|| CHAPTER 24: Friendship ||

2.3K 43 2
                                    

Dedicated to CrisCrisCross :)

[ ASHLEY'S POV ]

Siya na naman?

"Guys excuse lang saglit lang ah?" Paalam ko sa dalawa. Tumango lang naman sila bilang pagtugon.

"Long time no see, dude." Bati sakin nung lalaking kanina ko pa napapansin. Sabi ko na nga ba at siya 'to eh. "Oo nga eh. Kamusta na Seb?" tanong ko sa kanya.

"Pogi pa rin...." napangiti siya "at stick to one pa rin." Dagdag niya. Napailing nalang ako sa kalokohan niya. Tagal ko na rin 'tong hindi nakikita, ewan ko lang kung anong nangyari dito. 

Parehas kaming napatigil nung nakita namin kung sino ang pumasok sa coffee shop at nakatingin sa direksyon namin.

[ KURT'S POV ]

Kanina pa ako hindi mapakali sa sinasabi ni Seb. Paikot ikot ako sa pwesto ko, pero dahil hindi ako matahimik sumunod ako sa coffee shop kung saan nandun si Seb.

Mabilis 'kong kinuha yung susi at agad na pinaharurot yung kotse na dala ko. Maya maya ay nakarating na agad ako, hindi naman masyadong matagal dahil malapit lang.

Pag pasok ko ng shop ay agad kong hinanap si Seb. Nahagip agad ng mata ko ang hinahanap ko at kasama niya si Ashley. Anong ginagawa nya at bakit nya kasama si Seb?

Agad akong lumapit sa kanila. "Anong ginagawa nyo?" Tanong ko sa kanila saka umupo. "Chillin'?" Kalmadong sagot ni Seb. Kahit kelan talaga walang sense yung pinagsasabi nito.

"Oh bakit ka pla andto?" Tanong sakin ni Seb. Bago ako sumagot ay napatingin ako kay Ash na katabi ni Seb. Halatang iniiwas niya ang tingin nya sakin. "Naguguluhan kasi ako sa sinasabi mo pre." Sagot ko sa kanya.

"Just look." Matipid na sagot nya sakin. Lalo akong na cu-curious sa sagot niya.

[ SEBASTIAN'S POV ]

Kanina ko pa nakikita ang isang pamilyar na itsura. Teka si Ashley ba yun? Sino kaya kasama nun? Agad ko siyang sinundan after nyang mag CR, wala lang curious lang ako.

At yun tama nga ang hinala ko, kasama niya si Kristine at Max. Matagal na 'kong nakakaramdam sa dalawa na to pero hindi ko lang alam kung bakit napakatanga ni Kurt para hindi niya magets.

Umupo muna ako sa pwesto ko. Hindi ko maiwasang hindi mapatingin sa table nila para tingnan si Kristine at Max, pero sa kabilang palad mata namin ni Ash ang nagtama.

Nakita kong parang may sinabi siya sa dalawa chaka siya biglang tumayo at lumapit sakin, siguro ay nagulat siya kung bakit ako andto. Ang tagal na kasi naming hindi nagkita.

"Long time no see, dude." Bati ko sa kanya. Kunwari ay patay malisya akong di ko siya nakikita kanina pa. "Oo nga eh. Kamusta na Seb?" Tanong niya sakin. Napaka masayahin pa rin talaga ni Ash.

"Pogi pa rin...."

"at stick to one pa rin."

Pagbibiro ko sa kanya. Hahaha. Napailing nalang siya sa sinagot ko at tumawa. Napahinto kami parehas nung nakita namin kung sino ang biglang pumasok sa coffee shop.

Sinundan niya talaga ako. Di ko siya kinukunsinti pero tama rin ang ginagawa niya, para makita nya na ang dapat makita at malaman ang dapat malaman.

Hindi na lang ako magsasalita. Siya na ang bahala, malalaman nya rin naman yun. Nandto na ang sagot kaya hahayaan kong siya na mismo ang makaalam.

Agad siyang nagtungo sa pwesto namin. "Anong ginagawa nyo?" nagtatakang tanong niya. Siguro ndi nya alam kung bt kami magkasama ni Ash.

"Chillin'?" Sagot ko sa kanya. Eh yun naman talaga eh. Napailing na lang siya chaka umayos ng upo. Suguro kaya niya ko sinundan kasi ndi niya talaga maintindihan yung sinabi ko kanina.

Sumunod nga at sakto pa na nandito yung dalawa. Wala akong alam. Wala sa plano. 

"Oh bakit ka pala nandto?" Patay malisya kong tanong. Gusto ko lang makita yung reaksyon niya. "Naguguluhan ako sa sinasabi mo pre." Sagot niya.

Napansin ko namang medyo hindi na magets ni Ash yung pinaguusapan namin. "Just look" chill na sabi ko kay Kurt. Biglang tumayo si Ash, nakaramdam na siguro siya na kailangan niya ng umalis dahil may pinag uusapan kami ni Kurt.

"Excuse lang Seb, ah? Next time na lang. Nga pala Kurt, nice to see you again." Paalam niya samin bago umalis. Lahat ng kinikilos ni Ash ay sakto. Syempre pag umalis na siya, babalikan niya yung table nila at kapag sinundan siya ng tingin ni Kurt.... patay na. Makikita niya na ang dapat niyang makita.

Kinakabahan ako sa pwedeng mangyari. Sa bawat pag hakbang ni Ash. "Pre, ano pala order mo? Treat ko." Pang gugulo ko kay Kurt para maaagaw ko yung atensyon niya kay Ash na kanina niya pa sinundan ng tingin. Siguro naisip niya rin kung sino kasama nito.

"Pre naririnig mo ba 'ko?" patay. Mukang ndi siya naiistorbo sa sinasabi ko, wala na. May pag asa talagang makita niya yun. Bahala na. 

Nakita ko ng nakaupo si Ash. Nakaharap siya samin kaya naman nakatalikod yung dalawa. Pero hindi pa rin maalis yung tingin ni Kurt dun sa table nila.

"Pre, tignan mo. Parang si Kristine yun oh..." sabay turo niya kay Kristine. "Parehas na parehas sila kahit nakatalikod." Dagdag niya pa. Talagang kilalang kilala niya si Kristine.

"Ha? Sus, hindi yan pre. Malay mo lang." Sana hindi tignan ni Kurt. Gusto kong malaman niya pero sana naman wag dto. Baka dto pa sila gumawa ng skandalo -- nakakahiya. Kinakabahan tuloy ako.

Pinapanalangin ko na sana wag tumayo si Kurt. Baka ndi niya mapigilan yung sarili niya at masapak niya ng bigla si Max. "Teka lang ah?" Paalam niya sakin at akmang tatayo na.

SHIT!!! HINDI PWEDE.

"Pre, san ka pupunta?"

"Sa table nila Ash?"

"Wag na pre."

"Bakit mo ba 'ko pinipigilan?! May tinatago ka ba?"

_____

queenXautumn

"Notice that Autumn is more the season of the soul than of nature."

- Friedrich Nietzsche

My Boyfriend is a CasanovaWhere stories live. Discover now