|| CHAPTER 11: Her Plan ||

3.3K 53 0
                                    

[ Dedicated to: maricarmiranda35 ]

[ SEB'S POV ]

"Sumali siya sa isang Mafia Org sa ibang bansa kaya malakas ang loob niyang bumalik dito para maghiganti. Alam niya kasing may kapit siya."

"Ni hindi na nga siya nag dalawang isip na pumunta dito para lang sirain ang buhay mo -- mali pala, buhay nyo ni Ash. Pati ang walang alam nadamay." dagdag ko at napa buntong hininga nalang ako.

Ang pagsasabi ng impormasyon na lang ang tangi kong maitutulong. Problema nila to, ano ba naman ang pinasok nila?

"F***! Nadamay pa si Ash eh wala namang kamalay-malay yung babae ba yun!" halos hindi na maipinta yung muka ni Kurt sa galit.

I wonder kung pano nagsimula ang lahat. Kung paano napasali si Ash dito, simpleng estudyante lang naman siya sa university, ni hindi niya nga kami kilala noon.

Tahimik lang ang buhay nya nung di nya pa nakikilala si Kurt. 

"Anong plano mo Kurt? Anong plano natin?"

"Wala pa akong konkretong plano dahil hindi kung sino lang ang makakabunggo natin, one wrong move baka pati yung inosente masaktan. Hindi ako papayag ng ganun, sa ngayon kailanga ko muna malaman kung nasan sila." tuloy tuloy na sabi ni Kurt. 

"Sa lahat ng gagawin mo, pre mag iingat ka lagi. Teka, may nararamdaman ka na ba --" bigla akong napatigil sa itatanong ko, buti napigilan ko.

Ang wrong timing nung tanong ko, hindi eto yung tamang panahon para dun. Chaka regardless kung si Ash yun o hindi kailangan niyang mailigtas un.

"Ano?" 

"Wala pre." sagot ko chaka dagdag ng "Ang sabi ko puntahan mo na si Kristine. Sabihin mo na sa kanya."

"Oo nga pala. Sige, Seb. Una na 'ko ha? Salamat pre!" pag papaalam sakin ni Kurt.

Kung opinyon ko lang ang tatanungin? Oo ang isasagot ko. May gusto na si Kurt kay Ash. Halata naman, lalaki ako kaya alam ko ang mga galawan namin.

Ngayon ko nalang ulit siyang nakitang mag alala ng sobra sa isang babae.

[ KURT'S POV ]

Kakalabas ko lang ng bahay ni Seb. Oo tama siya na mas importante yung sinabi nya. Hindi ko akalain na magiging ganun si Tricia,  ang laki ng pinagbago niya. Ganun pala ako nakaapekto sa buhay nya.

Pero ang malas lang dahil si Ash pa ang nasalang sa gantong pangyayari. Pero may gusto rin akong itanong sa sarili ko.

Bakit ganito ako makapag alala kay Ash? 

May gusto na ba ako sa kanya? o ayoko lang na may madamay pa.

Kailangan ko na palang makipagkita kay Kristine. Nag aalala na yun kay Ash at malamang sa malamang eh baka galit na sakin yun. Nag text ako sa kaniya na on the way na 'ko.

***

"Ilang minuto akong naghintay. Takang taka nga 'ko dahil antagal nya sa CR." pahayag ko kay Kristine. Nag kita na kami sa Coffee shop na pinag usapan namin at kanina pa rin ako nag kkwento.

"Takte! So nasan na siya ngayon?" tanong nya sakin.

"Hawak siya ni Tricia, ang problema hindi ko alam kung saan." blankong sagot ko. Pag nalaman nya kasi ang ugnayan namin ni Tricia noon eh baka magalit siya sakin ng sobra at sabhing nadamay si Ash sa katarantaduhan ko.

"WTF, sino yun? " kinuwento ko sa kanya lahat lahat kung ano at sino si Kristine.

"Kurt ano ba?! Pati si Ashley nadamay. Ano nang gagawin natin ngayon ha?! pano kung may mangyaring masama sa kanya?! Kasalanan mo to eh!!" tuloy tuloy na sabi nya sakin. Sabi na nga ba eh, hindi ko rin masisi si Kristine sa pag aalala niya.

My Boyfriend is a CasanovaWhere stories live. Discover now