Chapter 19

3.5K 111 32
                                    


Seulgi's POV

Mga aroung 8:00 pm ay dumating si Mr. Park at binigyan kami ng beef at pork para sa bbq party namin. Kami lang mga G10 dito. Nasa ibang lugar siguro ang ibang year levels. So it means ang grupo ko at grupo ni Irene lang ang nandito. Nagkakausap naman kaming lahat except sa mga mag ex at samin ni Irene. Maayos naman kami eh kaya di na awkward.

Nandito ako ngayon sa may griller. Ako kasi ang in-charge sa mga karne. Si Irene naman ay in-charge sa vegetables. Habang yung iba ay nagsiswimming.

"Soojung-ah!" Tawag ko kay Krystal na nasa gilid lang ng pool

Lumapit naman ito sakin.

"Ano yun, babe?" Nakangiti niyang tanong

"Tikman mo nga toh." Sabi ko at kumuha ng isang slice ng karne

"Hmm? Bakit ako? Pwede naman na si Ire----lajsgahajsjhs."

Di ko na naintindihan ang sinabi niya kasi agad kong sinubo sa kanya ang karne.

"Dami pang satsat! Titikman lang naman. Ano, okay na bah?" Tanong ko

"Ang init pa nga nun eh sinubo mo na!" Sabi niya at inirapan ako

"Hehe sorry naman. Dami mo kasing sinabi eh titikman mo lang naman kung luto na ba o hindi." Sabi ko

"Che!" Sabi niya at inirapan ako

"Sorry na, Soojungie." Sabi ko at niyakap siya

Hmm...clingy na ba ako? Hehe.

"Hmp! Kiss muna." Sabi niya

Sisigawan ko na sana siya nang biglang dumaing si Irene na kasalukuyang nagsaslice ng mga gulay.

"Aray!" Daing niya

Agad naman akong lumapit kay Irene.

"Irene, okay ka lang?" Tanong ko

Di niya ako pinansin at tinitingnan lang ang daliri niya. Agad ko naman tiningnan ang daliri niya. Dumudugo.

"Tsk! Ba't di ka nag-iingat?" Sabi ko

Di ko na siya hinintay makasagot at hinila na siya papunta sa room namin. Dun ko siya gagamutin since may band-aid ako dun.

"Hey! San tayo pupunta?" Tanong niya

"Sa kwarto." Sabi ko habang kinakaladkad parin siya

"W-what? Anong g-gagawin natin d-dun?" Tanong niya

Wait, iba yata ang iniisip niya.

"It's not what you are thinking, Irene. Ang dumi ng isip mo. Tsaka di kita pagtatangkaan kasi di naman tayo noh at sa magiging asawa ko lang toh ibibigay." Sabi ko

Nanahimik lang siya hanggang sa makapasok kami sa room namin.

"Upo ka muna." Sabi ko

Kumuha ako ng band aid at betadine. Medyo malaki pa naman ang sugat niya. Tsk.

Umupo naman ako sa tapat niya. Nakaupo kasi siya sa kama ko.

Kinuha ko ang kamay niya at nakita kong dumudugo parin ito.

"Sipsipin mo." Sabi ko at nilapit sa kanya ang dumudugong daliri niya

"What? No way! Ano ako? Bampira?" Sabi naman niya

"Sige na! Para di sayang yung dugo mo at para tumigil yang pagdudugo ng daliri mo." Sabi ko

"Na-uh. Ayoko." Tanggi niya ulit

"Ah bahala ka. Edi ako nalang." Sabi ko at kinuha ang daliri niya

"W-what? No----"

Di na niya natapos ang sasabihin niya nang sipsipin ko ang dugo sa daliri niya. Kadiri siya actually lalo na't di ko sariling dugo but ito ang turo ng mama ko eh.

Napapitlag siya sa ginawa ko kaya napatingin ako sa kanya while still sipping her blood. Napansin ko naman ang paglunok niya at pagpula ng pisngi niya.

Nung wala na akong malasahan na dugo ay agad kong siyang hinila papuntang banyo para linisin ang sugat niya. Pagkatapos ay agad kaming bumalik sa kama.

Nagsimula ko nang gamutin ang sugat niya. Nilagyan ko na ito ng betadine. Habang nilalagyan ko ng band aid ang sugat niya ay nacurious ako kung bakit niya nahiwa ang daliri niya.

Ang cute ng design ng band aid haha bunny design siya.

"Ba't mo pala nahiwa ang daliri mo? Expert ka naman sa paghihiwa." Natatawa kong sabi

Di siya sumagot kaya napatingin ako sa kanya. Nagtama naman ang mga mata namin dahil nakatingin din siya sakin.

"Because she asked you to kiss her."

"H-ha?"

"Wala. Sige una na ako. Thank you." Sabi niya at nagmamadaling lumabas

Because she asked you to kiss her.

Because she asked you to kiss her.

Because she asked you to kiss her.

Wtf was that?

Love Scenario ▪ k.sg x b.jhWhere stories live. Discover now