maharangan ang table kung san naka pwesto ang tatlo. Siguro 10 steps away from our table ang nalalakad ni Kurt, wala na'kong maisip na paraan para makuha yung atensyon ni Kurt kaya ----

Basag ang plato.

Tumalsik ang baso.

Natapon ang kape.

Halos mapakamot nalang ako ng ulo sa ginawa ko. Shit nakakahiya. Ngayon ko lang to nagawa sa buong buhay ko. Pinipigilan kong wag matawa. Finally, I got the attention of Kurt.

Opss, hindi lang atensyon ni Kurt, pati na rin nung mga taong nandito. Hahaha. Ano bang ginawa ko?

Habang nakatitig pa sakin si Kurt, tumingin agad ako sa gawi nila Ash tinapunan ko siya ng umalis-na-kayo-look which is parang nagets niya naman agad kasi nakita ko na silang tumayo at lumabas na ng shop. Aba dapat lang na magets niya agad yung pagbasag ko sa mga plato't baso.

Biglang lumapit sakin si Kurt. Mission accomplished. "What the fuck, bro! Daig mo pa ang babae! Clumsy." Halata sa tono ng boses ni Kurt na galit siya, pano ba naman naudlot yung dapat niyang gawin eh.

"Tao lang." Pagkasabi ko niyan ay biglang lumapit samin yung a-assist ng shop kasabay nun ang pag alis ng tingin ng mga tao samin. Shet. Center of attraction lang? 

"Anong problema Sir?"

"Can't you see it?! Fck! None!! Nothing happened!!" sarcastic na sagot ni Kurt. Daig pa neto ang meron eh, masyadong mainit ang ulo. "Sorry miss, idagdag niyo nalang yan sa charge, babayaran ko na lang." Napahawak nalang si Kurt sa bridge ng ilong niya chaka ito minasahe. Ang OA naman neto. Pagkatapos nun ay bigla siyang nag walk out. 

Malamang sa malamang sa parking na to pupunta at mag a-aya umuwi.

"Here. Take this and keep the change." Inabutan ko ng isang libo yung nag assist kanina saka umalis. Siguro naman sapat na yun no? Sobra pa nga eh. Gumawa na ng eksena, napagastos pa. 

I saw Kurt puffing his cigarette while leaning on our car. Di siya makapasok, bukod sa nag yoyosi siya nasa akin ang susi. Hahahaha. Pa walk out walk out pa akala naman niya makakapasok agad siya ng kotse.

"Uwi na ba tayo?" Tanong ko sa kanya.

"Ano bang problema, Sebastian?" Nagulat ako sa tono ng boses niya.

"Proble --"

"The f*** dude! I saw her. I saw Kristine! Hindi ako pwedeng magkamali, siya yun!" Bigla niyang hinagis yung filter ng sigarilyo. Naikuyom niya ang kamao niya sa galit. Walang umaaway sa kanya pero feeling ko anytime sasabog na siya. Ilang lang naman yung pwedeng maging reason kung bakit siya napa-paranoid eh.

First, dahil gumawa ako ng scandal at dahil dun naudlot yung gagawin niya sanang pagpunta at pag check sa table nila Ash kung si Kristine talaga yun...

My Boyfriend is a CasanovaWhere stories live. Discover now