Chapter 13

39 8 6
                                    

Mechar Chefner's Point of View.

I slowly opened my eyes at inilibot ang tingin sa kwarto kung na saan ako ngayon at napatingin sa labas ng bintana.

It's seven in the morning. I want to sleep more but my eyes don't want me to. Gising na ang buong diwa ko na siyang ipinagtataka ko late na kami umuwi kagabi tapos maaga akong nagising. Tsk. Tsk. Tsk.

Hanggang bukas nalang pala ako rito sa Abuyog. Babalik na ako ng Maynila bukas para maayos ko na ang lahat kahit gusto ko pang mag-stay dito.

Bumaba ako papuntang first floor upang magluto ng agahan. Kaming magpinsan nalang pala ang hindi kumain.

Mabuti na nga lang at nakauwi pa kami ng safe kagabi. Alas dos na kaya ng umaga kami nakauwi kaya sermon ang abot namin kay Lola. Pero nagtawanan lang sila ng palihim kahit nahigh blood na si Lola. Enjoy na enjoy naman kasi kami.

Hanggang ngayon, the thought of Krypton being here still bothers me. Bakit

Kinuha ko yung frying pan at sandok and turned on the stove. I don't know why but I am in the mood today. Linagyan ko ng cooking oil ang frying pan at pinainit muna. I cracked the eggs at linagyan ng kamatis. Masarap eh. Pakanta-kanta pa ako nung nagluluto ako.

I cooked for 5 kahit alam kong medyo mamaya pa sila babangon. Tulog mantika yung mga 'yon eh. Haha.

I was eating when I heard my phone ringing.

Tricia calling...

I immediately tapped the 'answer' button bago pa mapatay ang phone ko.

"Yes Trish?" bungad ko.

["I miss you so much! Alam mo, wala akong kasama rito. I'm so lonely here. Nakakainis nang tignan si Kieth. Pabalik-balik siya rito sa condo. Baka raw mabaliw ako kasi ako lang mag-isa."] wika niya at umiyak-iyak pa.

"Babalik na naman ako bukas." I assured her. Clingy kasi siyang tao. Hindi kayang mag-isa. Kailangan palaging may kasama.

["Ngayon nalang kasi. Hindi ako nakakapagshopping kasi wala akong kasama. Balik ka nalang kasi."] naiimagine ko ngayon nakapout na siya niyan.

"Nandyan naman yung apat ah?"

["Ay oo nga pala. Nakalimutan ko sayong sabihin. Huwag kang magagalit ha?. Krypton asked me kung na saan ka. Hindi ko muna sinabi kung saan ka nagpunta kasi gusto mong makalimot muna temporarily ng mga problema mo pero pinilit niya ako kaya nasabi ko. Tapos bigla na lang siyang nawala. Baka sinundan ka na diyan."] napangiwi ako. Confirmed nandito nga si Krypton.

I just found myself smiling. "Okay."

["Are you smiling?"] I immediately turned my face into a poker one.

"Hindi ah. Assumera. 'Di mo naman nakita." wika ko na ikinatawa niya.

["Ang obvious mo. Tsaka duh, kilalang-kilala kita kaya alam ko ang boses mo kung normal lang o masaya. Sa akin ka pa talaga nagsinungaling."] she said in between her laughs.

"Sige sige bye na." sabi ko nalang and ended the call.

Hay naku. Kilala talaga ako ni Tricia. Kahit anong gawin ko, alam na alam niya. Pero okay lang yun, ganun din naman ako sa kanya.

Nang matapos akong kumain ay hinugasan ko ang pinagkainan ko at pumunta sa sala. Magc-cellphone lang. Hindi na rin kasi ako active eh.

Username:
mecharchefner@yahoo.com

Pasword:
************

Paglog-in ko ay bumungad agad sa akin ang 99+ friend requests 99+ na messages na message request mostly at 99+ na notifications.

The Dates Of Love Where stories live. Discover now