Chapter 49

2.3K 87 33
                                    


Seulgi's POV

Naramdaman kong tumulo ang luha ko kaya agad akong tumakbo paalis ng  lugar na yun. Pilit kong pinupunasan ang luha ko pero parang waterfalls ito at di ito tumitigil.

Di ko namalayan na nasa oval na pala ako dinala ng mga paa ko. Napaupo nalang ako sa ilalim ng isang puno at napapikit. Pilit kong pinipigilan ang luha ko at madiin kong pinikit ang mata ko.

Damn it!

2 years din akong nawala. Ba't ba umasa akong ako pa rin? Syempre iniwan ko siya ng hindi man nagpaalam tas mag eexpect akong hihintayin niya ako? Damn. Kasalanan ko rin kaya I deserve this. And now, I'm worried kung bakit siya umiiyak kanina. Ugh.

Napamulat ako at napatingin sa kabilang punong na nasa harap ko. I saw a guy na nakatingin. Agad ko naman pinunasan ang luha ko at umiwas ng tingin. Nakita ko naman na tumayo siya at lumapit sa isang ice cream vendor. Di ko nalang siya pinansin at sumandal sa puno.

Nagulat naman ako ng may lumitaw na panyo sa harap ko. Napatingin naman ako sa nagmamay-ari ng panyo. Yung lalake pala kanina.

Umiling lang ako sa kanya at nginitian.

"Sige na. You can use it." Sabi niya at tumabi sakin

Kinuha ko nalang ang panyo at ngumiti sa kanya.

"Thank you." Sabi ko

Ginamit ko ang panyo at pinunasan ang mga luha ko.

"Okay ka lang? Sorry fc hehe." Tanong niya at pakamot-kamot sa ulo niya

Nginitian ko naman siya.

"Hmm, okay lang naman siguro ako." Natatawang sabi ko

Nginitian naman niya ako.

"Weh? Btw I'm Baekhyun." Pakilala niya at nilahad ang kamay niya sakin

Tinanggap ko naman ang kamay niya.

"I'm Seu---"

"Kang Seulgi. Right?" Sabi naman niya

Nagulat naman ko at tatanungin na sana siya kung bakit niya alam ang pangalan ko pero naunahan na niya ako.

"Ofc, I know you. You're popular simula nung lumipat ka dito which is kanina lang?" Patanong niyang sabi at tumawa

Napatawa naman ako. Oo nga naman, this is my first day here. Late na akong pumasok pero buti nalang tinanggap pa rin ako. Di pa nga sana ako uuwi ng Korea pero pinilit ko si Papa since malapit na mag end ng deal namin. But now, wala ng saysay ang deal namin. I should call him later about our deal.

"Oh really? Popular pala ako?" Tanong ko at tumawa

"Fortunately, yes. Lalo na sa mga girls. You're hot daw kasi at lakas ng charisma mo. And I agree with them." Sabi niya at ngumiti

"Alam ko na yan!" Mayabang kong sabi at kumindat

Natawa naman siya.

"Btw if it's okay, may itatanong ako. Bakit ka nga pala umiiyak?" Tanong niya

Napatigil naman ako at nawala ang ngiti ko.

"Ah, ano kasi yung pusa ko namatay." Pasisinungaling ko

Tiningnan naman niya ako at halatang di siya naniniwala.

"Pusa mo ang namatay o yang puso mo?" Tanong niya

Napatigil naman ako at napabuntong hininga.

"Well, sadly, puso ko yung namatay." Sabi ko at napatungo

Love Scenario ▪ k.sg x b.jhWhere stories live. Discover now