MBIAC Chapter 35- Special Chapter of Kurt

3.1K 41 12
                                    

An: This is the last chapter of MBIAC then Epilogue na. So enjoy!! =))) ((pwede nyong patugtugin yung kantang 'realize' while reading this chapter.

~~

[PRESENT]

"Kurt Daniel Lee ♥ Ashley Reyes, forever and ever."

Napatingin nalang ulit ako sa pangalan namin na inukit ko sa puno ngayon ngayon lang. Balak ko kasi siyang dalhin dto at sorpresahin para bukas dto sa park. Guess what? 8 months na kami

Ang bilis ng panahon noh? Sinong mag aakala na ang Casanovang katulad ko at ang inosenteng si Ashley ay magkakatuluyan? Way back on the first time we met, para kaming aso't pusa. Siguro nga nahiya pa yung salitang "hindi kayo bagay" para idescribe yung kalagayan namin.

Pero masyadong mapaglaro ang tadhana. Sa di inaasahang nangyari, naging baliktad ang lahat.

Maraming nag bago sakin. Hindi n'ko nambababae, hindi n'ko umiinom, hindi na 'ko nag ba-bar at kung ano ano pa.

Lahat naman ng pagbabago ko ay dahil kay Ashley. Oo maraming nagbago sakin simula nung dumating siya sa buhay ko. Ow shet, ang corny ko na ata? Ang lover boy, tinamaan. Hmp. Haha.

Nung mga panahong una kaming nagkita, aaminin ko na hindi talaga ako natamaan sa kanya. Si Kristine talaga yung una kong napansin. Siguro nga dahil yun sa mabilis akong maatttract physically. Kasi alam nyo si Ash, ang manang nun, ang nerdy, ang childish, ang ingay at.... at... FLAT CHESTED!!! WAHAHAHAHA!!

*ringggg ringgggg*

Oppps. Tumatawag. Speaking of. Pfft.

"Hello baby kong flat chested. Kurt handsome speaking."

[Yaah!! Ako? Flat chest --]

"Oh bakit? Hindi ba? Hahahahaha"

[Bwiset ka!!! Huhu bye n --]

"Joke lang baby! Mwua. Pikon agad eh. Haha."

[Eh ikaw kasi eh.] Halata sa boses niya na malungkot siya. Hahaha.

"Oh wag kang mag pout jan ha! Kahit hindi kita nakikita, alam ko yan! Kiss kita jan eh!"

[Waaah! Ewan ko sayo! Bleeeh! .... ay wait!]

"Ano yun baby?"

[Kurt HANDSOME speaking? Pfft.]

Pinagdiinan niya talaga yung handsome ah? At halatang nagpipigil siya ng tawa. Luh? Baliw. Bakit kaya? Problema nun? O_o

"Hmm?"

[HAHAHAHAHAHAHAHA!! Muntik ko ng maibuga yung kape na iniinom ko. Ang feeler mo talaga. Kainis! Hahahahaha!! Pfft.]

Supportive Girlfriend noh? Tsk. Pagtawanan ba daw ako? -_____- baliw talaga.

Ay wait, may naisip ako! Wahahaha!

"Sus! Flat chested!! Nyahahaha!!"

Gantihan lang baby. Kala mo ah! Hahaha bleh!

[Ang bad mo! Huhu]

Ano ka ngayon? Haha. Tama na nga baka sabihin ng girlfriend ko ang mean ko.

"Hahaha. Joke lang baby. Osge, game na. Bakit ka napatawag?"

[Wala lang! Hehe. Advance happy 8th monthsary baby. I miss you na! I love you so much! Hehe bye!]

*call ended*

Pfft. Baliw na naman yung girlfriend ko. Haha. Sasagot pa sana ako ako ng I love you too kaso binaba niya bigla. #MedyoBastos. HAHAHAHA. Joke!

Syempre kahit lalaki ako, hindi ko maiwasang hindi mamula at mag init ang pisngi sa sinabi ng baby ko.

Hayys. Ganun lang talaga yung babae na yun, pag miss ako automatic tatawag yun tapos makikipag kulitan at asaran sakin. Mamaya pikon na yun. Haha.

Baliw dba? Hahahaha.

Pero kahit ganun yun, mahal na mahal ko yun. Para sakin, siya lang yung pinaka maganda at pinaka sexy sa paningin ko. ((Ehem sexy.. ehem.)) Hahaha! Dejk pero totoo talaga yun.

Ano daw? JK pero totoo? Haha retard!

Sa kanya ko natutunan at naranasan yung salitang "contented" yung tipong hindi n'ko naghanap ng iba kasi sa kanya palang kuntentong kuntento nko. Sobra pa nga eh!!

Sa kanya ko rin natutunan yung salitang "loyalty" yung tipong kahit madaming mas magagandang babae jan, kahit nakaka tempt gumawa ng kalokohan hindi ko magawa kasi nga loyal ako sa kanya.

At isa pa, sa kanya ko rin natutunan ang salitang "trust" minsan kasi may mga pagkakataong hindi magkasama. Syempre, hindi ko maiiwasan isipin na baka may lalaking lumapit sa kanya. Isipin ko palang naiinis nko, pano pa kaya pag nangyari un, dba? Baka masapak ko yung lalaking lalapit sa kanya -___-

Selfish na kung selfish! Wala eh. Mahal na mahal ko si Ashley. Ako lang ang boyfriend niya at AKIN LANG SIYA. AKIN AKIN AKIN!!

Pero ni minsan, hindi sumagi sa isip ko na ipagpapalit niya ko sa iba. Bukod sa alam kong mahal niya ko, may tiwala din ako sa napaka gwapo kong muka!! Hahahaha.

Aaminin ko na nahirapan ako mag move on kay Kristine. Pero unti unti ko siyang nakalimutan dahil kay Ashley. Yung mga panahong naglalasing ako, lagi kong napapansin na bakit parang may nakasunod sakin. Pagtingin ko, namukaan ko agad. Si Ashley pala yun. Inis na inis ako sa kanya nun that time kasi lagi siyang nakabuntot sakin.

Ayoko ng ganun.

Pero naisip ko na wala rin namang mangyayari kahit araw araw pa 'kong uminom eh. Hindi na babalik sakin si Kristine.

Naisip ko na siguro nga mahal talaga ni Max si Kristine. Iba talaga ang pag ibig noh? Hands down.

Speaking of Max, ayos na kami. Medyo may di pagkakaintindihan lang nung una. Siguro, nadala rin ng galit. Nangako naman siya na hindi niya sasaktan si Kristine at mukang hindi niya naman talaga sinasaktan.

So ayun nga, ilang gabi kong hindi pinapansin si Ash, kahit alam kong nandya lang siya sa paligid. Kasi nga, ayoko ng may umaaligid sakin dba? Naiinis ako.

Pero kahit anong snob ko sa kanya hindi pa din siya tumigil. Hindi ba siya napapagod?

Siya palang yung babaeng nakilala ko na ganun katyaga. Kaya napag isipan ko na i-entertain siya. Hindi niya naman kasi deserve na makaranas ng walang kwentang pag ibig. Syempre hindi namam ako ganun kamanhid para hindi maisip at maramdaman yung mga ganun bagay.

Hindi rin naman akalain na gagaan yung loob ko sa kanya. Sa araw araw naming pag sasama, naging komportable ako sa kanya at sumasaya ako kapag magkasama kami. Hindi ko pa nga ata mare-realize na mahal ko siya kung hindi siya umalis dun sa park nung panahong lasing ako.

Hay. Expect the unexpected nga naman.

At heto kami, getting stronger.

8 months na kami and forever to go.
~~

Whooo! Malapit na :( Epilogue na lang.

My Boyfriend is a CasanovaWhere stories live. Discover now