Chapter 5

72 26 8
                                    

Mechar Chefner's Point of View

Napanood ko ang interview nila. Sinabi na niya. Alam na ng lahat. Pero hindi nila alam na nagsinungaling lang si Krypton sa sinabi niyang naging dahilan ng hiwalayan namin.

Gusto ko siyang tanungin kung bakit niya ginawa yun. Para ba hindi ako mabash? Para maprotektahan ako? Para sa kapakanan ko? Tae naman eh. Handa ako sa mga yun. Sa simula palang handa na ako. Dahil siya yung naging boyfriend ko eh. Dahil isang instant celebrity ang naging ex ko.

"Tara na Mech?" yaya sa akin ni Tricia. Pinapapapunta kami ngayon ni Kieth sa isang private resort na pagmamay-ari nila. Eh hindi naman daw kami iba kaya inimbitahan din kami.

"Ayokong pumunta dun Trish, alam mo naman na nandun si Krypton eh. Maiinis lang ako sa presence niya." sabi ko at nagtago sa ilalim ng kumot ko. Tsaka maaga pa para pumunta dun. It's 1:00 PM palang at 3:00 ang usapan.

"Dahil parin ba 'to sa interview nila?" tanong niya. Oo isang malaking oo.

"Oo Trish, eh bakit ginawa niya pa yun? Para maprotektahan ako sa fangirls? Tapos na kami eh dapat hindi na diya concern sa akin." inis na tugon ko at tumayo na sa kama. Pumunta ako sa kusina para uminom ng tubig.

Sinundan naman ako ni Tricia sa kusina. "Sigurado ka bang yun talaga ang dahilan Mech? Sure ka?" Oo naman. Eh ano pa ba yung kinaiinis ko kung hindi yun ang dahilan? Kumuha ako ng baso at linagyan ito ng tubig. Nang mapuno ito ay ininom ko ito ng isang lagukan lamang.

"Eh baka naman yung alam mo na concern parin siya sayo ang kinaiinisan mo."

"Aaaaaackkk! Aaaaaaackkk!" Ayan tuloy na bilaukan ako. Si Tricia kasi eh. Tiningnan ko siya at binigyan niya ako ng I-knew-it look. "Tricia naman. Ano ba naman yang mga sinasabi mo. Maghinay-hinay ka nga. Nabilaukan tuloy ako." sabi ko sa kanya.

"Hindi naman kita ginulat para mabilaukan ka Mech hindi ba? Eh baka nga yun ang rason." sabi niya at iniwan ako sa kusina.

Yun nga ba talaga? Yung alam kong concern parin siya sa akin ang dahilan ng pagkainis ko? Kung concern parin siya sa akin, ibig sabihin... mahal niy- ERASE! ERASE! ERASE! Hindi maaari! Ilang weeks na kaming hiwalay. Nakamove-on na yun. Oo tama. Ayaw niya lang ng gulo. Oo yun! Oo yun nga.

***

"Clover lang yung sa akin." wika ni Tricia at kumuha ng limang Clover. Nandito kami ngayon sa nag-g'grocery para sa pagpunta namin sa isang private resort mamaya.

"Kuhanan mo nalang ako." sabi ko sa kanya at nagpatuloy sa paglibot. Hindi ako makaisip ng tama. Iniisip ko kung ano ang mangyayari mamaya sa resort. Kung ano ang magiging reaksiyon naming dalawa kapag nagkita kami. Kaya ko na ba siyang harapin? Kaya ko na ba siyang tignan ng walang halong hinanakit at pagsisisi? Kaya ko na ba siyang makausap na parang walang maling naganap sa aming dalawa? Ang daming tanong sa isip ko kasaba na rin sa pag-isip sa magiging scenarios ng pangyayari mamaya. Kinakabahan ako oo pero hindi naman natin maiiwasan yun hindi ba?

"Oh nandito na lahat. May kakailanganin pa ba tayo?" tumalikod si Tricia at hinarap ako. I shook my head as response. Wala ako sa mood na makipag-usap busy ako sa pag-isip sa magiging mangyayari mamaya.

Hindi ko naman mahindi-an dahil si Kieth yun eh. Tinulungan niya ako sa lahat ng bagay. Kapag nag-aaway kami ni Krypton, siya ang pumapayo sa aming dalawa. Kapag may problema ako, nandyan siya para damayan ako. Kapag may kailangan ako sa kanya, hindi siya magda-dalawang isip na ibigay sa akin yun. Kumbaga, naging kuya ko na siya kahit hindi kami totoong magkapatid.

Naglakad kami ni Tricia papunta sa counter at nagbayad na. Mag-e'empake pa kami para sa overnight stay namin dun.

Tumingin ako sa parang computer ng grocery store para malaman kung magkano ang babayaran ko. Nakalagay doon na one-hundred pesos ang kailangan kong bayaran at binayaran ko naman yun right away.

The Dates Of Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon