XLIII. Never Enough

976 19 2
                                    

Kabanata 43

Never Enough

Daffney's POV

Puti.

Maliwanag.

Nakakasilaw.

Where am I?

"Darlin..." I tried calling him, but instead I got an answer from someone else's voice—and not his.

"Daff, you're awake!"

It was Stance.

"Where's Darlin?" tanong ko ng tuluyan ko ng naimulat ang mga mata ko. Nakita ko sa tabihan niya sina Joaquin, Deyn, Reshu, Fler, Kelly at Yesha... ang mga kaibigan ko.

I was in a hospital room.

Maraming kung ano-ano ang nakakabit sa akin. What happened? I tried recalling it... I tried...

"Si Darlin?" I asked. I looked at each and everyone of them, asking for an answer.

"We'll leave you two alone," sagot lamang ni Joaquin at lumabas silang lahat pwera kay Stance.

"Nasaan si Darlin?" I asked again.

Pero tinunguan niya lang ako. What? What happened this time? Is he... no... It can't be! Imposible 'yun, 'di ba?

"Stance naman... nasaan ba kasi si Darlin?"

"Daff, please..." he started. "Magpagaling ka muna..." he held my hand and looked at me sincerely. Tiningnan niya ako na para bang kaawa-awa ako.

"Stance... I don't need your comfort!" I said. "I need the truth!" sabi ko at tinanggal ang hawak niya sa akin. "Where is Darlin? Nasaan siya? Please, tell me!" I pleaded and cried. Ramdam na ramdam ko 'yung mga sugat ko at masasakit na bahagi sa iba't-ibang parte ng katawan ko.

Pero... mas masakit ata 'to.

"Where is... he?"

Inilingan lang ako ni Stance at unti-unti ay tumulo na rin ang mga luha mula sa mata niya. Shit, bakit maging siya umiiyak? Ano ba talaga ang nangyari? Imposible naman iyong naiisip ko, hindi ba? Hindi... hindi pwede.

I tried to compose myself. Inipon ko lahat ng kakayahan at lakas ko para lang maitanong ito.

"Is he dead?" it sounded like a plea. Please, answer no. Ngunit bago niya pa ako masagot ay pumasok na si Kuya Darry kasama si Grace, sina Kuya Daffin, Ate Desireen at iba ko pang mga pinsan.

"Daff!" then Kuya Darry hugged me.

"We got home as soon as we can," he said. "Next month pa dapat kami uuwi... but, damn... Daffney, pinakaba mo talaga kami ng sobra."

"Thank God, you're finally awake!" si Rienne, naiiyak na siya ngayon at ngayon ko lang din napansin na kasama niya pala si Tyson.

Nandito rin pala ang buong barkada, halos magsikip na rito sa loob ng kwarto sa dami namin.

"Where's Darlin?" tanong ko sa kanilang lahat.

They were shocked at my question at first but they still managed to hide it.

"Daff, pahinga ka muna. Okay?" Tori said.

"Nasaan si Darlin?"

Walang sumagot.

"Nasaan siya?"

Wala pa ding sumasagot. Iyong iba nakatingin lang sa akin, 'yung iba naka-tungo, tila ayaw na tingnan ako.

After We HappenedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon