Chapter 55

2.5K 89 35
                                    


Seulgi's POV

Nandito ako ngayon sa isang cafe kasama si Krystal at Nayeon. Nag-aya kasi si Nayeon na magkape.

"Okay na ba leeg mo, Seul?" Tanong ni Nayeon

Tumango naman ako.

"Okay na. Mukhang wala ngang nangyare eh." Sabi ko

"Huh? Anong nangyare?" Tanong naman ni Krystal

Oo nga pala, wala si Krystal kahapon.

"Tumama kasi leeg ko sa isang railing tas ayun nainjured leeg ko pero okay na naman ngayon." Sabi ko

"Tsk! Clumsy mo kasi!" Sabi naman ni Tal

Di ko nalang siya pinansin at humigop sa kape ko.

"Btw Nayeon-sshi, sino yung babaeng laging nakasunod sayo?" Biglang tanong ni Tal kay Nayeon

Naibuga naman ni Nayeon ang iniinom niyang kape. Buti nalang magkatabi kami kaya di ako ang nabugahan niya habang si Tal......

"WTF! IM NAYEON!" Sigaw ni Tal habang nakahawak sa laylayan ng blouse na suot niya

Napatawa naman si Nayeon at nagpeace sign.

"Hehe, sorry naman. Halika samahan kita sa cr." Sabi ni Nayeon

Agad naman silang tumayo at pumuntang cr kaya naiwan akong mag-isa. Biglang tumunog ang bell ng entrance door ng cafe kaya napatingin ako sa pumasok. Agad naman akong nakaramdam ng kirot ng makitang ang pumasok pala ay si Irene at Bogum. Magkahawak pa ang kamay nila at umupo sa table na 2 tables away sa amin.

Nalipat ang atensyon ko ng biglang tumunog ang phone ko. Nagtext si Appa.

'Babybear, can I call?'

Agad naman akong nagreply.

'Yes, Appa.'

Ilang sandali pa ay tumawag na si Appa. Agad ko naman itong sinagot.

[ Italic - Appa
   Bold - Seulgi]

"Yes, Appa?" Tanong ko

"Hi, babybear. Kamusta? I heard na may nangyari sa leeg mo."

"Ah, yup. Tumama kasi ang leeg ko sa railings pero okay na po ako."

"Good. Btw you have 3 months left. Are you excited? Do you still love her?"

Napatigil naman ako. Do I still love her? Ofc, I still do. Excited? Nah.

"Babybear? Still there?"

"Ah, yes Appa. Nandito pa ako."

"So nagkita na kayo? Di mo naman siguro siya kinausap diba?"

Napabuntong hininga naman ako.

"Yes, nagkita na po kami. And I'm sorry Appa pero nagusap po kami eh."

"Kang Seulgi." Seryoso niyang tawag sa pangalan ko

Napabuntong hininga ulit ako at napatingin sa gawi nila Irene na ngayon ay nagtatawanan.

"Sorry, Appa. But don't worry, we just talked about some things. And........ I decided to let her go. She gave up on me na rin kase. She tried to wait for me like what I've told her before pero mukhang di niya nakayanan. And may boyfriend na siya but I'm okay. I'll try to move on. Don't worry, Appa." Sabi ko at ngumiti ng mapait kahit di niya ako nakikita

Bigla naman napatingin si Irene sa gawi ko kaya agad akong umiwas ng tingin.

Narinig kong napabuntong hininga si Appa.

Love Scenario ▪ k.sg x b.jhWhere stories live. Discover now