Chapter 2

133 32 29
                                    

Mechar Chefner's Point of View

It's Monday. Papasok na naman kami sa eskwelahan. Makikita ko na naman siya. Ang lalaking sinaktan ko. Ang lalaking pinakamamahal ko.

"It's 7:35 already Mech! May balak ka pa ba na lumabas sa kwartong yan?" I heard Tricia shouted. Hindi pa ako nakakapagbihis pero nakapag-make up na ako. Yung light lang. Ayoko namang gawing coloring book ang mukha ko. Kilay, Mascara, Foundation at Lip Balm lang ang kaya ko.

Sa totoo, lang ayoko talagang pumasok. Hindi pa ako handa na makita siya. Masakit parin naman kasi eh. Hindi naman kasi kahit ikaw yung nang-iwan, hindi ka na masasaktan. Syempre, mahal mo yung tao eh. Masasaktan at masasaktan ka talaga.

Ang daming tanong na pumapasok sa utak ko. Kumusta na kaya siya? Anong magiging reaksyon ko kapag nakita ko siya? Ano ang mararamdaman ko? Magmamakaawa kaya siya sa akin? Hindi ba niya ako papansin? Kakalimutan niya ba na may Mechar na nag-exist sa buhay niya? Ang dami. Nag-uunahan sa isip ko. Napayuko nalang ako at naramdamang may tumulo mula sa aking mga mata. At kasabay nun ang pagkurot ng aking dibdib. Tuloy-tuloy ang pag-agos ng luha ko. Pinunasan ko ito at pinigilan ang pag-iyak. Napaka-iyakin ko naman.

Pagkatapos ng ilang minuto ay lumabas ako sa kwarto. Hindi man ako handa, pero kahit anong gawin ko, magkakatagpo parin kami.

"Tara na?" yaya ko kay Tricia na nasa sala, tahimik na nanonood ng TV. Napalingon siya sa likod niya kung nasaan ako.

"Mapula ang mata mo Mechar, halatang galing sa iyak. Tara na." sabi niya. Pinatay niya ang TV at lumabas na ng condo unit. Sumunod agad ako sa kanya at sabay kaming pumasok sa elevator at sumarado na ang pinto nito.

Habang nasa elevator kami, wala lang akong imik. Hanggang sa magsalita si Tricia. "Kumusta na siya?" tanong niya. Hindi siya nakatingin sa akin pero alam kong ako ang kinakausap niya. Naguluhan naman ako dun sa 'siya', sino ba ang tinutukoy niya?

"Sinong 'siya'?" tanong ko habang nakalingon pa rin sa kanya.

Hindi man lang siya lumingon sa akin pagkatapos kong sabihin yun pero sumagot siya. "Yung puso mo." sabi niya.

Biglang bumukas ang elevator at lumabas na kami. Napabuntong-hininga ako. Kumusta na nga ba ang puso ko? Naguguluhan din kasi ako. "Siguro, unti-unti na niyang tinatanggap ang lahat. Siguro alam niyang hanggang doon na lang kami ni Krypton." yun nalang ang nasabi ko. Baka nga yun. Hindi ko din alam.

Hindi umimik si Tricia hanggang sa nakalabas kami sa building at sumakay sa taxi. "Kuya, sa Winston Academy po." sabi niya kay manong driver.

Bumaling siya sa akin at tinignan akong mabuti. Napalingon din naman siya sa akin. "Mech, if you want Krypton to be at his best, pretend that you're not affected. Pretend that you were not hurt." yun nalang ang nasabi niya at binaling ang tingin sa labas.

Napaisip ako sa sinabi ni Tricia. Obvious ba sa mga mata ko na nasasaktan din ako? Hindi na ako umimik hanggang sa nakarating kami sa school.

Bumaba kami sa taxi at bumungad sa amin ang mga fangirls ng Sound Waves. Kahit, estudyante palang sila, sikat na sikat na.

"Hi Mechar! Nasan si Krypton?"

"Mechar ang ganda mo naman! Pahingi ng number ni Krypton oh!"

"Mechar bagay talaga kayo ni Krypton, pwedeng magpa-fansign?"

The Dates Of Love Where stories live. Discover now