Chapter 56

2.6K 94 49
                                    


Seulgi's POV

Nandito ako ngayon sa Library ng school at nagrereview for our upcoming exam next week. Kailangan ko kasing mag double time sa pagreview kasi di ako nakasama sa discussion dahil nga sa late akong pumasok at kailangan kong aralin ang mga lessons on my own.

Nagpahinga muna ako saglit at nag-unat. Ugh, ang sarap sa pakiramdam kapag tumutunog buto mo noh?

Napatingin naman ako sa paligid. Hmm, madaming estudyante. Puno nga ang lahat ng tables eh. Malapit na kasi ang exams. After magpahinga ay agad akong bumalik sa pag-aaral. Habang nag-aaral ay naramdaman kong may nakatayo sa harap ng table ko. Napatingin naman ako at nagulat ako na si Irene pala yun. Mukhang naghahanap ng table.

"Ah, Irene-sshi." Tawag ko sa kanya

Napalingon naman siya at mukhang nagulat din na makita ako.

"Wala ng available table? Dito ka nalang." Suggest ko sa kanya

Kawawa kasi tsaka mukhang magrereview din siya gaya ko. Nakita kong nagdadalawang-isip siya at palinga-linga pa kung wala na ba talagang available na table.

"Hey, sige na. Kung magseselos yung bf mo, ako mag-eexplain na nakipagshare ka lang talaga ng table sakin. Don't worry." Sabi ko at ngumiti ng konti

Mukhang nagulat naman siya ng mabanggit ko ang bf niya. Why are you so shock, Ms. Bae?

Napabuntong-hininga muna siya at naupo na rin. Agad ko naman binalik ang tingin ko sa librong hawak ko. Inayos ko ang glasses na suot ko at inayos ang pagkakabun ng buhok ko. Nagpatuloy na rin ako sa pag-aaral.

Grabe naman. Bakit kailangan pa na pag-aralan tong math? Eh addition, multiplication, subtraction at division lang naman ang nagagamit natin araw-araw. Tas kailangan pa ba talagang hanapin si X at Y? Pwedeng pabayaan mo nalang si X sa kung saan siya masaya? Can we just stop finding X and stop asking her Y? Okay drama ko na.

Nakaramdam naman ako na parang may nakatingin sakin at nakarinig din ako ng pag chuckle. Napatingin naman ako kay Irene na ngayon ay nakangiti habang nakatingin sakin. Luh?

I raised my eyebrow at nakita ko naman na mukhang natauhan siya at nagiwas ng tingin. Nakita ko naman na may gumuhit na pagkapula sa pisngi niya at medyo namula ang tenga niya. Di ko naman napigilan na mapangiti. She's so cute when she's blushing.

Oh wait what?! Gosh, Kang Seulgi! Paano ka magmomove-on niyan?!

"Stop fighting with your brain." Biglang sabi ni Irene

Napatingin naman ako sa kanya.

"Huh?" Sabi ko

"Wala." Sabi naman niya

Napabuntong hininga nalang ako at nagpatuloy sa pagsosolve ng mga problema ni Math. Dinamay pa ako sa mga problema niya taena.

Habang nag-aaral ay napansin kong hindi tumigil sa pag-ubo at pag-singhot si Irene. Hays, nagpaulan kasi, ayan tuloy. Patuloy lang siya sa pag-ubo hanggang sa parang di na niya kaya. Wala ba siyang tubig?

Napa-iling nalang ako at kinuha ang water bottle ko. Agad ko naman itong binuksan at inabot sa kanya.

"Uminom ka." Sabi ko

Napatingin naman siya sakin at kinuha ang water bottle ko. Uminom naman siya agad. Habang umiinom siya ay di ko napigilan ang sarili ko na hawakan ang noo niya. Nagulat naman ako naibuga niya ang tubig na iniinom niya at buti nalang di marami ang naibuga niya kaya walang nabasa.

Kinuha ko naman ang panyo ko at pinunasan ang pisngi at bibig niyang nabasa. Nakita ko naman na namula siya.

"Tss. Ingat ka nga. Nagpaulan ka na nga kahapon tas ngayon.....aish!" Nasabi ko nalang

Love Scenario ▪ k.sg x b.jhWhere stories live. Discover now