|| CHAPTER 28: Talk ||

2.4K 44 0
                                    

[ KRISTINE'S POV ]

Ang hirap maging babae. Yung pakiramdam na every month kang halos tinatanggalan ng puson, hirap kumilos at higit sa lahat nakakaapekto ng mood.

"Nasan na ba yung gamot ko?" This was my second day at mas lalo pang sumakit, di na nga ko nakapasok kahapon eh. Pero ang sweet lang ng boyfriend ko dahil pinuntahan nya ko kahapon after ng class nya. He brought me my favorite foods at inalagaan nya rin ako bago siya umuwi. 

"Oy bes, sure ka ba na ayaw mo na ng cookies? Kasi uubusin ko na to. Hehe"

Oo nga pala, andito si Ash sa bahay. Binisita niya kasi ako ngayon dahil nga red days ko at miss niya na daw ako. Medyo hindi na kasi kami nakakapag bonding.

"Haha. Sige lang bes." Pag sagot ko sa kanya. Patuloy lang siya sa pagkain habang nanunuod kami ng movie. It's a romantic movie. "Aww. Ang sweet ng boyfriend nya! Nakakainggit." Giit ni Ash. Natatawa ako sa sinabi nya, isa rin ba sya sa mga babaeng wagas kung maapektuhan ng isang palabas? Hahahaha.

Nanunuod ako ng movies pero hindi ganun kalakas sakin yung impact. Nagpatuloy lang ako sa panunuod hanggang sa nagsalita ulit siya. "Uhm bes. Nakalimutan mo na ba yung past niyo ni Kurt?" Ilang segundo ako napatigil at nag isip bago nagsalita. "Bakit mo naman natanong ang bagay na yan?"

"Wala naman nadala lang ng movie. Romantic kasi eh naalala ko lang. Hehe." Paano naman nagkaron ng koneksyon yung romantic movie kay Kurt? Hmm. "Baliw. Haha."

"Eh? Ano nga bes?"

"Sa totoo lang hindi ko naman nakalimutan eh. Kasi hindi ko kinakalimutan at hindi ko makakalimutan." Kumunot ang noo niya saka nagtanong. "Anong ibig mong sabihin?"

"Hindi naman kasi ganun kadali na kalimutan ang bagay na yun. Dahil kahit papano, naging parte ng buhay ko si Kurt. Pero wala ng mangyayare kung iisipin ko pa ang mga bagay na yun...

At isa pa 5 months na kami ni Max at sobrang saya namin. Hindi sa pagiging selfish pero kailangan na nating mag move on dun."

Muka namang nagets ni Ash yung point ko. Medyo nag improve ang pagiging slow nya ha. Haha joke. "Eh bes pano kung hindi ka pa niya kinakalimutan? Pano kung ikaw pa rin ang mahal niya?" Ano ba naman ang pumasok sa isip ni bes at naisipang magtanong ng mga ganitong bagay?

Hindi ko alam kung pano kami napunta sa ganitong usapan. Hindi na tuloy kami nakakanuod ng maayos. "Paano kung ako pa rin ang mahal niya? Hmm. Wala naman akong magagawa bes eh. Alam kong alam nya at alam nyong si Max ang mahal ko. Sa simula't simula palang naman diba? Siya na yung gusto ko. Hindi ko naman siya masisisi kung ako pa rin ang mahal nya. 

Kasi kahit kelan hindi mo pwedeng diktahan ang puso mo  kung sino ang dapat mahalin nito. Pwede naman siyang sumuko kung nahihirapan na siya eh. Pero kung ayaw nya, choice nya yun. Kasi hindi ko naman siya inutusan na ipagpatuloy pa na mahalin ako." Paliwanag ko sa kanya kaya napatango sya sa sinabi ko.

Hindi naman ako yung babaeng walang pake sa nangyare sa nakaraan. Syempre kahit papano sumasagi pa rin sa isip ko ang mga bagay na yun. Basta para sakin, mas binibigyan ko ng pansin ung nangyayari sa present ko.

Siguro iniisip ng iba na habang nagdudusa si Kurt sa past namin eto ako nagpapakasaya sa relasyon namin ni Max. Pero ilang buwan na rin ang lumipas, malamang sa malamang eh nakakarecover na rin naman yun ng paunti unti. "Oy yung isa ko pang tanong."

Paano kung hindi niya pa 'ko nakakalimutan? Biglang sumagi sa isip ko yung scenario na magkasama sila ni Tricia. Sa pagkakataon na yun he already proved to me na nakalimutan niya na ko, kasi kung hindi magmumukmok lang siya sa kwarto nya at hindi mag aaksaya ng oras para sa babae na yun. "Imposible." Plain na sagot ko. "Huh? Pano mo nasabi?"

"Last week, I saw him with Tricia. Nakabunggo pa nga 'ko eh. Sa tingin ko naman naka move on na siya at siguro hindi na ganun ka big deal yung nangyari. Nakakarecover na siya, siguro mga 90%."

Halata sa kanya na nagulat siya. Bakit? May iba ba 'kong sinabi? "Si Tricia? Kelan ba yun?"

"Remember yung araw na nagkita tayo sa booksale?" Napatahimik sya saglit habang tumingin sa taas para mag isip. "Ahh oo yun! Pero teka, si Tricia? Eh nung nakita ko siya ibang babae yung kasama nya eh."

"Pano mo naman nalaman ha? Stalker?"

"Eh diba nga sabi ko nag s-spy ako! Oo sa kanya ako nag s-spy. Hindi ko lang natuloy sayo yung sinasabi ko dahil tumawag yung oh-so-concerned-boyfriend mo remember?"

Napatawa ako ng bahagya. "Bakit ka naman nag s-spy? Did you mean --"

"Oo bes huhu. Hindi ko rin alam kung bakit ko yun ginagawa. Parang may nagtutulak sakin na alamin ko yung bawat galaw nya, kung saan sya pupunta, kelan at sino kasama nya. Napaparanoid na ba 'ko?"

Napangisi ako sa paliwanag nya. Sabi ko na nga ba eh, may gusto pa rin sya kay Kurt. Grabe ang tagal na nun ah, 8 months na pagtatago ng feelings? Aba mahirap yun. "Ikaw bes ah! Yiiiieee." Pang aasar ko sa kanya.

"Che! Tigilan mo nga ako." Sus tigilan daw pero halata namang kinikilig kasi namumula. "Pero bes, ano ibig sabihin nun? Ibang babae ang kasama nya nung nakita ko sya, nagiging casanova na naman ba siya?" Malungkot na tanong sakin ni Ash. Naguguilty tuloy ako, kasi maaring bumalik ulit siya sa dating si Kurt dahil sa nangyari samin.

"Malay mo naman pinsan nya yun or relative." Napanguso siya at halata sa mata nya ang lungkot, para siyang bata na inagawan ng candy. "Pinsan? Relative? pero magkaholding hands?"

The F? Malala na 'to. There is a high possibility na bumalik na naman sa pagiging casanova si Kurt. I thought nagbago na siya. "May nararamdaman ka pa rin kay Kurt?" Pag singit ko ng tanong sa usapan. Hindi agad siya sumagot at tsaka nanahimik, sa ginawa niyang yun alam kong oo talaga ang sagot niya.

Huminga siya ng malalim. "Oo bes. Alam mo naman yun diba?" Bakas sa boses nya ang lungkot at sakit. Hindi ko nga lubos maisip na pano sya nakikisalamuka samin dati especially sakin nung mga panahong may something samin ni Kurt. 

Niyakap ko siya ng mahigpit. "Sorry bes. I'm sorry."

Kumalas siya sa yakap at tumingin sakin. "Sorry para saan?"

"Kasi nagbago ulit si Kurt dahil sa nangyari samin. Kung hindi ko naman siya sinaktan hindi sya magiging ganun ulit."

"Wala yun bes. Kung sakaling hindi mo naman siya nasaktan at hindi siya naging casanova, wala pa rin namang kasiguraduhan na magugustuhan nya ko."

Bakit kaya ganto no? Minsan na nga lang magmahal, may hadlang pa and worst ngayon ko lang na-realize na ako pala yung hadlang.

"Bakit di mo siya kausapin?" Suggest ko sa kanya. Mukang mali pero feeling ko tama rin, para naman malaman nya yung totoo at hindi na siya mahirapan. "Okay ka lang bes? Nice joke ah." Napailing iling pa siya habang nagsasalita.

"Hindi ko kaya." Dagdag nya. "Hindi mo pa nga sinusubukan sumusuko ka na agad."

"Baka kasi masaktan lang ako."

"At least sinubukan mo, at least malalaman mo na yung lahat. At least bago ka sumuko, naisip mong subukan mo at may ginawa ka. Mas mahirap sumuko sa isang bagay pag alam mong wala kang ginawa." Paliwanag kong muli at muka namang naliwanagan siya.

"Sabagay may point ka. Sige bes, hindi ko maipapangako na magagawa ko yun pero susubukan ko."

Ngumiti lang ako sa kanya saka siya ulit niyakap. Namimiss ko na talaga yung ganto naming moments katulad ng dati. Sana hanggang ngayon ganto pa rin kami ng bestfriend ko.

"I'll always support you bes."

_____

queenXautumn

"Notice that Autumn is more the season of the soul than of nature."

- Friedrich Nietzsche

My Boyfriend is a CasanovaWhere stories live. Discover now