Chapter 8

79 22 15
                                    

NW: Sunflower - Younha (Doctors Ost) Play it on the media! :>

Ps. Sorry if Korean song :) Ito kasi ang pinapakinggan ko habang sinusulat ang Chapter na ito :)

---

Mechar Chefner's Point Of View

Hindi ko alam kung sinasadya ba ng tadhana pero kaming dalawa nalang ang natitira dito sa may dalampasigan. Lahat sila lasing na. Si Kieth at Lester, ume'english. Si Tricia at Sha , knockdown na habang si Lance, iyak ng iyak sa hindi malamang dahilan. At oo, kaming dalawa nalang ni Krypton ang hindi lasing. Si Krypton, mataas ang alcohol tolerance niya habang ako, I chose not to drink alcohol. Baka magdrama pa ako sa harap ni Krypton at masabi ang totoo.

"Hey, Lance don't cry. I'm here. Mommy's here." wika ni Kieth at tumawa ng tumawa.

"So I'm the Daddy?" tanong naman ni Lester at kunwaring shocked at pagkatapos nun ay tumawa na naman.

"Come here Mom, Dad. Give me a hug." sabi ni Lance at nag open-arms habang pinupunasan yung luha niya at suminghot-singhot pa. Pagewang-gewang na lumakad sina Lester at Kieth papunta kay Lance. Nang makalapit na sila ay bigla namang napatid si Kieth at tumumba kina Lester at Lance kaya ayun. Tulog.

Bigla akong kinabahan dahil kami nalang dalawa ni Krypton ang hindi tulog. Biglang humangin kaya I felt the chills that went down over my spine and gave me goosebumps. 

"Don't worry love, I won't do anything that isn't right." napalingon ako kay Krypton na ngayon ay nakangiti. Kilala ko siya, yung ganyang klaseng ngiti ay yung ngiti na ngiti talaga. Napaiwas ako ngtingin. Teka, ba't niya nalaman na kinabahan ako?

"We've been together for a year Mechar, It's impossible na hindi ko mamemorize lahat ng meaning ng mga ginagawa mo." napalingon na naman ako sa sinabi niya at napatawa ng tipid. Napatawa nalang din ako. I agree to him.

Mukhang okay naman siya na magkasam kami ngayon. Gusto ko sana siyang tanungin pero nahihiya ako. May parte sakin na gustong magtanong pero may part ring ayaw. But I ended up asking him. "C-can we talk about us?" tanong ko habang nakatingin sa kanya. Medyo nautal pa ako pero keri lang naman.

I didn't expect what he did the next moment. "Tara, ipasok muna natin sila. Malamig na dito sa labas." sabi niya ng deretso. Medyo nabastos ako dun. Ay hindi, nabastos ako dun but I didn't reacted. Sa halip, ay tinulungan ko siyang ipasok ang mga kasama namin sa mga kubo. Inuna namin ang mga babae. 

Mabuti nalang at hindi sila mabibigat kaya madali lang naming naipasok sila. Nahirapan kami sa mga lalaki naming kasamahan dahil sa bigat nila. May kalakihan kasi ang katawan kaya ganun hehe. Kahit nandito si Krypton, nahirapana parin kami. Siya kasi ang pinakapayat sa apat hehe. 

Natumba kami nung si Kieth na ang pinagtulungan naming ihatid sa kubo nila nina Lance at Lester. For your information, siya kasi ang pinakahealthy sa kanila. When I say healthy, literal na healthy talaga. Gusto mong mas maelaborate pa? O sige, hindi siya madaling papayat. Kung may food crisis kasi tayo, mamamatay na tayo, papayat palang si bibi Kieth. Pero alam kong mas gusto niyo pang mas maelaborate yung word na 'healthy' kaya pagbibigyan ko na kayo. Oo na suko na'ko. Siya kasi yung pinakacute sa kanila :) Oh kuntento na kayo? Ay hindi ba? Di ko na problema yan ;) pero syempre dahil mahal ko siya sasabihin ko na talaga. Siya talaga yung pinakachubby sa kanila hehehe pero dahil hindi nakukuntento ang tao, sasabihin ko na. Siya talaga yung PINAKAMATABA sa kanila. Oh alam ko nang kuntento na kayo. Nanggigigil ako ha, pag nalaman 'to ni Kieth patay talaga ako. 

Dahil sa pagkatumbga namin ay natawa kami ni Kieth. Hindi pala talaga namin mabuhat si bibi Kieth namin *laughs. Tumingin ako kay Kieth at nakita ko yung pinakamagandang tawa sa mundo.

The Dates Of Love Kde žijí příběhy. Začni objevovat