Chapter 12

36 7 1
                                    

Mechar Chefner's Point Of View

It has been 5 days since I arrived here in Leyte and I am loving my stay here. The peaceful and dark nights where I can think deeply and The sunny days that boost my energy.

Hindi ko masyadong naiisip ang mga problema ko na naiwan sa Manila. Sino ba naman ang hindi makakalimot eh kung puro kasiyahan lang ang nararamdaman mo dito 'di ba?

Kasalukuyan akong nasa tindahan. May bibilhin. Mabuti na nga lang eh hindi kalayuan ang tindahan dito.

Napansin kong may dumating. May tangakad itong 5'7 at payat ang pangangatawan at nang lingunin ko ito ay napagtanto ko na si Joel pala, kapitbahay namin na ubod ng kulit at Mama's boy kahit sixteen na.

"Magandang Umaga Joel." bati ko sa kanya na agad naman niyang ikinangisi.

"Magandang Umaga rin po Ate Mechar." bati niya pabalik at ngumiti ng pagkalaki-laki. Naku! Ang cute naman nito kahit binata na.

"Ano bibilhin mo?" tanong ko sa kanya.

"Paminta po. Nagluluto kasi si Mama ng adobong manok." sagot niya. Sa pagkakaalam ko, paborito niya ang adobong manok. Kaya siguro malawak ang ngiti.

Tumango nalang ako at nang makuha na ang binili ay akma na sanang lalakad paalis nang harangan niya ako. Bakit niya ako hinarangan?

"Ate, may tanong ako sayo." as soon as he said those words, i gasped. Akala ko kung ano. Seryoso pa naman siya kung tumigin.

"Sige ba. Ano ba ang tanong mo? 'Wag mo lang gawing pang-miss U ah? Di ko kayang mag Pia Wurtzbach." hirit ko and chuckled. Nakisabay rin siya.

"Kasi ate... Ano kasi..." 'di pa niya matuloy ang nais sabihin. Bigla tuloy akong nacurious.

"Kasiiii? Huwag kang mahiya Joel. Sige ka kakagatin kita dyan." wika ko. Napangiti siya. Syempre joke lang 'yon. 'Di ako nangangagat 'no.

He said the words that made me stop. "Ate, nagmahal ka na ba?" he asked tsaka yumuko. Nahiya ata.

Napatingin ako sa kawalan. Nang marinig ko ang tanong niyang 'yon ay may iisang taong sumagi sa aking isipan.... si Krypton. Ang lalaking tanging minahal ko. Ang lalaking nagparamdam sa akin na kamahal-mahal ako. Ang lalaking gusto kong makasama.

Tumingin siyang muli sa akin nang hindi ko siya sinagot. "Oo Joel. Nagmahal na ako." I said out of nowhere.

I suddenly missed Krypton.

"Basta sasama ka mamaya ha? Bawal ang KJ dito." Ate Diva chuckled. My cousin. Kanina pa nila ako pinipilit na sumama sa isang music lounge dito sa Poblacion.

"Oo Ate Mechar, minsan na nga lang kung pumunta rito tapos 'di mo pa kami pagbibigyan?" Riva, the younger sister of Ate Diva pouted.

Tumayo ako at pumunta sa kusina upang kumuha ng tubig habang silang lima ay naiwan sa mesa.

Lima kami na nasa bahay ni Lola, si Ate Diva at Riva na magkapatid, si Jess, si Ferline at syempre ako. Si Ate Diva, addict sa game sa cellphone. Si Riva naman, nanonood ng Meteor Garden. Sa kanya raw lang si Dao Ming Si. Si Jess naman, busy sa pagtetext. Siguro jowa niya, sa ganda ba naman niya, wala pang boyfriend? Si Ferline naman, May katawag, confirmes naman na boyfriend niya.

Nakaplano na 'to actually nung arrival ko pero may jetlag pa ako kaya ngayon lang ulit naisipan.

I hugged Riva, yung pinakaclose ko though close ko silang lahat. "Oo na. Oo na." I smiled.

"Yes!" sabay-sabay nilang sabi at nagsayawan pa. Parang mga tanga lang haha. Naki-join na rin ako. Nang matapos ang kabaliwan namin ay balik sa kanya-kanyang ginagawa.

The Dates Of Love Where stories live. Discover now