Chapter 11

75 10 2
                                    

Mechar Chefner's Point Of View

Ilang araw na ang nakalipas nang INIWAN KO NA NAMAN si Krypton.

Nakauwi na ako sa bahay. Actually, after what happened, umuwi agad kami. Sha were confused kung bakit. Hanggang ngayon wala pa ring alam si Sha sa nangyari that morning. Nagreklamo pa nga na hindi niya pa raw nasusuot ang two-piece niya kesyo sayang daw at di nagamit. Same goes with Kieth and Lance but not Tricia. I told her everything that happened that day.

Napaisip ako kung hindi ba ako nasasaktan sa emotionally na pananakit ko sa kanya-kung okay lang ba sa akin. Magulo ang naging sagot ko sa tanong na iyon. May parte sa akin na nag-oo pero mayroon ding hindi. Oo kasi lahat ng ginagawa ko, para sa ikabubuti niya at baka nga pagdating ng panahon ay pasalamatan niya pa ako. Hindi sapagkat mahal ko siya. Valid na naman yun diba? Mahal ko siya kaya ayaw ko siyang saktan.

Bigla kong naalala ang mukha ni Krypton nang iwanan ko siya. Same as the reaction he gave nang hiniwalayan ko siya.

I slid the glass door ng terrace at  lumabas. Pagkalabas na pagkalabas ko ay nasinagan agad ako ng papalubog na araw kasabay nun ang  pagsalubong sakin ng hangin; not fresh but not really polluted. The feeling was like I am free, like I can do whatever I want, like I can LOVE whoever I want; far from the reality where everything that I did felt so wrong.

Nanikip ang dibdib ko. Frankly, I still don't know what I am going to do next. Napabuntong hininga nalang ako at pumasok sa loob ng condo unit.

I tried my best na mawala sa isip ko si Krypton and hindi naman ako nabigo. Mahirap kaya yun.

Napaupo ako sa sala at saka I turned on the television. Masyado akong binobother ni Krypton kaya manonood nalang muna ako ng kung ano ang pwedeng panuorin.

I got bored. Walang palabas sa TV ngayon na trip ko kaya pinatay ko nalang and it indeed is very annoying. Ngayon pa na gusto kong manuod. Bwisit

Nawala naman sa isip ko si Krypton pero may problema; sunod na naisip ko ay si Lester at tungkol sa sinabi niya sa aking 'mundo' niya raw ako. Nanggugulo ang pangyayaring yun ng isipan. Bakit niya ba nasabi yun? Sinasabi lang naman ng isang tao na mundo niya ang isang pang tao kapag head over heels ang pagkakagusto niya rito.

Does that mean... gusto ako ni Lester?

Hindi naman siguro. Kilala ko si Lester, oo mabiro siyang tao pero never pa siyang nagbiro about sa love. Hmmm. Wierd. Pero malay natin na trip na niya na magbiro about dun diba?

Pero hindi eh. Sa tanang years na nagkasama kami ni Krypton, never talaga as in never na never siyang nagbiro about dyan sa love na yan. Mahirap naman kung babaguhin niya yung mga trip niyang biruin. Ayaw na ayaw ni Lester na may binabago sa kanya o di kaya'y may ipinagbabawal sa kanya.

Aish! Ginugulo talaga ni Lester ang utak ko!

I went to the kitchen to get a glass of water-a cold one. Nakakastress isipin ang dalawang magkaibigan na yun.

Nang kumalahati na ang amount ng tubig sa baso ko ay ilinagay ko ang pitsel sa ref. Hindi ko pa napansin na ininom ko ang tubig ng isang lagukan lang kung kaya't nabilaukan ako. Tae.

Ubo pa ako ng ubo nang dumating si Tricia galing sa kung saan mang lupalop ng mundo. "What happened?" she asked.

Pagkatapod kong umubo ay pumunta ako sa lababo para maghilamos. "Obviously, nabilaukan." wika ko.

"Serves you right." saad niya and she chuckled. Nang matapos akong maghilamos ay kinuha ko ang face towel na nasa upuan sa dining table at pinahid sa mukha ko. "Ang rude mo talaga Trish. Just wait and see makakaganti rin ako sayo." sabi ko at kunwaring inirapan siya.

The Dates Of Love حيث تعيش القصص. اكتشف الآن