|| CHAPTER 23: Trio ||

2.3K 39 1
                                    

[ KURT'S POV ]

Nakakainis. Isang linggo na yung lumipas hindi pa rin kami nakakapag usap ng matino ni Kristine. Napaka walang kwenta kong boyfriend no?

No texts, phone calls, chats and even meet ups. Talaga bang iniiwasan ako ng babae na to? Pero bakit? Sana sinabi nya man lang yung dahil kung bakit at ano yun. Hindi yung iiwan at iiwasan niya na lang ako ng walang pasabi. Nakakainis.

Wala naman akong natatandaan na magkagalit kami kaya walang pwedeng maging reason para iwasan niya ko. Pag tinetext ko siya hindi naman nagrereply, pag tinawagan ko laging busy yung line, pag chinat ko biglang mag o-offline. Hindi ko na alam kung saan ako lulugar eh.

Minahal ko na si Kristine ng sobra. Nilayuan ko lahat ng babae para sa kanya. Who would believe na nagawa ko yun dahil sa kanya?

"Pero pre...alam mo na ba?" chill na tanong ni Seb. Remember him? Isa rin siya sa mga casanova katulad namin ni Max. Tatlo kaming magkakaibigan diba? Pero nagbago na 'to eh, ang tagal na nila ng girlfriend niya.

Nagtaka naman ako bigla sa sinabi niya. "Alam na?"

"Na laging magkasama si Kristine at Max?"

M-max? Wala akong kaalam alam, hindi rin kasi nagpaparamdam si Max. Nakaramdam ako ng konting inis. Kasi bakit niya sinasamahan si Kristine eh ako ang boyfriend nun. Pero sumagi rin sa isip ko na ano naman kung magkasama sila? Kaibigan ko naman si Max e.

Tahimik pa rin ako at ndi umiimik. "Hindi ka man lang ba magseselos?"

Napatingin naman ako sa sinabi niya. Hindi ko alam kung nangungunsinti to o sadyang nagtatanong lang. "Why would I?"

"Kasi baka agawin niya si Kristine sayo?" napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya. Anong ibig niyang sabihin? Kaibigan ko si Max kaya alam kong hindi niya yun kayang gawin.

"Baliw." natatawa ko pang sagot. Alam kong ndi seryoso yung mga sinasabi ni Seb. "At isa pa, may Ash na si Max." dagdag ko pa.

"May Ash na si Max?" ulit niya. "Oo. Paulit ulit?"

Napatawa naman siya. Bakit may nakakatawa ba? "Ang tanga mo naman."

"Bestfriend niya lang yun. May ibang mahal si Max, ganun dn naman si Ash. Imposibleng mangyari yung iniisip mo."

Napatigil naman ako. Nung nakita ko silang magkasama, mag bestfriend lang pala sila? Akala ko sila na. After ng lahat ng kasweetan nila, magkaibigan lng pala? Babe pa!

"Tangina, akala ko sila na."

"Yan tayo sa akala dude eh."

Napailing na lang ako. Di ko alam kung anong pinag uusapan namin eh. "Pero pre, seryosong usapan. Kung ayaw mong mawala si Kristine sayo bantayan mo."

Napakunot naman ako sa sinabi niya. Hindi ko siya maintindihan. "Huh? Ano ibig mong sabhin?"

"Wala wala. Ikaw na tumuklas."

"Sge dude. Coffee shop muna 'ko. Sunod ka na lang kung gusto mo." paalam niya sabay naglakad paalis.

Kung ayaw mong mawala si Kristine sayo... bantayan mo

Kung ayaw mong mawala si Kristine sayo... bantayan mo

Ano bang ibig niyang sabhin? May aagaw ba sa kanya?! 

[ ASHLEY'S POV ]

Loner.

Solo flight.

Alone.

Ganyan ako ngayon pero not literally. Kasama ko yung dalawang ugok pero feeling ko third wheel lang ako huhu.

Pano ba naman naglalakad kami. Sila nasa unahan magkatabi at eto ako nasa likod nag iisa. 

Naisip ko lang... Pano kaya sasabhin ni Kristine yung lahat kay Kurt? Para kasing ang hirap. Pero nakikita ko namang mas masaya siya kay Max e. Ngayon pa nga lang eh, ay dati pa pala.

Paano pag nahuli silang magkasama? Anong mangyayari? Anong sasabhin nila? Sino magpapaliwanag?

Napansin kong napatigil pala 'ko sa paglalakad habang nag iisip. Medyo malayo na sila sakin at nakita kong nakatingin sila sakin. Yung parang Bat-ka-tumigil-bilisan-mo-look. "Oh bakit?"

"Day dreaming?" natatawang tanong sakin ni Max. Pansin ko simula nung magkasama sila ni bes mas sumaya sya.

Napailing na lang ako saka binilisan yung paglalakad para mahabol sila.

Maya maya ay nalaman ko na rin kung san kami pupunta. Coffee shop na naman? Favorite tambayan talaga.

Pag pasok namin ay umupo agad ako, as usual sila ang magkatabi. "Ano sayo bes?" tanong ni Kristine o-order na kasi siya. "Kung ano sayo."

"Sige."

"Bes, CR lang ako ah?"

Pagpapaalam ko sa kanya. Maghuhugas lang naman ako ng kamay kasi parang di ako mapakali chaka titignan ko lang sarili ko sa salamin. Girls are girls.

Habang nagpapatuyo ako ng kamay parang may naaninag akong tao na pamilyar sakin. Patuloy lang ako sa pagpapatuyo.

Napag isipan kong bumalik na lang sa pwesto namin.

Naririnig ko ang mga tawanan nung dalawa, ang saya naman nila. Hahaha, kamusta naman ako?

Wala akong magawa kaya tinignan ko na lang yung view sa labas. Habang nakatitig ako dun, nahagip na naman ng mata ko yung taong kanina ko pa nakikita.

Siya na naman?

_____

queenXautumn

"Notice that Autumn is more the season of the soul than of nature."

-Friedrich Nietzsche

My Boyfriend is a CasanovaWhere stories live. Discover now