|| CHAPTER 20: Real Partner ||

2.7K 47 0
                                    

[ KRISTINE'S POV ]

"Eh ako na lang kasi. Please?"

"Ako na."

"Ako na sabi eh."

*puppy eyes*

"Hayy. Sige na nga." sabay gulo ng buhok ko. Eto naman kasing lalaki sa tabi ko ang kulit kulit. Gusto niyang subuan ako ng pizza eh sabi ko ako na.

Nag lunch muna kami tutal parehas naman kaming walang klase. "Wait lang." sabi niya sakin sabay pinunasan yung hot sauce sa gilid ng labi ko. Di ko pala napansin. "Salamat, Max."

Kanina pa kami nag k-kwentuhan tungkol lang sa kung ano ano. Masaya siya kasama at walang segundo na hindi ako natawa.

Sa bawat pagngiti nga niya ay  hindi ko maiwasang maramdaman yung milyong milyong boltahe ng kuryente ang naakyat sa katawan ko. Ngumingiti siya ng dahil sakin...

Uuwi na sana ako after ng class ko kanina tutal wala naman si Kurt. Nagpaalam siya sakin na di daw muna siya papasok. Eh ayun nga bigla akong niyaya ni Max na maglunch. 

Ikaw ba yayain ng taong gusto mo, tatanggi ka pa? Hahaha. Inisip ko na kahit ngayon lang maging masaya ako para sa sarili ko.

Hindi ko inisip yung maiisip ng iba. Kesho ang landi ko daw kasi may boyfriend na 'ko, cheater daw and etc. Ang dami ko nang sinakripisyo -- pati sariling kaligayahan ko.

"Hoyyy!" sabay nag snap pa si Max. "Tulala ka dyan?" tanong niya sakin.

Bumalik ako sa katinuan at napailing iling nalang ako.

"Huh? Di naman, e." pagsisinungaling ko. Ngumisi naman yung loko, pero aaminin ko ang cute nya kapag naka smirk.

"May klase ka pa ba?" tanong niya sakin habang patuloy sa pagsubo ng pizza. Ang takaw nya. "Wala na. May last subject pa sana, e. Kaso nagtext yung classmate ko na absent daw yung prof." paliwanag ko sa kanya. Napatango nalang siya bilang pagtugon.

Kakainin ko na sana yung last slice ng pizza ko ng maramdaman kong nag vibrate yung phone ko.

Tinignan ko naman ito at napansin kong ang daming text at tawag ni Kurt. Bakit di ko namalayan? Nakakalimutan ko na ba ang outside world kapag kasama ko si Max?

13 missed calls

Baka galit na 'to, sunod ko namang tinignan yung mga text niya.

6 unread messages.

Hey babe :*

Babe?

I miss you babe!

Eat your lunch, okay? I love you so much!

Who's with you?

Still no reply? Fine.

Nakoo, mukang galit na ata si Kurt. Pano pag nalaman nya palang kasama ko si Max? Ano sasabhin ko? Sabagay, bakit ko kailangang kabahan eh magkaibigan naman sila. Chaka hindi naman alam ni Kurt na may nararamdaman ako para kay Max.

Nakakainis! Pakiramdam ko sa sitwasyon namin ako pa yung cheater!

"Babe! Sorry ngayon lang nakapag reply. I was not able to hold my phone because i'm with my friend. Don't worry, I'm perfectly fine okay? I love you! :*"

Ilang segundo ako naghintay nung may biglang lumabas na "Message not sent". Wrong timing naman expired na yung load.

"Sh*t!" napabulong nalang ako sa sarili ko. Hindi ko namalayan na nakatingin pala sakin si Max na parang litong lito. Siguro hindi niya maintindihan yung itsura ko ngayon. Ngumiti nalang ako para hindi na siya mag alala.

My Boyfriend is a CasanovaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon