Chapter 9

78 15 14
                                    

NW: Why Can't It Be by Kaye Cal

Mechar Chefner's Point Of View

"Love means sacrificing your own happiness for the sake of someone you love most."

Nakita ko lang sa internet ang quote na yan pero nang mabasa ko yan, kumirot ang damdamin ko. Tagos mamsh. Tagos na tagos sa puso.

Inintindi ko talaga yun kaya habang mas tumatagal, mas sumasakit. Isa raw sa mga kahulugan ng pag-ibig ay yung pagsakripisyo ng kaligayan mo para lang sa taong minamahal mo. Pagsakripisyo para sa ikabubuti niya-sa ikabubuti ni Krypton.

Mahirap oo pero kakayanin. Masakit pero iindahin. Nakakagalit pero kikimkimin.

Minsan nasasabi ko nalang na "Nandito na kami eh. Malayo na ang narating namin. Tinatry naman namin na maging mabuting tao kami pero bakit napunta sa amin ang ganitong klaseng problema? Okay na kami sa ganito eh. Kuntento namn na kami sa kung anong meron samin pero bakit ganito pa? Sobrang unfair naman." dahil sa mga nangyayare.

Totoo rin naman. Ang dami ngang mga relasyon dyan na mas worse sa amin pero napunta pa sa amin yung bad luck. Napunta pa sa amin yung pagsubok. Yung pagsubok na bubuwag sa pader na tinayo namin ng isang taon.

Sayang lang yung effort. Ang sayang. Sayang na sayang eh. Isang taon na eh, may katagalan na tapos mabubuwag lang.

Kahit ako yung nakipaghiwalay, hindi ibig sabihin nun na hindi ko siya minahal. Hindi sana kami aabot ng isang taon kung hindi ko siya minahal. Sa katunayan, mahal na mahal ko siya, mas mahal ko siya kumpara sa mahal niya ako.

Napatingin ako sa lalaking nasa tabi ko na nakapikit. Akin 'to. Akin lang 'to.

I know akin siya, pero hanggang kailan? Makakaya niya ba na hintayin ako kahit hindi niya alam na nagpapahintay ako? Makakaya niya bang patuloy na mahalin ako kahit na ang alam niya ay hindi ko na siya iniibig?

Ganito pala talaga kasakit. Yung parang hindi ka kumpleto. Yung parang may hinahanap-hanap ka palagi.

Sinuklay ko ang buhok niya gamit ang kanang kamay ko. Bahagya naman siyang gumalaw at yinakap ako.

Nagsalita siya gamit ang husky niyang boses. Alam niyo yun? Yung boses ng bagong gising? "Tulog na. Alam kong bukas hindi na tayo ganito." yun ang sabi niya na naging dahilan ng paninigas ko. He's so straightforward.

Napahiga ako sa braso niya at hinarap siya habang nakayakap. Naramdaman kong nanubig ang mata ko habang hinahaplos ang pisngi ni Krypton. Mas naglean siya sa akin na sign na tulog na siya.

Then kahit alam kong hindi niya maririnig ay kinausap ko parin siya. "Krypton, hintay ka lang ah. Magiging maayos din ang lahat. Babalik din tayo sa dati." sabi ko sa kanya at hindi ko namalayang tumulo na ang mga luha ko.

Nang makaramdam ako ng antok ay nagdasal muna ako bago ako tumitig uli sa mukha ni Krypton habang lumuluha parin. "Time will come, we'll be in each other's arms again. Remember it Krypton, I'll make sure of it." sabi ko at pumikit na.

I love you Krypton, hinding hindi magbabago 'yan.

---

Naalimpungatan ako sa sikat ng araw na tumatama sa mukha ko mula sa bintana ng kubong pansamantalang tinutuluyan namin. Kinusot ko ang mga mata ko para magising ang buong diwa ko. Medyo may mabigat na bagay na nasa may tiyan ko kaya tinignan ko upang makumpirma kung ano ito at nagulat ako nang makita ko ang kamay ni Krypton na nakapulupot sa bewang ko. Oo nga pala, magkatabi nga pala kaming natulog at ginawa ko pang unan ang isang kanang braso niya.

Dahan-dahang inalis ko ang isang braso ni Krypton upang bumangon sana pero gumalaw siya at unti-unting bumukas ang mga mata. "Good morning love." he greeted while smiling. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Kung babatiin ko ba siya pabalik o iiwan siya dito. Sobrang naguguluhan ako dahil sa nangyari kagabi. Hindi ko sana ginawa yun.

Nakatitig lang ako sa kanya habang nag-iisip kung ano ang gagawin ko. But in the end, I chose the latter. Bumangon ako sa kama niya at lumabas ng kubo habang inaayos ang magulo kong buhok.

"Hey." tawag sa akin ni Krypton pero hindi ko siya pinansin. Mali yun eh. Mali yun.

"Hey Mechar, talk to me." kalmado niyang sabi habang hinahabol ako. Lumingon ako sa kanya nang wala sa sarili. Hindi alam kung anong iaasta, kung ano ang gagawin, kung ano ang sasabihin.

"What was that?" he asked confused referring to what I did earlier habang turo-turo ang bahay-kubo.

"What was that?" balik kong tanong sa kanya. "That was a mistake." pahabol kong sabi at kinagat ang ibaba kong labi.

"Mistake? Mali ba yun Mechar? Mali ba yung ginawa natin kaga-" hindi ko na pinatapos pa at pinutol ang nais niyang sabihin.

"Yes Krypton! That was a mistake!" I shouted at him. Pinapamukha ko sa kanya na hindi dapat nangyari yun. Na dapat hindi namin ginawa yun. Tumalikod ako sa kanya at lumakad muli.

"How? Kailan pa naging mali yung magmahal Mechar?!" medyo tumataas na rin ang boses niya habang nakasunod sa akin.

Nasa harapan na kami ng gitnang kubo nang huminto muli ako sa paglalakad at hinarap siya. "Alam mo yung mali Krypton? Yung ginawa natin yung nangyari kagabi habang nandito ang girlfriend mo!" sigaw kong muli. Nakarinig ako ng ingay mula sa kubo kung saan natutulog sina Lance, Kieth at Lester.

Hindi siya kumibo kaya lumakad akong muli. Hindi na ako nakarinig ng ingay sa likod ko kaya panigurado ay hindi na siya nakasunod. And that was the time I felt sad-broken rather. He chose not to follow me again kasi totoo ang sinabi ko. Girlfriend niya nga si Sha.

Ginalaw ko yung mga paa ko pero ayaw ko rin. Gusto kong makumpirma yun kahit alam ko na kaya lumingon ako sa kanya at nagulat nang makita ko siyang nakayuko habang nakangiti. Kaya ay napakunot ito ng noo. Ano ba ang problema niya?

Napansin ata ni Krypton na nakatingin ako sa kanya kaya tumingala ito at napatingin sa akin habang ngumingiti. Hay! nakangiti na naman si Krypton. Bigla akong kinabahan nang maglakad siya papalapit sa akin. Gusto kong tumakbo papalayo sa kanya pero ayaw ng paa ko. Ayaw ng buong katawan ko. Ang paglunok nalang ang tanging nagawa ko.

Nang makita ko siyang nasa harapan ko na ay napaiwas ako ng tingin. Hinawakan niya ang chin ko at pilit na hinarap sa kanya at nakita ko ang mukha niyang naka-pout kaya napaiwas uli ako ng tingin. Nagpapacute na naman 'tong si Krypton kainis. "Ikaw talaga love. Hindi ko naman siya girlfriend." lumaki ang mga mata ko at napalingon sa kanya. Wait, Did I hear him right? Hindi niya girlfriend si Sha? Eh ano niya si Sha? Who is she? Bakit siya andito? Ang dami tuloy na mga tanong ang iniisip ko.

Hindi ko alam pero after niyang sabihin yun, I felt relieved. But why? I shouldn't! I must not! Argh expert ka talaga sa panggugulo sa utak ko. "I know you're asking love, she is my cousin from Singapore. Yung kinukwento ko sayo na model dun?" inisip ko kung naikwento niya ba yun sa akin. Ah! oo yung pinsan niya na ikinuwento niya na proud daw siya sa kanya kasi beauty with brains daw yun. Dito siya sa Pilipinas nag-graduate with flying colors. Cum Laude daw yun kaya proud siya kasi hindi siya gagraduate with flying colors! *laughs

Naguguluhan ako sa sarili ko dahil kahit inaamin kong masaya akong malaman na pinsan niya lang pala si Sha ay mas nangingibabaw parin yung galit sa puso ko."Pero mali parin yun Krypton! Mali parin yung ginawa natin!" sabi ko. Mas mahihirapan akong lubayan siya dahil gaya nga ng sabi niya kagabi, gagawin niy a ang lahat makuha lang ako muli.

Hinawakan niya ang dalawang balikat ko. "There's nothing wrong with what we did. We just showed love to each other."

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Labag man sa kalooban ko pero I agree, what we did wasn't a mistake. Mahal niya ako, mahal ko siya, we just showed affection to each other. Ako lang naman ang nag-iisip na mali yun.

Pero meron talagang mga pagkakataon na kahit wala kang ginagawang mali, sa tingin ng iba, mali pa rin. And thinking of that is the reason why I left him there.

The Dates Of Love Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu