Chapter 41

2.6K 87 28
                                    


Seulgi's POV

"And I'm Irene. Seulgi is courting me btw." Sabi niya at ngumiti ng peke kay Nayeon

Napalaki naman ang mata ko.

"A-ah...a-about that.....uhm....h-hind----"

Di ko na natapos ang sasabihin ko dahil biglang pinulupot ni Irene ang kanyang braso sa bewang ko at hinila ako palapit sa kanya.

"Diba, bear?" Tanong ni Irene at nilakihan ako ng nata na parang nagdasabi na 'Um-oo ka kundi papatayin kita'

Tumango naman ako at alanganin na ngumiti.

"Oh really? Bagay kayo! Gagawa na ba ako ng fanclub?" Kinikilig na tanong ni Nayeon

Awkward ko lang na nginitian si Nayeon.

"Hoy! Laro na tayo!" Sigaw ni Byul

Agad naman kaming lumapit sa kanila at pumwesto sa side nila Byul.

"Oy, sobra na tayo dito. Kailangan na may lumipat sa kabila." Sabi ni Joy

Nakita ko naman na parang magvolunteer si Irene pero inunahan ko na. Tss. Nandun kaya si Bogum.

"Ako nalang." Sabi ko at tumakbo sa kabilang court at tumabi kay Nayeon.

Nagsimula na kaming maglaro. Napagusapan namin na hanggang 15 lang ang scoring namin at kung sino ang talo ay manlilibre mamaya sa bar. Ngayon ay lamang sila Irene ng 1 point. Sa kabila ang bola ngayon at nag-serve si Solar at pasok naman ito. Nireceive naman ito ni Bogum na nasa tabi ko lang. Sinet naman ito ni Jennie at sinakto sa tapat ko. Bumwelo naman ako saka tumakbo at tumalon. Sakto lang ang pagkakatiming ko sa pagtalon kaya malakas ko itong pinalo. Nataranta naman ako ng makita kong matatamaan si Irene kaya di ko namalayan na may bato sa paglalandingan ko kaya ayun natapilok ako.

Fvck.

"Argh." Daing ko

Damn, mukhang natwist yung ankle ko.

"Ah!" Rinig kong daing ng kasama ko

Napatingin naman ako sa dumain at nakita kong hinawakan ni Bogum ang mata niya. Mukhang napuwing siya nung bumagsak ako sa buhanginan.

"Bogum!"

"Seulgi!"

I was hoping na si Irene ang tumawag sa pangalan ko but no. It's Nayeon's voice. Agad lumapit sakin si Byul, Joy, Nayeon, Jimin at Jennie. Tinanong nila ako kung okay lang ako at makakalakad pa ba ako pero di ko sila pinansin dahil nakatingin lang ako kay Irene tumatakbong lumapit kay Bogum. Alalang-alala ang mukha ni Irene habang hinihipan ang mata ni Bogum. Wow ha. Mas inuna pa niya ang napueing kesa sa nabalian.

Di ko namalayan na may tumulong luha na pala sa mata ko. Damn it!

"Oy Kkangseul! Masakit ang paa mo o masakit ang puso mo?" Narinig kong tanong ni Byul

Agad ko naman iniwas ang tingin ko kila Irene at sinamaan ng tingin si Byul.

"Wala ba siyang balak lapitan ka, Seul?" Naiinis na tanong ni Jennie habang nakatingin kila Irene

"Halata ba?" Sabi naman ni Joy

Di ko nalang sila pinansin at hinawakan ang balikat ni Nayeon.

"Nayeon, Jimin, tulungan niyo kong tumayo." Sabi ko

Tumango naman sila. Tinulungan naman nila akong tumayo.

"Seul, buhatin nalang kita. Hatid ka namin sa clinic." Sabi ni Jimin

Tumango nalang ako kasi mukhang di ko talaga kayang maglakad.

Binuhat na ako ni Jimin ng pa bridal style habang si Nayeon naman ang nagdala ng tsinelas ko. Sumunod din samin sila Byul.

Bago kami tuluyang nakaalis ay sumilip pa ako kila Irene. Nakita ko naman na nakatingin siya sa amin pero di ko mabasa ang mukha niya.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

OH AYAN NA! LABYU GUYS! Btw comment lang if you want me to publish my next ud😉

-Ms. Nobody

Love Scenario ▪ k.sg x b.jhWhere stories live. Discover now