Chapter 15

3.5K 105 36
                                    

Seulgi's POV

Nandito kami ngayon sa room namin at kasalukuyang akong nasa hot seat.

"Yah! Kkangseul, may nangyari ba na di namin alam?" Nagdududang tanong ni Joy

"Bati na kayo? Ba't di yata namin alam?" Dagdag ni Jennie

"Alam mo bang parang papatayin na ako ni Irene sa mga tingin niya?" Dagdag pa ni Krystal

"Nagkabalikan na kayo?" Tanong naman ni Byul

Agad ko naman sinipa si Byul. Tss. Kung ano-ano ang sinasabi.

"Gago." Sabi ko at sinamaan siya ng tingin

"Oh? Nagtatanong lang naman eh." Pagdadahilan niya

Inirapan ko lang siya.

"Pero seryoso, Kang. Anong nangyari? Ba't parang bati na kayo?" Seryosong tanong ni Jennie

Napatingin naman ako sa kanya at napa buntong hininga nalang.

"Nagkausap na kasi kami. Nagsorry siya kaya pinatawad ko na. Actually matagal ko na siyang pinatawad." Sabi ko at ngumiti

"So naka naka move on ka na pala?" Tanong naman ni Joy

"Processing pa. On the way na." Natatawa kong sabi

"Eyy~ Alam mo? Di ka na niya dapat pinakawalan pa. Di niya dapat pinakawalan ang osong toh, diba guys?" Sabi naman ni Krystal habang kinukurot ang pisngi ko

"Oo nga. Minsan lang kaya ang osong tao." Pang-aasar ni Jennie

Sinamaan ko naman siya ng tingin.

"Sila pa rin bah ni Taehyung?" Biglang tanong ni Tal

Napatingin naman kami sa kanya. Halata naman na sila pa. Tss.

"Halata naman, Soojung. Ang sweet-sweet nga nila eh." Bitter na pagkasabi ko

Nagkatinginan naman sila. Okay...? Di ko gets ang tinginan nila.

"Seryoso? Eh di ko nga sila nakitang sweet sa isa't isa eh." Sabi ni Joy

Huh? Palagi nga silang magkasama eh tas pa-hhww pa. Tss.

"Sweet sila. Palagi ko kayang nakikita. Example is yung sa bus. Tas nakita ko pa silang magka-holding hands nung palabas sila ng classroom one time habang nakasunod ako sa kanila. Kung saan nga pumunta si Irene, nandun din si Taehyung." Sabi ko naman

Tiningnan naman nila ako na parang nag-aalien language ako dito.

"Seriously? Eh bakit di yun ang nakikita namin? Kapag nakikita namin sila parang normal lang sila na magkaibigan?" Sabi naman ni Byul

What? Sweet kaya sila. Tss.

"Ilang beses na akong nakasaksi sa paglalandian nila kaya wag ako, okay?" Sabi ko at nahiga na sa kama ko

"Pero.....iba talaga eh. And napansin namin ang way na pagtingin niya sayo. May something, Kkangseul." Seryosong sabi ni Jennie

"You know what? Wag niyo na akong paasahin. I know na nag-aalala lang kayo sakin but please wag niyo akong paasahin. Nagmomove on na ako eh." Sabi ko at nagtalukbong na ng kumot

Matutulog na sana ako nang biglang tanggalin ni Krystal ang kumot ko.

"Wait lang naman, Kkangseul." Sabi niya at hinila ako paupo

"Ano na naman yun? Inaantok na ako." Naka-pout kong sabi

Tiningnan naman nila ako na para bang nandidiri. Ang bad!

"Stop it, Kkangseul. Nagmumukha kang osong ulol." Harsh na sabi ni Jennie

Sinabi ko ba noon na bestfriend ko siya? Joke lang pala yun guys.

"Ang bad mo, Jendeuki!" Sabi ko at lalong nagpout

"Shut up." She mouthed

Inirapan ko lang siya.

"Oh tama na yan. Ganito kasi yun, I have a plan." Sabi ni Tal habang nakangiting nakakaloko

"Ano naman yun?" Bagot kong tanong

"We'll make her jealous."

Love Scenario ▪ k.sg x b.jhWhere stories live. Discover now