Chapter 14

23 8 1
                                    

Mechar Chefner's Point of View

Time flies so fast. Parang kahapon lang, kakarating ko lang dito tapos ngayon uuwi na ako. Medyo matatagalan pa ata ang aking planong pagbalik dito except nalang kung importante talaga.

I was still shocked of what I've discovered yesterday. I never thought that the child in my memory is the man who is always beside me. The man who treats me like a princess.

'Di ko alam kung kailan ko sasabihin sa kanya na alam ko nang magkababata kami. Kaya pala ang gaan-gaan ng loob ko sa kanya.

Nandito ako ngayon sa kwarto ni Jess tinatapod ang pag-empake ng gamit. Mamaya pa namang 3:00 PM ang flight ko pabalik ng Manila at alas otso palang ngayon ng umaga.

"Stay here for a little while ate." napalingon ako kay Riva na nakaupo sa kama at nakapout pa.

"As much as I wanted to Riva, hindi pwede eh. I took a leave sa school and siguradong 'di na ako makakapag catch up ng lessons kapag nagextend pa ako." katwiran ko. Tambak ako niyo panigurado ng mga requirements.

"Basta babalik ka ha?" nabaling naman ang tingin ko kay Ferline na nakasandal sa pintuan ng kwarto.

Ramdam na ramdam kong malungkot sila sa paglisan ko. Pero babalik naman ako, not tomorrow, not overmorrow but soonest.

"Of course pero medyo matatagalan pa. You can call me naman anytime. Free ako basta sa inyo." I assured them.

"Ganyaaaaan!" tuwang-tuwa na sabi ni Ferline na kakarating palang.

"Malakas kayo saken eh." sabi ko naman at nag-aktong pinutok ang imaginary baril sa kamay.

"Huwag mo kaming kakalimutan ah?" wika naman ni Ferline.

"Ang o-oa niyo naman. Hindi pa naman ako mamamatay, babalik lang ako ng Manila." sabi ko na ikinatawa namin. 

Nang matapos akong mag-empake ay binuhat ko ito pababa. Tinulungan pa ako nina Ate Diva kasi sobrang laki ng maleta ko eh kaunti lang naman ang damit na dala ko. Haaay.

Bago ako umalis ay nagpaalam muna ako sa mga kamag-anak ko rito. Ayoko pa sanang umalis ngunit kailangan.

Nang makarating ako sa terminal ay sumakay ako sa isa sa nakahilerang mga van patungong Tacloban City.

Malas nga lang kasi kailangan ko pang maghintay naa mapuno ang van na sinasakyan ko. Sa front seat ang pinili kong upuan. Gusto ko kasing kabisaduhin ang daan kahit alam kong 'di ko makakabisado.

Lumingon-lingon ako sa paligid. Nasaan ba 'ko?  Bakit ako napunta rito? Anong lugar 'to? Puti lahat ng nakikita ko. Walang bagay na nasa paligid ko.

Narinig ko ang yapak ng mga paa na nanggaling sa likuran ko. Lumingon naman ako upang malaman kung kanino galing ang mga yapak na 'yon.

"Lance." ang tangi kong nasambit.

Hindi ko inaasahan na si Lance ang makikita ko. Bakit siya nandito?

"Hi Mechar." nakangiti niyang tugon. 'Di ko pa rin maintindihan ang lahat.

"Tara upo tayo dun." dagdag niya at tumuro sa isang wooden chair na biglang nagpakita out of nowhere. Wala naman 'yan kanina ah?

Nauna siyang lumakad at sumunod naman ako sa kanya. Nasa kanang parte siya ng upuan umupo at ako naman sa kabila.

"Ano ng nais mong pag-usapan natin?" tanong ko sa kanya.

"Kumusta na kayo ni Krypton? " tanong niya na 'di ko naman ikinagulat. Talagang inaasahan ko ang tanong na 'yon galing sa kanya.

The Dates Of Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon