Chapter 5

4.2K 120 11
                                    


Seulgi's POV

"Hoy mga gaga! Bilisan niyo nga! 7:30 na oh!" Sigaw ko

"Wait lang! Toh naman oh! Lalakarin lang naman eh! Chill!" Sigaw ni Moonbyul mula sa taas

Napairap naman ako. Bagal.

"Oo nga, Babe. Lalakarin lang naman." Sabi naman ni Krystal na nasa tabi ko

Si Jennie ayun tahimik lang na naka earphones sa labas. Malamang hinihintay kami. Si Byul lang naman kasi ang mabagal samin. Tss.

Nakatira kami sa iisang bahay obviously.

Mga limang minuto na kaming naghihintay pero di pa rin bumababa si Byul. Pota.

"BAHALA KA NA DYAN!" Sigaw ko sabay hila sa kamay ni Krystal

Pagkalabas namin ay agad kong sinenyasan si Jennie na mauna na kami. Sumunod naman siya samin.

"Kkangseul, san si Byul?" Tanong ni Jennie sabay tanggal ng isang earphone niya

"Ang bagal. Iwanan na natin." Sabi ko

Medyo nakalayo na kami sa bahay pero di ko pa rin nakikita si Byul na lumabas. Bahala na yung baklang yun. Tss.

Malapit na kami sa gate ng school nang magtanong si Jennie.

"Is it really okay to wear this? Walang uniform?" Tanong ni Jennie

Oo nga noh? Naka civilian lang kami eh. Wala din naman kasi sinabi si Tito. Noon naman kasi eh may uniform kami.

"Yep. Inalis na kasi nila ang uniform. Seulgi's Tito told us, di niyo maalala?" Sabi ni naman ni Tal

Really? Sinabi ni Tito?

Napatango lang kami ni Jennie. Mukhang hindi din maalala ni Jennie eh. Memo plus gold na ba dis?

Papasok na sana kami ng gate nang bigla kong maalala na nakacharge pala ang phone ko at di ko natanggal. Fvck.

"Jen at Tal, una na muna kayo. May babalikan lang ako sa bahay." Sabi ko sabay takbo pabalik ng bahay.

Di pa ako nakakalayo nang marining kong sumigaw si Tal.

"ANONG NAKALIMUTAN MO?"

"YUNG PHONE KO NAKA CHARGE!" Sigaw ko

Habang tumatakbo pabalik sa bahay ay nakatagpo ko si Byul na kakamot-kamot sa ulo niya at nakabusangot ang mukha nito. Napatingin naman siya sakin at pinatigil ako sa pagtakbo.

"Oh san ka pupunta?" Tanong niya

"Nakalimutan ko phone ko." Sabi ko habang kinakamot ang ulo ko

Wala akong kuto guys baka sabihin niyong meron ako. Mannerism ko lang yan.

"Alam mo ang tawag diyan?" Natatawa niyang sabi

"Ano?" Naguguluhan kong tanong

"Karma. Wag niyo kasi akong iwan." Napapailing na sabi niya

Binatukan ko naman siya.

"GAGO." Sabi ko sabay takbo ulit papuntang bahay.

Pagkakuha ko ng phone ko ay tiningnan ko muna ang sarili ko. Nagsuklay ako sandali kasi medyo magulo na ang buhok ko at inayos ang nagusot kong white tshirt at inayos ang pagkaka tuck-in nito sa high waisted black pants ko. Taena namamawis pa ako.

Pagkatapos kong mag ayos ay agad akong tumakbo ulit papuntang school. Napatingin ako sa oras at damn 7:45 na.

Pagdating ko sa gate ay inayos ko muna ang glasses ko. Yup, naka glasses ako kasi sira yung mata ko.

Nasa may gate pa lang ako ay may narinig akong nagbubulungan.

"Kang Seulgi? Si Seulgi yan, right?"

"Bumalik na siya? It's been 1 year nung umalis siya."

"Hala si Seulgi. Isang taon na rin simula nung umalis siya."

"Yep AT nung niloko siya ni Irene."

Fvck. Don't mention that fvcking name.

"Dami niyang pinagbago ah? From being a tomboy to a hot and sexy chic? Real quick."

"Mahaba na rin ang buhok niya. Di na tulad ng dati."

"Akala ko pa naman pag nagpa short hair ang babae means naka move on na pero siya? Iba. Humaba ang buhok niya lol."

If you guys are wondering about my hair before, noon kasi ay nagpa boycut ako. Yup, yung panlalake na hairstyle. Panlalake din pati ang mga suot ko. Totally a tomboy. Pero now? I must say na I'm not a totally tomboy maybe bisexual? Sa one year na pagmomove on ay nagka boyfriend naman ako. Naging girly na din ako. Nagmemake up at ang pananamit ko ay girly na. Nagkagusto ako sa both guys and girls but aaminin ko, walang makakahigit sa pagmamahal ko kay Irene but I'm trying to ignore my feelings para na din hindi na ako masaktan.

Pagkapasok ko ay nakita ko na ang ang pigura ni Tal. Dahan-dahan naman akong lumapit sa kanya at pabiglang hinawakan ang bewang nito.

"AH!" Sigaw niya

Agad naman akong natawa sa itsura niya. Gulat ang gaga HAHAHAHAHA

Agad naman niya akong hinarap at pinalo sa braso.

"Gaga ka!" Sabi niya

Agad ko naman siyang inakbayan at ginulo ang buhok niya.

"Sorry na. Cute mo kasing gulatin eh." Sabi ko at kinurot ang ilong niya

Malakas niya naman na tinapik ang kamay ko.

"Hoy tama na yan!" Sabi ni Jennie

Napatigil naman kami. Sungit ni Jennie.

"Sungit mo naman, Jendeuki." Pang-aasar ko

Sinamaan naman niya ako ng tingin. Napatawa nalang ako. Maka sabi sakin na di pa naka move on eh siya rin naman di pa naka move on. Reaction pa lang niya nung tinawag ko siyang Jendeuki ay halata na. Yan kasi ang tawag ni Jisoo sa kanyan, her ex-girlfriend.

"Sooyoung unnie?"

Napatingin naman kami sa tumawag kay Joy.

Pagkaharap namin ay agad akong napahigpit ng hawak sa kamay ni Joy.

Fvck.

Love Scenario ▪ k.sg x b.jhTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon