|| CHAPTER 32.A: Apology ||

2.2K 38 4
                                    

[ MAX' POV ]

"Baka gusto mong tignan yang cake na kinakain mo? Lasog lasog na, kung tao yan kanina pa patay yan." Pagpipigil ng tawa ni Seb. Hindi ko pa rin makalimutan yung nangyari last week!

"Kung sinabi mo sa kanya edi sana okay kami ngayon!"

"Sorry na pre. Nakalimutan ko eh hahahaha."

"Patawa tawa ka pa!"

Flashback

Nag aayos ako ng gamit para isurprise si Kristine. Sa totoo lang kagabi ko pa to pinaghandaan, na e-excite ako sa birthday ng girlfriend ko.

Itetext ko na sana siya na magkikita kami ngayon nung biglang inagaw ni Dad yung phone ko. Biglang nag iba yung aura ng muka ko.

"What the?!" Gulat na sabi ko nung humarap si Dad sakin. "Fix your things." Derechong sabi niya. Nagtaka naman agad ako, fix my things? Bakit?

"May sakit yung pamangkin mo. Walang ibang magbabantay kundi ikaw, no choice dahil yung tita mo nasa abroad and yung tito mo you know where he is."

Nakahinga ako ng maluwag. Akala ko naman kung ano na, pag babantayin lang pala ako sa pamangkin ko. Okay na rin yun dahil namiss ko na rin naman siya eh, spend ko muna yung araw na to kasama ang mahal ko.

"Fix your things NOW."

"N-now?" Gulat kong tanong. "Yeah, as in now. I'll be back after 20 minutes, aalis agad tayo."

"But dad! Birthday niya ngay --" di nko pinatapos ni Dad magsalita nung nakita kong sinara niya yung pinto. Di man lang ako pinagsalita.

Shit! Pano 'to? Hindi pwedee! Ayokong madisappoint yung girlfriend ko dahil wala ako sa birthday niya, pero hindi ko rin naman pwedeng sisihin yung pamangkin ko dahil parehas silang importante sakin. 

Halos kanina pa ko palakad lakad sa kwarto ko. Kanina ko pa nga sinasabunutan yung buhok ko, muka akong tanga! Pero sinunod ko pa rin yung sinabi ni Dad na mag ayos ako ng gamit.

Nag isip ako ng paraan kung pano ko masasabi sa kanya yung biglaang alis na 'to. Syempre gusto kong magpaalam sa kanya dahil for sure baka mag alala siya. 

Tatawagan ko sana si Kristine para magpaalam sa kanya nung hindi ko makapa yung phone ko sa bulsa ko. Shit, na kay Dad nga pala.

After ko mag empake ay bumaba na agad ako para i-check kung asan si dad at kung sinu-swerte nga naman, naiwan niya yung phone niya sa table. Agad ko yung kinuha saka tinawagan yung number ni Kristine.

*riiiing*

Nakakailang tawag n'ko pero bakit hindi niya sinasagot? Wrong timing, babe naman sagutin mo.

Ring lang nang ring, ayaw sagutin. Tinry ko nalang tawagan si Sebastian para humingi ng tulong. 

"Hello Seb?"

[Yes? Poging Seb speaking.]

"Hindi 'to oras para sa biruan." 

[Hahaha chill. Ano ba yun ha? Init ng ulo eh.]

"Hindi ako makakapunta sa birthday ni Kristine. Damn it, bro! Hindi tuloy yung surprise ko sa kanya. May emergency kasi eh, may sakit yung pamangkin ko at ako yung magbabantay. Pakisabi nalang sa kanya ha? Mahal na mahal ko kamo siya. 1 week lang naman ako. Babalik ako pag uwi ko, promise."

My Boyfriend is a CasanovaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon