|| CHAPTER 30: Love ||

2.3K 44 0
                                    

[ KRISTINE'S POV ]

Kanina ko pa pinagmamasdan yung mga lovers na nasa paligid namin, isa naman kasi sa pinakakilalang tambayan ng mga mag partner ang park. Wala naman talaga kaming balak na pumunta dito pero biglang nagpumilit si Max na pumunta daw kami dto.

"Babe, bakit mo naisipang pumunta tayo dito?" Nagtatakang tanong ko tsaka tumingin sa muka niya. Hindi naman kasi kami mahilig pumunta sa lugar na 'to at malimit kaming nasa malls or restaurant pag magkasama kami.

Ngumiti lang siya sakin saka hinawakan ang kamay ko. "Wala. Para maiba naman babe." Nakangiti siya pero parang may iba sa ekspresyon ng muka niya na hindi ko mawari.

"Okay then." Sagot ko sa kanya habang hawak pa rin ang kamay niya.

Biglang sumagi sa isip ko yung lovestory naming dalawa. Para kasi sakin napaka perpekto ng pagmamahalan namin. Alam mo yun, parang beyond perfect. Yung wala ka nang ibang hihilingin pa.

Para kaming fairytale na walang ibang iniisip kundi ang magpakasaya. Sa loob ng limang buwan na relasyon namin, nakakatuwang isipin na hindi pa kami nagkakaroon ng matinding away na hahantong sa break up.

Maayos ba talaga ang relasyon namin? O wala pa kami sa punto na yun? Bihira na lang magkaroon ng relasyon na tuloy tuloy yung flow and I find it so perfect with Max. Naiisip ko tuloy kung minsan eh nagsasawa na ba siya sakin.

Ang dami kong sinasabi out of the blue. Wala na nga atang connect sa title yung speech ko dito. Ano bang sinasabi ko? Haha napaparanoid lang siguro ako.

Buong tiwala ang binigay ko sa kanya. Kahit kelan hindi ko nagawang mag cheat sa relasyon namin. Siya kaya,  hindi niya kaya nagawang mambabae? Hindi kaya siya nag cheat sakin kahit minsan? Kasi you know... casanova guy. Hindi ko maiwasang hindi mag isip ng ganto. Talaga bang nagbago na siya?

Nababaliw na ako. Kung kelan kami tumatagal, bakit ngayon ko pa naisip na pagdudahan siya? Ayoko ng ganito, mukang hindi ko nagugustuhan ang instincts at mga naiisip ko.

Lumingon ako sa direksyon niya at nakitang nakangiti siya habang tinititigan ang isang masayang pamilya na nakaupo sa bench. Isang nanay, tatay at isang babaeng anak na kumakain ng ice cream. Napailing ako saka nagtanong. "Ano na namang iniisip mo babe?"

Tumingin siya sakin saka sumagot. "Can't stop thinking to grow old with you and the time that there will be a kid who will approach us in the the bed saying "hey mom and dad, wake up!".

Unti unting bumilis yung tibok ng puso ko, ang lawak ng imagination nya. Napangiti ako sa sinabi niya, mukang hindi nya alam kung anong kasiyahan ang nadudulot nito sa puso ko. Ramdam kong sincere siya sakin, sa sinabi nya na yun nagsisisi ako kung bakit ako nagduda sa kanya. He's so loyal to me after all.

"Aww. You're so sweet babe. I am ready to spend my forever with you." Halos lagi kaming nagpapalitan ng mga matatamis na salita. I wonder kung hindi siya nagsasawa sa cycle namin na 'to.

"Babe." Tawag ko sa nya. "Hmm?" Pagsagot nya kasabay ng pagtingin niya sa mata ko. "Kelan ka tumigil sa pagiging casanova?" Out of nowhere hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko bakit tinanong ko ang bagay na 'to. Parang may nagtulak sakin para gawin ito.

"Since I met you. Why?" Napaisip ako ng saglit. Nagdududa ba ako sa kanya? Pero mabilis akong sumagot, "It's just... something's bothering inside my mind that I can't figure out." Sa lahat ng sinasabi sakin ni Max hindi naman talaga ko dapat magduda kasi nakikita ko yung sinseridad sa bawat sinasabi niya.

"Iniisip mo ba na baka iwan kita? Hindi ko gagawin yun babe. I will never do that."

"Naisip ko lang kung ano yung nagustuhan mo sakin kesa sa mga babaeng nakakasama mo noon."

"It's you, because you're Kristine. You're very different from them.. because... because you're an alien. Pftt. Hahahahahahaha." Pagbibiro nito, wala pang isang minuto ay pinaghahampas ko na agad siya. Bwiset tong lalaki na to! Nag e-emote na ko eh. "Aw. Hahahaha -- stop it bab -- hahahaha aw."

"I'm dead serious." Nakakainis. Huhu. How can he manage to throw some puns.

"Haha I'm just kidding babe. Masyado ka kasing seryoso eh, hindi ko alam pero ngayong gabi parang marami kang iniisip. Pero sa totoo lang iba ka naman talaga sa kanila." Hindi ko napigilan yung sarili ko na hampasin siya ulit dahil baka sabhin nya na naman na alien ako. 

"Hahahahahaha. Hindi na babe, seryoso na."

Eh? Ang cute niyaa. 

"Akala ko katulad ka rin ng ibang babae na hahabulin ako. Yung magkakandarapa na alamin yung pangalan ko just to go out on a date with me.. pero hindi eh, ikaw lang ata yung babaeng hindi natablahan ng karisma ko. Ni hindi mo nga ko nagawang kausapin eh,  nakatayo ka lang habang tinitignan ako pero hindi ko alam na nagugustuhan mo na pala ako. It's funny right? You make me fall inlove while you're doing nothing. Your unique attitude made me fall inlove deeper to you."

Wala akong masabi. Nagpapakatotoo lang 'tong lalaking nasa harap ko tapos ako kung ano ano iniisip ko sa kanya? I shouldn't doubt him after all. "Amen." Pabirong sabi ko saka kami nagtawanan.

"Just enjoy this night babe. Don't waste it, just remember that I love you so much whatever  happens." Sa tono ng boses nya para siyang aalis sa tabi ko. "Iiwan mo ba ko?"

"N-no."

Bakit parang nag aalangan siya? Ayos naman kami ah? Ayokong pangunahan ako ng walang kwentang instincts ko dahil baka magdulot lang 'to ng kasiraan sa relasyon namin. Gusto ko lang magtiwala. "Babe, hindi ka ba magsasawa sa relasyon natin kahit minsan?"

"Pag ba sinabi ko sayo na mahal kita ng paulit ulit magsasawa ka?" Oo nga noh? Hmm. "Kelan pa naging sagot ang tanong sa isa pang tanong?" Sarkastiko kong tanong. Pero imbis sumagot siya ngumiti lang siya sakin saka kinurot yung ilong ko.

"Aw naman babe! Huhu."

"Cute mo! Pakiss nga."

At sa hindi inaasahang pangyayari, mabilis siyang nakanakaw ng halik sa labi ko. "Stealer!" Pero hindi niya pinansin yung sinabi ko saka ako niyakap.

Pinanuod lang namin yung fireworks sa langit, sakto pala yung pag punta namin dto. Free fireworks? Haha. I'm enjoying this night together with my boyfriend.

Pero hindi pa rin maalis sa puso ko na parang nangangamba ako? Parang may mali sa pakiramdam ko. Meron akong ibang nararamdaman na parang may ibang mangyayari but hell no hindi ako papayag na mangyari yun.

I must put my 101% trust on our relationship that everything's gonna be fine.

_____

queenXautumn

"Notice that Autumn is more the season of the soul than of nature."

- Friedrich Nietzsche

My Boyfriend is a CasanovaWhere stories live. Discover now