Chapter 6

83 24 14
                                    

Mechar Chefner's Point of View

Hanggang ngayon, napapaisip parin ako kung sino ang babaeng kasama ni Krypton kanina. Kung pagbabasehan ang silhoutte niya kanina, seksi ang kasama niya, mahaba ang buhok nito at nasa mga 5'4 ang height. Pang beauty queen ha. Girlfriend kaya siya ni Krypton? Kung hindi, magkaano-ano sila? Argh! Sumasakit ang ulo ko sa kakaisip. Masyado akong curious eh malalaman ko naman yun mamaya.

Pero sana nga. Sana hindi siya ang girlfriend ni Krypton, sana kaibigan lang. Napapikit ako sa kakaisip. Si Krypton naman kasi. Argh! Nakakastress. Napalingon nalang ako sa lalaking nasa tabi ko.

Dumidilim na pero nandito parin kami ni Lester sa tabing-dagat. Nakasandal ako sa balikat niya habang naka-akbay siya sa akin. Si Lester? Siya ang matatawag mo talagang Ideal Man ng buhay mo. Mabait, mapagmahal, maalaga, magaling pang mag-gitara ipinapadama niya sa akin na kamahal-mahal ako at.... gwapo siya. Pero siyempre freebie na yun. Hehe. Siya talaga ang matatawag kong boybestfriend dahil itinuturing niya akong hindi iba sa kaniya at kapag kasama ko siya, nararamdaman kong special ako.

Tahimik lang kami ni Lester habang unti-unting kinakain ng kadiliman ang kalangitan. Napapalitan na ang pinkish na langit at nagiging itim na ito. Ang tanging naririnig lang namin ay ang mga alon mula sa dagat. Napapikit ako at dinamdam ang tunog na iyon. Ang sayang pakinggan, parang musika na paulit-ulit.

"Nung interview niyo, nagulat ako sa tanong na kung gusto mo raw ba ako kasi pansin ng mga fans niyo na tayo na ang palaging magkasama." pagbasag ko sa katahimikan at tumawa ng tipid.

"Oo nga eh. Gulat na gulat ako dun sa tanong ng babaeng reporter na yun, ang sama pa nun kung tumingin." sabi naman niya at tumawa kaming dalawa habang nasa ganung posisyon.

"Congrats nga pala sa bagong album niyo." masaya kong bati.

"Salamat Mechar." sabi niya.

"Alam kong papatok na naman ito at magkakaroon na naman kayo ng award." I said.

"Pero alam mo, nung nagkahiwalay kayo ni Krypton, mas naging pursigido siya. Mas gusto niyang manalo kami at sa tingin ko, para maipakita na mas karapat-dapat ml siyang balikan." tumingin si Lester sa akin ng seryoso.

"Babalikan ko naman siya eh. Pero hindi pa ngayon. Kapag pwede na, kapag wala nang sagabal." sabi ko nang may puno ng pag-asa. Nakatingin lang sa akin si Lester at sinenyasan ako na magpatuloy sa sinasabi ko. "Pero sana kung wala nang sagabal, maari ko pa siyang mabalikan." sabi ko. Nawala ang ngiti sa mga labi ko. Paano nalang kung magiging ganun? Kung pwede ko na siyang mabalikan, paano kung ayaw na niya?

Nagulat ako nang yakapin ako ng mahigpit ni Lester at ipinatong ang ulo niya sa ulo ko. "Kung wala ka nang mababalikan, edi pumunta ka sakin." sabi niya. Hindi ko alam kung totoo ba yung sinasabi niya, naghintay ako na tumawa siya pero hindi. Napaiwas ako sa yakap at tumingin sa kanya ng seryoso.

Napatawa siya. "Ikaw talaga Lester, may sayad ka talaga sa ulo." sabi ko at bahagyang tumawa. Medyo natrigger ako dun ah. Char.

"Joke lang Mech, masyado ka namang seryoso." sabi nalang niya at back to pagiging seryoso ng peg ni Lester.

Pagkatapos nun ay walang nagtangkang magsalita sa aming dalawa. Back to the peaceful background ang peg namin ngayon.

Ilang saglit lang ay nagsalita siyang muli. "Kanina, kung tumingin ka kina Krypton at Sha, selos na selos ka.... Eh andito naman ako sa tabi mo." hindi ko pa napakinggan ng maayos ang huling sinabi ni Lester pero pinabayaan ko nalang.

"Ano ka ba, Lester. Mag-iisang buwan na sa Lunes mula nang maghiwalay kami ni Krypton kaya malaya na kaming gawin ang gusto namin. Okay naman sa akin yun kung may bago na siya eh." Hindi ako okay dun...

The Dates Of Love Où les histoires vivent. Découvrez maintenant