XLVIII. What Happened To Us?

1.1K 30 17
                                    

Kabanata 48

What Happened To Us?

Hindi ko alam kung gaano katagal na tanging iyak at iyong kanta lamang ang naging ingay.

Iyong hikbi ko...

Iyong mga hinanakit ko...

Humakbang ako ng isa, pero malayo pa rin siya sa akin, dahil nandirito pa rin ako sa may pintuan.

Hindi pa niya ako nakikita dahil natutulog siya. He's sleeping peacefully, at sa tingin ko... ako... hinding-hindi ko na iyon magagawa pa.

Naramdaman ko na lamang ang kamay ni Deninn sa kabilang braso ko, pinipisil-pisil niya iyon na para bang sinasabi niya sa akin na ayos lang. Magiging ayos lang ang lahat, pero... ayokong paniwalaan iyon dahil alam ko ang katotohanan. Alam naman naming dalawa ang totoo na kahit kailan ay hindi magiging ayos ito...

The truth.

Ang katotohanang hindi na maibabalik pa sa dati ang lahat at hindi na magiging maayos.

Kinikilabutan ako.

Natatakot ako.

Ito ang unang beses na natakot ako...

Natatakot sa mga posibilidad... sa mga maaaring mangyari, sa kung ano 'to? Ano ang mayroon? Bakit hindi niya sinabi sa akin? Bakit wala akong kaalam-alam? Bakit naman ganito, Darlin?

"W-what... h-happened?" I managed to ask Deninn. Pinalis ko ang mga luha mula sa mata ko at tiningnan na si Deninn. He pursed his lips before looking away, tila ba hirap na hirap siyang sabihin sa akin ang katotohanan.

Ilang minuto akong naghintay pero hindi niya ako sinagot. Nagulat ako ng umiyak na lang din siya katulad ko kanina. It was the very first time that I saw Deninn crying. Tangina, iyong tipo ng iyak niya ay 'yung iyak na mararamdaman mo kung gaano kasakit iyong pinagdadaanan niya. I've always known Deninn as a strong person. He rarely smiles at people, but when he does... it's so precious. Kaya... mas lalo akong naiyak. Katulad ko, mahina din siya pagdating sa 'yo, Darlin. Kita ko na mahal na mahal ka ng kapatid mo para iyakan ka niya ng ganito...

I hugged him and we somehow felt each other's pain.

Ang sakit.

Ano ba ang nangyayari?

Is this even real?

Kumalas kami sa pagkakayakap ng isa't-isa at tiningnan ko na ulit siya.

Natutulog...

Natutulog...

"What happened, Deninn?"

Pinalis niya muna ang mga luha niya bago niya ako tiningnan. He even managed to give me a sad smile. "Days before your wedding day... we discovered it."

"What? A-ano?"

Ayaw kong malaman... pero alam kong kailangan.

"Leukemia..." pinigilan niya ang sarili niyang sabihin ang kasunod pero alam niya na kailangan kong malaman kung gaano kalala. Kung ano na ang kondisyon niya sa ngayon. Kung ano na ang sunod na mangyayari sa kanya.

"Stage a-ano?" I managed asking even when my knees were already trembling in fear. Iyong kabog ng puso ko na sobrang bilis. Halos hindi na ako makahinga.

"Stage four."

And just like that... napa-upo ako sa sahig. Hindi na kinaya ng tuhod ko. Hindi na kinaya ng puso ko.

After We HappenedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon