|| CHAPTER 13: Space ||

2.7K 55 9
                                    

[ ASHLEY'S POV ]

"Hoy babae! Bumangon ka na nga!" sabi sakin ni Tricia habang tinapunan ng death glare. Hindi ko lang maintindihan kung bakit ang init ng dugo nito sakin.

Eh wala naman akong kaalam alam, pambihira. Hay. Di naman ako natutulog e, nakahiga lang ako habang nakapikit. Hindi ako mapakali sa kaiisip kung ano ba talaga yung pinili ni Kurt.

Dinedma ko lang yung sinabi nya *deep sigh* mababaliw na ata ako. "Narinig mo ba yung sinabi ko?! Andyan na sila Kurt."

Bigla akong nabuhayan sa sinabi nya. Hindi ako napatyo dahil sa kasa ng baril kundi dahil narinig ko yung pangalan ni Kurt.

Pero tama ba yung narinig ko? Sila? Hindi. Mali tong iniisip ko. Mali! Mali!

"Sabihin mo na." narinig kong inutusan ni Tricia si Kurt. A-ano ba yung dapat kong malaman? Hindi ko maintindihan yung nangyayari.

Sasabhin ba ni Kurt na mahal nya pa si Tricia? Okay lang yun, Ash. Okay lang sakin na yun ang sabhin ni Kurt. Basta ang mahalaga, makalabas na ako dto kasama siya.

Isang sakitan lang naman dba? Okay lang. Okay lang. Ilang sandali din namayapa yung buong kapaligiran.

Hindi pa ako lumilingon sa gawi nila.. Natatakot kasi ako. Natatakot akong tumingin sa eksenang baka hindi ko kakayanin. Hindi ko alam kung ano ang makikita ko pag lumingon ako.

Pero curiosity kills the cat. Hindi ko na kaya kaya tumingin na ako. And I can say that it was a wrong move, I hurt my feelings because of my own expectations.

Magkasama sila...

Si Kristine at Kurt.

Bakit? Bakit parang tinutusok ng milyong milyong karayom yung puso ko? Bakit parang unti unti itong nababasag? Bakit parang hindi ko kaya ang nakikita ko?

Sasabhin nya ba na sila na ni Kristine? Bakit? Pano?

Nasasaktan ba 'ko? Ganto ba yun? Ganto pala mag mahal. Masakit. Akala ko ba masarap mag mahal? Pero bakit hindi naman?

Unang beses ko lang naramdaman yung ganito. Pero bakit ang malas ko naman ata? Mahal ko na ba siya? May nararamdaman na ba 'ko?

Pano nya magagawa yun? Hindi nya ba naisip na baka masaktan lang ako? Sabagay, sino ba naman ako dba? At chaka, ano bang pakialam nun sa nararamdaman ng isang babae?

Isa lang naman ako sa koleksyon nya. Hello, casanova si Kurt. Pinaglalaruan nya lang ang damdamin ng mga babae. Ano bang ineexpect ko? Seseryosohin nya 'ko? Nakakatawa ka Ash. Sino ka ba?

ANG DAMING BAKIT NA NAGLALARO SA ISIP KO. ANG SAKIT SAKIT NG PUSO KO.

"Ash." lalong nadudurog yung puso ko nung binanggit nya yung pangalan ko. Ayoko. Ayokong tumingin. Hindi ko kaya, ayokong marinig yung mga salitang hindi ko kakayanin.

"Ash may sasabihin ako." unti unti akong tumingin sa gawi NILA kahit hindi ko kaya. Yung second choice pala talaga yung pinili ni Kurt. Ha ha. Ngumiti ako pilit na ngiti... "Kurt." tawag ko sa kaniya.

Pinipilit kong ngumiti habang tinitignan yung mga mata nya. Kunwari wala akong alam. Kunwari okay lang ako. Kunwari masaya ako na dumating siya. Kunwari, kunwari lang yung nararamdaman ko.

"Ash, kami na ni Kristine." nakita ko kung pano nya hinawakan yung kamay ni Kristine. Ang sakit. ANG SAKIT SAKIT.

Pati ba naman si Kristine nagawa yun? Akala ko ba kilala nya 'ko? Dapat hindi nya gawin yung mga bagay na alam nyang ikasasakit ko. Kahit anong mangyari hindi magiging reason un para pumayag siya.

My Boyfriend is a CasanovaWhere stories live. Discover now