XXV. Let's Go

1.2K 25 1
                                    

Kabanata 25

Let's Go

"Ikaw muna sumaglit kay na Daffiano, alright? Get the papers, okay? Alam niya na 'yun," sabi pa ni Dad sa akin.

Nginusuan ko naman siya na para akong bata. "Bawal tumanggi," he warned. "Sige na, kung hindi lang ako busy..." sabi niya at iniwan na ako magisa dito sa dining table.

Galing mo talaga sa para-paraan, Dad.

After taking a bath and dressing up, nag-drive na ako papunta kina Daffin.

It's been years.

Hindi na kasi ako napunta dito simula ng nawala kami. May hiya pa naman ako kahit kakaunti.

Tyaka... nakokonsensya din ako.

Kaagad naman akong pinagbuksan ng gate ng bagong guard nila at sinalubong din ako ni Manang sa pintuan. "Nako! Sir Darlin, ikaw na ba iyan?" I nodded. "Ay mas lalo na ho kayong gwumapo ngayon! Na-miss ho namin kayo dito!" sabi pa sa akin ni Manang.

Buti pa po kayo dito namiss ako.

Siya kaya?

"Sayang ho talaga kayo ni Ma'am Daffney, no?" tanong niya. Hindi ako sumagot. Dahil alam naman na namin ang sagot. "Akala ho talaga namin kayo na ang magkakatuluyan ay," sabi pa niya na talagang disappointed ang mukha.

Hayaan niyo, manang... akala ko din.

"Tatawagin ko lang ho si Ma'am," sabi pa niya pero bago ko pa siya mapigilan ay nakaakyat na agad siya.

Hindi naman si Daffney kailangan ko dito, Manang.

"Hi!" a cute voice greeted me. "Tito Darlin po, right?"

Damn, si Drae.

Ang cute-cute niya talaga.

I nodded at her.

I could fucking feel it.

Pero, kada papasok ulit sa isip ko 'yung gabing nasa beach kaming dalawa ni Daff at 'yung usapan namin noon... naglalaho lahat ng iyon.

Libre namang mangarap, Darlin.

Yeah, right.

Mangangarap na lang ako.

"I saw you and mommy in a picture," aniya. "Then, I saw one picture that you were kissing each other. Are you her husband?" naka-pout niyang tanong sa akin.

Oh, how I wish I am her husband.

"Nope, di ba Stance is your daddy, then that means he is your mommy's husband right?" I asked her.

"No!" biglang kontra niya. "No," at may kasama pa siyang pa-iling-iling na parang ayaw niya talaga noong idea.

Same reactions, Drae. Same.

"Then, ano ng mommy mo si daddy Stance mo?" I asked her.

Daddy Stance? Yuck, puta.

"Friend!" masiglang sabi niya pa.

Friend, huh?

After We HappenedWhere stories live. Discover now