Chapter 46

2.4K 82 15
                                    


Looking for Krystal?

Third Person's POV

Pagkatapos kumanta ni Seulgi ay agad tumayo si Irene. Tumakbo si Irene patungo sa stage na sinundan naman nila Joy.

"Irene!" Tawag nila kay Irene

Pilit nilang pinapatigil at tinatawag si Irene pero parang wala itong narinig at mas binilisan ang takbo nito papuntang stage.

Si Seulgi naman ay walang kamalay-malay sa nangyayari sa baba ng stage. Bumaba siya ng stage at uminom ng tubig.


Pilit hinabol ni Joy si Irene at naabutan naman niya ito at pinatigil si Irene.

"Irene, kumalma ka muna. Huwag tayong padalos-dalos." Sabi ni Joy habang nakahawak sa balikay ni Irene

Si Irene naman ay nakatingin lang kay Seulgi na ngayon ay umiinom ng tubig.

"I want to talk to her. Kailangang ko siyang kausapin." Umiiyak na sabi ni Irene

"Pero Irene----"

Di na natapos ang sasabihin sana ni Joy dahil agad na tumakbo si Irene palapit kay Seulgi. Malapit na sana siya kay Seulgi pero agad siyang napatigil sa pagtakbo.

Nakita niya kasi si Nayeon na patakbong lumapit kay Seulgi at pinunasan ang pinagpapawisan na si Seulgi. Di lang yun dahil ngumiti pa si Seulgi at niyakap si Nayeon.

At sa nakita niya ay parang lalong gumuho ang mundo niya.

Krystal's POV

"YAH!" Sabi ko agad nung sinagot ng gaga ang tawag ko

"Hmm? Huwag ka nga sumigaw." Naiinis niyang sabi

Napairap naman ako kahit di niya ako nakikita.

"Eh panong di sisigaw eh kanina pa ako tumatawag sayo!" Sigaw ko ulit

"Tss. Oo na, sorry na. Kakagising ko lang kasi." Sabi niya at sure akong kinakamot niya ang ulo niya ngayon


"Oh my gosh, Kang Seulgi! 10 na po ng umaga tas ngayon ka lang nagising?!" Sigaw ko ulit

"Oo! Huwag ka nga sumigaw. Tsaka sunday naman ngayon eh kaya wala akong gagawin." Sabi naman niya

Kung nandito lang talaga tong oso na toh baka nasampal ko na!

"ANONG WALANG GAGAWIN?! NAKALIMUTAN MO JA BA AKONG SUNDUIN SA AIRPORT HA?! AT FYI 1 HR NA AKONG NAGHIHINTAY DITO!" Galit kong sabi

Nakarinig naman ako ng kalabog sa kabilang linya.

"Hoy nandyan ka pa?!" Tanong ko

"H-ha? Oo, oo. Nandito pa ako. Tsaka naku sorry, Tal. Sige pupunta na ako diyan." Sabi niya

"Huwag na! Ako nalang pupunta diyan. Nakasakay na rin ako ng taxi." Sabi ko

Narinig ko naman na napabuntong hininga siya.

"Sige, hintayin nalang kita." Sabi niya

Binaba ko na ang tawag at tumingin sa labas ng bintana.

Long time no see.

Nakatingin lang ako sa labas ng bintana ng biglang may tumawag. Sinagot ko naman ito.

"Hmm?" Sabi ko

"Do your job. Guide her. She has 4 months left and she's free. Let her do what she wants except from talking and seeing her until our deal is over. Tell her I'm sorry, okay?" 

Napabuntong hininga naman ako bago sumagot.

"Yes po, Tito." Sagot ko bago ko binaba ang tawag

Pagkababa ko ng tawag ay agad kong tinawagan si Nayeon.

"Tal?" Tanong niya agad

"Yes. It's me. Okay lang ba ang lahat?" Tanong ko

Narinig ko naman na natahimik siya.

"Nayeon? Nandiyan ka pa? Is everythink okay?" Tanong ko

"A-ah oo, okay lang naman pero ano kasi si Irene, nakita na niya si Seulgi." Sabi niya

Napapikit nalang ako. Lalo kaming mahihirapan neto lalo na si Seulgi.

"Nagkausap ba sila? Nakita din ba ni Seulgi si Irene?" Tanong ko

"Hindi pa. Hindi rin nakita ni Seul si Irene." Sabi niya

Nakampante naman ako sa sinabi ni Nayeon.

"Good. Sige papunta na ako diyan. Siguraduhin mong di na natutulog yang oso diyan." Natatawa kong sabi saka binaba ang tawag


~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Short update. Bumalik na si Krystaaal~ Comeback iz reaaal. Pero kelan kaya magcocomeback ang fx?😢😭🔫

- Ms. Nobody

Love Scenario ▪ k.sg x b.jhWhere stories live. Discover now