Chapter 11

3.7K 107 16
                                    


Joy's POV

"Byul unnie, ayusin mo naman ang ulo ni Seul unnie." Sabi ko habang hawak ang camera

Tinulak naman ni unnie ang ulo ni Seulgi unnie na kasalukuyang nakapatong sa ulo ni Krystal unnie. Kaya nalipat sa kay Irene unnie ang ulo ni Seulgi unnie.

"Yan nice. May picture na ang drama directed by destiny." Sabi ko and took a picture of them

Natutulog pa rin kasi si Seulgi, Krystal, at Irene unnie. Oh wait kasali din si Taehyung oppa. Bale ang position nila ngayon ay, si Krystal unnie natutulog sa balikat ni Seulgi unnie, si Seulgi unnie kay Irene unnie, si Taehyung oppa kay Irene unnie, habang si Irene unnie ay nakatulog habang straight na naka upo. Yup, nandito si Taehyung oppa. Kagroup yata siya ni Irene unnie.

"G10! Ano ba naman yan! Kayo nalang ang hinihintay! Nakakahiya sa lower year levels!" Sigaw ng isang teacher

Agad naman kaming napa ayos ng tayo para takpan sila Seulgi unnie. Buti naman at umalis na yung teacher kaya humarap ulit kami kila unnie.

"Ugh, ang sakit ng ulo ko." Sabi ni Seulgi unnie habang naka hawak sa ulo niya

Bago niya pa kami makita ay agad kaming bumaba ng bus. Yup, kami. Kasama sila Y-yerim.

----------------------------------------------

Seulgi's POV

"PARK SOOYOUNG! MOON BYULYI! JENNIE KIM!" Sigaw ko pagkababa ko ng bus

Alam ko yung ginawa nila noh. Tss. Nakita ko sila kanina na nagmamadaling bumaba ng bus.

"What?! Wala akong ginawa!" Sigaw naman ni Jennie

Yeah, right. Sila Joy lang pala yun.

Napatingin naman ako kila Joy. Nakatingin lang sila sa taas at pasipol-sipol pa. Halata masyado.

Agad akong lumapit sa kanila at binigyan sila ng tag-iisang batok.

"G10! ANG BABAGAL NIYO!" Sigaw ng teacher

Bago ako tumakbo papunta kung san ang teacher ay humirit pa ako at pinalo ang pwet nila Byul at Joy. Deserve nila yun. Kung alam lang nila gaano ka awkward nung nagising na kaming lahat. Di ko nga matingnan si Irene sa mata niya eh lalo na nung nakita kong natutulog sa balikat niya si Taehyung.

Nagtataka siguro kayo kung bakit parang di ako nasasaktan. Nope, nasasaktan parin ako. Siguro nasanay na ako kaya di na ako masyadong apektado.

Pagkapalo ko kila Joy ay agad akong tumakbo at dahil sa katangahan ko ay di ko namalayan nasa likod ko pala si Irene at kasalukuyang kausap si Taehyung. Kaya ayun natulak ko siya at napakapit siya sa balikat ni Taehyung habang si Taehyung naman ay nakahawak sa bewang niya para di mahulog si Irene. Tulad noon, mahuhulog na sana si Irene pero dumating si Taehyung at pinigilan niya itong mahulog kaya ngayon nasasaktan ako dahil ako lang magisa ang nahulog.

Nice one, Seul. Dahil sa katangahan mo, sinasaktan mo lang lalo ang sarili mo. Damn it.

"Oyyy Seul, tara? Mapapagalitan tayo, sige ka." Sabi ni Byul at inakbayan ako

Hinila nila ako palayo kila Taehyung na kasalukuyang nagmomoment.

That's why mahal ko ang mga kaibigan ko kahit sumasakit ang ulo ko sa kanila at inaasar nila ako, alam kasi nila kung kelan ko kailangan ng tulong kahit di ko man sabihin sa kanila.

"Hoy Kkangseul! Huwag kang iiyak! Ang pangit mong tingnan! Di bagay sa oso ang umiyak!" Sabi naman ni Jennie

Napatawa naman ako. Another reason why I cherish them is that they know how to make me smile and forget about my pains.

"Di ah! Sinong nagsabing iiyak ako?" Sabi ko at tinulak si Moonbyul palayo

"Panget lang tulad niyo ang iiyak!" Asar ko sa kanila at tumakbo palayo sa kanila habang tumatawa

"Hoy di kami pangit!" Sigaw ni Jennie at hinabol ako

"Ikaw lang naman ang pangit, Jennie eh!" Sigaw naman ni Byul kaya siya na ngayon ang hinahabol ni Jennie

"Hoy huwag niyo nga tawaging panget ang babe ko! Di naman siya panget eh!" Sigaw ni Tal

Buti pa tong si Krystal marunong magappreciate.

"Di siya panget pero kamukha niya ang alaga ng kapitbahay namin na half oso at half bulldog!" Natatawang sabi ni Tal

Pota. Kala ko ba kakampi ko siya?

"JUNG SOO JUNG!" Sigaw ko at hinabol siya

Love Scenario ▪ k.sg x b.jhWhere stories live. Discover now