XIII. Inseparable

1.2K 30 8
                                    

Kabanata 13

Inseparable.

"Mommy, you're here!" masiglang sabi ni Drae na kakagising lang at kinukusot-kusot pa ang mata niya.

"Hello, baby girl." bati ko sa kanya at hinalikan ko siya sa pisngi. Madaling araw na din kasi ako halos nakau-wi kagabi.

Marami kasi kaming bagay na pinag-usapan ni Deninn. Mga bagay na pang-amin lang at wala ng iba pang dapat na makaalam.

I missed my bestfriend.

I'm happy na okay na din kami.

Sa wakas.

At mamaya ay pupunta kami sa isa pa naming kaibigan... ang pinaka-namiss kong tao sa lahat.

"Drae, may pupuntahan si mommy later, dito ka na muna kay na lolo and lola ha?" bilin ko pa sa kanya, she only nodded. Ang bait talaga ng anak ko.

Mana sa nanay.

Nakakainis lang talaga na kahit sabihin pa ng mga tao na carbon copy ko ang anak ko ay  hindi ko pa din maiwasang makita siya sa kanya.

She looks a lot like him.

She looks like his dad.

"Daff, hija, nandito na si Sir Deninn," sabi pa ni manang sa akin.

"Sige po, wait lang."

Pagkababa ko naman ay nakita ko siyang kalaro si Drae. My heart smiled looking at them. Parang pinipiga ang puso kong makita silang dalawa.

"Hey," bati niya sa akin.

"Let's go?"

He nodded. I kissed Drae on the cheeks. "Be a good girl, okay?"

"Okay po, 'mmy!"

Nang nasa sasakyan na kami ay umimik na siya at pinuna iyon. Siguro nga ay napansin niya rin. Makikita mo naman talaga na kamukha niya, kung kilalang-kilala mo siya.

Alam ko, Deninn. Alam ko.

"She really looks like you, but I can't help but notice some of her features."

"You really observed her well, huh?"

"Of course, ako pa ba."

Ilang minuto pa ay nakarating na din kaagad kami sa bahay niya, pinagbuksan naman kami ng gate ng guard nila.

Si Manang Therese naman ang sumalubong sa amin. Ang yaya nilang ilang dekada na din silang pinag-sisilbihan. Nakakatuwa lang na nandito pa rin pala siya.

"Daffney?" aniya at ini-ayos pa ang kanyang salamin para ipagmasdan ako ng maayos. "Ikaw na ba 'yan, hija?"

Tumango ako at tumawa. "Opo."

"Aba! Ang ganda mo na lalo ngayon! Ang tagal-tagal kitang hindi nakitang bata ka!" hindi makapaniwalang sabi niya.

Napatawa ulit ako. "Nako, salamat po."

"Si Raphael ba ang hanap niyo?" aniya sabay tingin kay Deninn. "Tatawagin ko lamang sa taas, maupo muna kayo riyan sa sofa."

Umakyat na siya para tawagin si Raphael. I can't help but feel nervous.

Magiging masaya ba siya?

Magiging okay ba kami?

Nagbago na kaya siya?

Magagalit ba siya sa akin?

Ilang minuto pa ay bumaba na siya sa hagdanan. Pinagpapawisan na ako dito kahit pa nakatapat na ang electric fan sa amin ni Deninn.

"Raph..." I called him.

Nilingon niya ako.

"Let's talk..." I added.

He nodded unsurely. Na para bang hindi siya sigurado kung gusto niya nga ba talaga akong kausapin.

"Sa garden tayo, let's go."

Nang makapunta naman kami sa garden ay nagpaalam rin si Deninn kaagad para iwanan kaming dalawa. Ngayon, naka-upo na kami sa mga benches dito sa garden nila.

"I see, you're back."

I glanced at him. Hindi ko na napigilan. "I'm sorry!" I said as I hugged him. I just felt like the need to do so.

I missed him.

I missed the three of us.

Deninn, Raphael and me.

We were inseparable.

We were always together.

Ni hindi kami mapaghiwalay na tatlo.

Pero ano ang ginawa ko?

Sabagay, kami din naman.

We were inseparable.

Pero ano ang nangyari sa amin?

Naghiwalay din naman kami.

Si Raph at Den...

Sila 'yung dalawa kong alalay lagi.

Solid kami dapat. Our friendship was different from the others. Si Deninn, siya iyong magaling pagdating sa buhay. Pagdating sa mga advice at mga words of wisdom. Si Raphael naman, sweet at caring. Isang tawag mo lang sa kanya, darating na siya.

Ako naman...

Wala.

Mangiiwan.

"You're unfair," bulong niya sa tainga ko. Kinalas ko ang pagkaka-yakap para makaharap ko siya.

"I know. I was a coward."

"It wasn't your fault," aniya. "I think you did the right thing. Deninn told me what actually happened, I can't believe it at first. Ang gago-gago niya."

Ang gago niya nga.

"It's okay, tapos na naman."

"Nagkita na kayo, 'di ba?"

I nodded.

"How was it?" he asked.

"Awkward, but I'm really trying to be civil with him. May pinag-samahan pa rin naman kami noong tao kahit papaano."

Kami.

"I see," tipid niyang sabi kaya naman pinagtaasan ko siya ng kilay.

"What?" I asked.

"Gusto mo pa rin siya," aniya na para bang siguradong-sigurado siya.

Gusto?

Umiling-iling ako sa kanya.

"Mahal," I corrected him. For the first time, after four years, inamin ko na rin ulit sa sarili ko.

Mahal ko pa din pala siya.

He smiled. "He really is something."

Hindi ako sumagot, dahil tama siya.

He was always something.

"So, about Drae, may guess na ako kung sinong tatay niya," sabi pa niya.

"You guessed right too, huh?"

"He's the only person I can think of."

"You're right. Ako rin kasi e. Siya ang unang pumasok sa isipan ko ng malaman kong buntis ako," I said.

"Hindi niya alam?"

Inilingan ko siya.

"He doesn't need to know."

He smiled a little. "Sa tingin ko rin."

After We HappenedWhere stories live. Discover now