|| Chapter 33: Unexpected ||

2.4K 37 9
                                    

[ ASHLEY'S POV ]

Flashback

Ilang araw ko ng sinusundan, minamanmanan at pinagnanasahan si Kurt. Loljk. Oo na, stalker na kung stalker. Eh kasi naman eh, ilang araw or should I say ilang linggo na siyang nag b-bar?

Hindi ako napunta ng bar pero napapapunta ako ng wala sa oras dahil sa kanya. Edi wow diba? Hehe. Sabagay, hindi ko rin naman siya masisisi kung nasaktan siya ng sobra dahil sa ginawa ni Kristine. Pero kasi mahal na mahal ni Kristine si Max. Alam naman nating MAS masasaktan si Kurt kapag lalo lang siyang pinaniwala ni Kristine na mahal niya pa si Kurt.

Napapaisip nalang tuloy ako. Iba talaga ang nagagawa ng LOVE sa isang tao, isang salita, apat na letra pero kaya nitong apektuhan ang buhay natin. Ang mundo natin. Kaya nitong i-sacrifice ang kasiyahan niya para lang sa happiness ng taong mahal niya, kaya nitong ipaglaban ang taong mahal niya, natuto ang tao na magparaya at kaya nitong pahintayin ang pinakamainiping tao sa mundo.

Powerful, diba?

"Miss, o-order ka po ba? Kanina ka pa nakaupo dyan eh." Nagbalik-ulirat naman ako nung mapansin ko yung bartender sa harap ko. Sa totoo lang, ayokong pumunta sa bar. At mas lalong ayokong uminom, hindi ko alam pero gusto kong lagi kong nababantayan si Kurt kahit alam ko namang hindi niya ako mapapansin.

"Ahh hindi po eh hehe. Sige po, wag kayong mag-alala aalis din ako maya-maya." Paliwanag ko kay kuyang nagbabantay. "Okay." Sagot nito. Mabilis naman pala 'tong kausap eh hehehe.

Nakakailang case na si Kurt. Tsktsk. Walang kasawaan. Hindi ba siya naapagod? Araw araw siyang nandto.

"Hi Babe!" Babe? Narinig kong tawag ng isang babae kay Kurt. Biglang uminit yung dugo ko. Waaaah! Bakit ganun? Aba, napakalandi naman ng babaeng yon. Kumandong pa sa lap ni Kurt. "Hello." Sagot ni Kurt. Lalo akong nainis sa ginawang pag sagot ni Kurt dun sa malanding babae na yun! Bt ba ganto ako mag react? Wala naman akong karapatan eh.

Okay na sanang makita ko si Kurt na umiinom, pero makita siyang may kasamang babae? Aba aba. Ibang usapan na yun! Hmp!

Utak at Puso: Selos ka lang eh!

Selos selos kayo dyan! Magtigil nga kayo! Huhu.

Pinagmasdan ko lang ang ginagawa nila, habang nakakandong ang babae kay Kurt ay unti-unting lumalapit ang muka nito. Lao akong naiinis. May dapat ba akong gawin? O panuorin ko lang sila? Gggrrrr!!

Ganto ba talaga sa bar? Ang w-wild ng tao. Kahit hindi mo kilala, ayos lang. Wag nyang sabhin na dto sila mag me-make ou -- "Hopia Mani Popcorn!!!" Agad akong napatakip sa bibig ko dahil sa kahihiyan na ginawa ko.

Aba! Hindi ko pa nga natatapos yung sinasabi ko gagawin na agad nila?! Sabi na eh! Sabi na eh! Tssk.

Naramdaman kong napatigil sila at tumingin sakin si Kurt. Siguro hindi niya ko namumukaan dahil nga lasing na siya.

"Ano bang problema mo?" Matapang na tanong sakin ng babae. Nakopo, mapapaaway pa ata ang ate mo. Wala akong back up! Bwiset.

Hindi ako makasagot. Nag iisip pa ako ng pwedeng ibanat. Para matigil na ang punyetang kalandian niya! "Kung inosente at di ka mag b-bar, pwede bang lumabas ka na dto? Hindi ka bagay dto."

Biglang kumulo yung dugo ko. Hindi ko gusto ang tabas ng dila ng babae na 'to. Tatamaan talaga 'to sakin. Punyatera!!

"Anong problema ko? IKAW. Ikaw na malanding babae na lumalandi sa BOYFRIEND KO." hindi ko alam kung saan ko napulot ang mga salitang yan. Natatawa nalang ako pero pinipigilan ko. At boyfriend? Wtf, Ash!

My Boyfriend is a CasanovaWhere stories live. Discover now