Chapter 12

3.4K 105 5
                                    


Seulgi's POV

Nandito kami ngayon sa isang practice room assigned for our group.

Nagpapractice lang kami nang biglang may kumatok. At dahil tamad ang mga kasama ko ay ako na ang nagbukas ng pinto.

"Ano po yun?" Tanong ko agad pagkabukas ko ng pinto

Nakatungo lang ako at hinahabol ang hininga ko. Taena kinakapos na ako ng hininga. Pinapawis pa ako, nakakahiya naman sa taong kumatok kaya pasimple kong pinunasan ang pawis ko sa mukha gamit ang dulo ng tshirt kong suot. Ghad.

Napatingin naman ako sa kumatok dahil di pa rin ito nagsasalita.

"Ano po yu-------I-irene?"

Si Irene pala yung kumatok. Fvck.

Tinawag ko ulit siya pero di pa rin ito sumasagot. Nakatingin pa nga ito sa...............t-shirt ko? At medyo namumula pa ang mukha niya.

"Irene?" Tawag ko ulit sa kanya

Mukhang nagulat naman ito sa pagtawag ko sa kanya.

"AY ABS!" Sigaw niya

"Huh?" Tanong ko

Anong abs?

Napatingin naman ako sa tinitignan niya.

OH FVCK!

Agad ko naman tinakpan ang tiyan ko. Dun kasi siya nakatingin baka makita niya fats ko kahiya naman kung ganun.

"WAG!" Sigaw niya

Nagtatakang napatingin naman ako sa kanya.

"Ha?" Tanong ko

"A-ah ano k-kasi s-si ano...." Di mapakaling sabi ni Irene

Wala akong naintindihan sa sinabi niya jusko. Di nga siya makatingin sakin eh. Namumula pa ang mukha nito.

Ang cute niya. I miss looking at her this close. Wala pa rin nagbabago. Mas naging maganda siya actually. Still the same Irene I've known.

"Hahaha cute."

"H-huh?" Tanong niya

At dun ko lang narealize ang sinabi ko. Fvck.

Nakita ko naman na mas lalong namula ang mukha niya.

"A-ah w-wala! I mean ba't nandito ka?" Tanong ko

Mukhang naalala naman niya nag pinunta niya dito.

"Ah si Mr. Park pinapatawag ka." Sabi niya

Huh? Bakit naman?

"Ah sige. Pakisabi nalang na pupunta ako dun. Magbibihis lang ako. Thank you nga pala." Sabi ko at ngumit sa kanya

Napa-iwas naman siya ng tingin. Okay....?

Walang paalam naman siyang umalis. Lakad-Takbo nga siyang umalis eh. Nangyari dun?

Love Scenario ▪ k.sg x b.jhTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon