II. My Reasons

2.1K 38 0
                                    

Kabanata 2

My Reasons

"Daffney! Hanap ka na sa loob!" Shin shouted while his forehead is creased as he was walking towards me.

"What? Why?"

"Message," matapos niya iyong sabihin ay kitang kita ko ang pagsilay ng ngisi sa labi niya. Tss! Nakakainis talaga 'to.

"Uh, is that really necessary? Tell them na lang na masakit 'yung ulo ko, please?" I pleaded. "I'm dying!"

"Dadaff!"

Ah! Okay okay! Ito na nga oh! Tss, there he goes again. Paano ko nga ba 'to napagtiisan ng four years?

Four years?! Goodness!

Hindi pa ako nakakaangal muli ay gulat ko nang hinila niya na ako papasok sa reception hall. Sisigawan ko pa sana siya kaso nasa loob na pala kami at nakita na kami ng lahat.

Lagot ka sa akin mamaya, Kenshin!

"Oh! She's finally here! Daffney the beloved sister!" bati at pambungad sa akin ng emcee. Hindi naman ako umalis sa kinatatayuan ko dahilan para itulak pa ako ni Shin papunta roon sa unahan.

Beloved sister, huh?

Ini-abot sa akin ng emcee ang isang microphone. I saw my mom and dad standing beside kuya Darry, together with kuya Daffin and Ate Dexan—na mukhang hindi maganda ang aura dahil nandito na ako.

Great... just great!

One big happy family.

"Uh. Congrats kuya and Grace! Best... wishes?" I said. Hindi ko alam kung ano pa ba ang dapat kong sabihin, parang bigla na lang na wala na akong masabi. I don't even know why I feel so bitter since earlier.

Kuya and Grace just smiled at me.

"That's what you call long message!" sigaw ni Lincoln mula sa table nila dahilan para magtawanan ang mga bisita. Asar talaga mga pinsan ko!

"Picture naman ng family with the newly weds!" sabi pa ng emcee.

Oops! Awkward! Are we even a family?

"Dito ka sa tabi ko," he said.

I was really shocked na kinausap niya ako. Wow, just wow! He's now manlier. Mas naging kamukha ko ata siya lalo. His jaw lines are still perfectly shaped. Ang alam ko rin ay may girlfriend na siya. Hindi ko lang sigurado kung ilan.

Well he's kuya Daffin, can't believe magkaka-girlfriend siya. Kung totoo nga talagang mayroon. Hindi ko rin naman sigurado dahil narinig ko lang.

Tumabi ako sa kanya katulad nang sinabi niya. Laking gulat ko naman ng inakbayan niya ako. Magiging masaya na sana ako kaso isang bagay lamang ang pumasok sa isipan ko...

It's just for show, Daffney.

Everything's just for show.

Yup. Mukhang matagal-tagal pa bago ka nila mapatawad. What a life.

Matapos kaming picturan ay lumabas na rin muli kaagad ako. It just feels very suffocating inside. Hindi ako makahinga. Pakiramdam ko, nakakulong ako at mamamatay ako kung magtatagal pa ako doon.

After We HappenedOnde histórias criam vida. Descubra agora