Chapter 24

3.3K 100 22
                                    

Seulgi's POV

"Guys, swimming tayo?" Biglang tanong ni Byul

"Dun ka sa banyo mgswimming." Sagot naman ni Jennie

Agad naman siyang pinalo ni Byul.

"Gago." Sabi ni Byul

Papunta kaming parking lot ngayon. Kakatapos lang namin magpolish sa performance namin. Mamayang gabi na kasi ang competition.

"Nice idea. Pagkatapos natin kumain, swimming tayo? Sa bahay ng parents ko." Suggest ni Joy


"Ano ba kayo? Mamaya na ang competition kaya magpahinga nalang kayo. Tsaka may practice ako this afternoon at di kayo pwedeng magbonding without me." Sabi ko

"How about tomorrow? After ng competition. Saturday naman kaya free tayo." Suggest naman ni Jennie


Sumangayon naman kami. Nasa parking lot na kami ng makita namin si Irene.

"Irene!" Tawag ni Jennie

Napalingon naman siya. Nagtama ang tingin namin kaya nginitian ko siya. Ngumiti din naman siya pabalik.

"Irene, sama ka? Maglulunch kami sa bahay namin." Aya ni Byul

Napatingin naman ako kay Byul. Luh? Kala ko ba sa bahay ng parents ni Joy kami kakain?

"H-ha? Wag na." Tanggi naman ni Irene

"Hep! We don't accept a no. Kaya sumama ka na samin. Sunod kayo ah?" Sabi ni Joy at naglakad na papuntang kotse


Sumunod na rin sila Jennie at Byul habang naiwan ako dito.


"Halika na?" Aya ko kay Irene

Napatingin naman siya sakin. Ngumiti naman ako.

"Ah..."

"Sige na. Magpapractice naman tayo mamaya kaya sabay nalang tayo kumain." Sabi ko at hinawakan ang kamay niya

Hihilahin ko na sana siya papuntang kotse nang may tumawag sa kanya.

"JOOHYUN-AH!"

Tumakbo ito palapit samin.

"Halika na. Hinahanap na tayo ni Ma----"


Natigilan si Taehyung sa pagsasalita nang makita niya ako. Ngumiti naman ako at nginitian din naman ako nito habang kinakamot ang ulo niya. May kuto ba toh?

Nakita ko naman na nilakihan ng mata ni Irene si Taehyung. Si Taehyung naman ay tumungo.

"Ah, s-sige. Una nalang ako. Mukhang may lakad kayo." Sabi ko at pilit na ngumiti at naglakad na


Bubuksan ko na sana ang kotse nang biglang may humawak sa kamay ko at inintertwined ang mga kamay namin.


"Sasama ako."

Napatingin naman ko sa kanya.

"I-irene....." Sabi ko


Ngumiti siya sakin.

"Tara na? Gutom na ako, Bear." Naka-pout niyang sabi


Natigilan naman ako. Bear..... matagal na rin simula nung tinawag niya akong bear.


"A-ah Irene, si Taehyung? Diba may lakad kayo?" Tanong ko

"Hmm si Taehyung? Umuwi na. Pinauwi ko. Gusto ko kasing makasama ka......I mean this lunch. Gusto kong kumain kasama ka." Casual niyang sabi

Ha? Pinauwi niya si Taehyung? Para lang kumain kasama ako? Impossible.


"Eh? Baka mag-away kayo niyan dahil mas pinili mong kumain kasama kami kesa sa kanya na boyfriend mo. Sige na, Irene. Tawagan mo na siya." Sabi ko at pilit na ngumiti


Napatawa naman siya.

"Cute mo. Listen, di kami mag-aaway kasi in the first place wala siyang karapatan magalit or magselos kasi di naman kami. Di ko siya boyfriend, okay? Tsaka may mahal na ako at di siya yun." Sabi niya


Magsasalita pa sana ako nang biglang bumukas ang pinto ng kotse.

"Hoy! Di kayo papasok?"


Sasagot pa sana ako nang bigla akong itulak ni Irene pasakay sa kotse.

"Pasok na. Gutom na ako, bear."

Love Scenario ▪ k.sg x b.jhWhere stories live. Discover now