|| CHAPTER 19: With Him ||

2.6K 50 2
                                    

[ KURT'S POV ]

"Hangover."

Sabi ko kay Ash dahil halata namang takang taka siya kung bakit masakit ang ulo niya. Nabato ko sa kanya yung unan nung narinig ko siyang nagsasalita habang tulog. Nanaginip ata at tumawa tawa pa siya nun. 

"Lasing na lasing ka kagabi." sabi ko sa kanya. Wala siyang reaksyon at nakahawak pa rin siya sa ulo niya. Siguro sobrang sakit talaga.

Ikaw ba naman ubusin yung isang bucket ng mag isa lang. Sige nga kaya mo? 

It's already 9am. Hindi ako nakapasok dahil sa kaniya, nagtext na rin ako kay Kristine na may kailangan lang akong asikasuhin kaya hindi ako makakapasok.

Sumagot naman siya ng 'Okay'. Nakakapagsinungaling ako sa girlfriend ko ng wala sa oras.

Hindi naman pwedeng iwan ko na lang 'to dito. Hindi naman ako ganun ka selfish. 

"Kumain ka muna then take this medicine." inabot ko sa kanya yung tray ng foods sa may kasamang medicine.

Wala pa rin siyang imik. Di niya pa kinukuha yung tray na hawak ko, yung muka niya hindi maipinta. Parang andami niyang gustong itanong.

Tumingin siya sa bedside table.

Time: 9:05 am.

Bigla siyang napatayo na mas kinagulat ko. "Late na 'ko!" agad agad siyang bumaba sa kama pero feeling ko anytime pwede siyang bumagsak dahil sa hilo.

"Waaaaaah!" bigla siyang sumigaw nung matapilok siya. Buti na lang at hindi siya tuluyang bumagsak sa sahig dahil nasalo ko siya...

Yung posisyon namin --

Nakapatong siya sakin habang hawak ko ang katawan niya. Pati kasi ako napabagsak sa sobrang pagkatumba niya.

Biglang tumahimik yung atmosphere. Ramdam ko rin na parang may dunadaloy na kuryente sa buong katawan ko nung nasalo ko siya.

Medyo napatagal ang ganito naming pwesto. Nakita kong napatitig siya sa muka ko hindi ko alam kung bakit niya yun ginagawa.

Ako na mismo yung kumalas sa pwesto namin. "Don't worry. I sent an excuse letter to your Prof." sabi ko sa knya tapos inalalayan siyang umupo sa dining table.

Kinuha niya na yung tray na binigay ko sa kanya. Hinandaan ko siya ng Soup & Latté para naman kahit papano mainitan man lang yung sikmura niya.

Nagready nalang ako ng bacon sandwich & coffee para sakin at sinabayan ko lang siya sa pagkain. Sa kalagitnaan ng pagkain namin bigla siyang nagsalita. "Pano nga pala ako napunta dto? Diba si Max ang kasama ko?"

Max na naman. "Pinasundo ka niya sakin. Hindi ka na niya kaya kagabi dahil lasing na lasing ka na. Isang bucket inubos mo ng mag isa." paliwanag ko sa kanya.

Natigilan siya sa pagkain at muntik na maibuga ang kinakain niya. Inabutan ko na lang siya ng tubig. "I-isang b-bucket?" di makapaniwalang tanong niya.

"Yeah, kelan ka pa natutong uminom?" 

Hindi niya na matandaan na nakainom siya ng ganun kadami at hindi niya sinagot ang tanong ko. Ibig sabhin baka hindi niya na rin maalala yung mga sinabi niya kagabi na -- Mahal niya 'ko? 

Sobrang curious ako kaya gusto kong itanong. "Ash." tawag ko sa kanya at bigla siyang tumingin sakin.

"Hmmm?"

"May naaalala ka ba kagabi?" tanong ko sa kanya. Hinawakan niya naman ang kaniyang baba na parang nag iisip.

"Hmm wala eh. Bakit?"

My Boyfriend is a CasanovaWhere stories live. Discover now