|| CHAPTER 16: Double Date? ||

2.7K 50 0
                                    

[ MAX'S POV ]

"Max, nandito sila."

H-ha? Sinong sila?

Tiningnan ko na lang yung direksyon na tinitingnan ni Ash. Nagulat ako sa nakita ko, nandito nga sila Kurt.

Nakaramdam ako ng sakit, unti unting nadudurog ang puso ko sa nakita ko, parang ndi ko kayang tignan.

At ndi lang sila magkasama... magkayakap pa sila. Kung masakit sakin, ano pa mararamdaman ni Ashley? Mas masakit para sa part niya.

Kaya nga kami nandito para makalimutan niya pansamantala yung sakit. Pero bakit naman hanggang dito pinipigilan kami ng tadhana?

Ang malas ko naman. Karma ko na ba 'to? Minsan na nga lang magmahal, may kaagaw pa at ang masaklap dun kaibigan mo pa.

Sabagay, sabi nga nila pano ka lalaban kung alam mong sa una palang talo ka na?

Hindi ko lubos maisip na babagsak si Kurt kay Kristine. Dati kasi puro Ashley lang siya, ang akala ko nga sa una pag lalaruan niya lang si Ash, tapos nun mahuhulog siya. Diba ganun naman sa mga story? Lahat ng yun 'akala' ko lang pala.

Tinignan at pinagmasdan ko ang muka ni Ashley, pakiramdam ko rin ay babagsak ang mga luha niya anytime.

"Mahal mo talaga siya noh?" tanong ko sa kanya. Pero nag sisi ako kung bakit ko pa siya tinanong.

Hindi na nga niya napigilan at biglang bumuhos ang luha niya.

"Oh, panyo." tinanggap niya naman ang panyong inabot ko. Patuloy lang siya sa pag punas ng luha niya.

I pulled her closer to mine. "As what I've said, I won't leave you." sabi ko sa kanya. Ramdam ko ang paghigpit ng yakap niya sakin.

Nararamdaman ko din na nababasa na yung shirt ko bandang shoulders dahil sa luha niya.

Yung muka niya, nakasubsob sa balikat ko. "Sshhh. Wag ka ng umiyak." I caress her back para patahanin sya. Pero the opposite thing happen.. lalo siyang umiyak.

"Bakit ganun Max?" tanong niya sakin. "Ang unfair ng love." pagpapatuloy niya.

"Hindi ba pwedeng magmahal na lang? Kailangan ba talagang masaktan?"

Natigilan ako saglit. Minsan kasi, natanong ko na rin yan sa sarili ko. Na realize ko lang na walang nagmamahal nang hindi nasasaktan.

Sa totoo lang, hindi lang naman siya ang nasasaktan dito e. Ako rin nasasaktan, parehas lang naman kami ng posisyon. Pero hindi ako pwedeng manghina dahil kailangan ng lakas ni Ashley.

Nagmamahal..

Nasasaktan..

"Hindi mo masasabing pagmamahal yun kung ndi ka nasasaktan, Babe."

Sagot ko sa kanya. Alam rin naming nagbibiruan lang kami sa tawagan namin. "Eh ikaw, gusto mo si Kristine dba? Nasasaktan ka rin ba? Bakit hindi ka umiiyak?" deretchong tanong niya.

Nasasaktan ka rin ba?

Nasasaktan ka rin ba?

Nasasaktan ka rin ba?

Paulit ulit na sumasagi sa isip ko. Nasasaktan rin ba 'ko? I take a deep sigh. "Sobra." sagot ko.

"Pero hindi ko kaylangan magpadala sa emosyon ko, Ash. Kailangan kong maging malakas, lalo na ngayon na nanghihina ka. Paano ka na kung makisabay rin ako? Ayoko. Gusto ko na ako ang maging lakas mo habang nanghihina ka."

My Boyfriend is a CasanovaWhere stories live. Discover now