Chapter 3

87 29 8
                                    

Krypton Tuazon's Point of View

Mahirap oo pero kakayanin. Malaki na ang naging parte ni Mechar sa buhay ko kung kaya't mahirap talaga sa akin na makapag move-on.

Move-on. Madaling sabihin pero mahirap gawin. Paano ako makakapag move-on kung araw-araw ko siyang nakikita? Kung sa lahat ng bagay, siya ang naaalala ko? Kung araw-araw kong naririnig ang pangalan niya? Tangina. Mahal ko nga talaga.

"Kryp, practice na ulit." napalingon ako kay Lester. Ako nalang pala ang hindi nakapwesto sa aming apat. Masyado na akong lutang.

Pagkatapos kong kantahan si Mechar nung isang linggo, iniwasan ko na siya. Hindi ko nga siya tinitignan dahil hindi ko magawa. Miss na miss ko na siya pero hindi pwede. Wala na kami.

Pumwesto na ako at kinuha ang electric guitar ko. "3... 2... 1..." pagkatapos magbilang ni Kieth ay nagsimula na kaming tumugtog.

Isang napakagandang aura ang nasa paligid namin habang kami ay tumutugtog. Dahil wala na si Mechar sa piling ko, ito nalang ang nakakapagpasaya sa akin. Ito nalang.

Nakapikit lang ako habang tumutugtog at kumakanta. Dahil sa paraang ito, mas masaya sa pakiramdam na dinaramdam mo ang musika na nakapalibot sayo.

These days, mas tinuon ko na ang aking pansin dito sa banda. Lalo na't sikat na kami ngayon, dapat ay mas pagbutihin pa namin ang pagtutugtog.

Hindi pa alam ng mga fans namin na wala na kami ni Mechar. Pero ang iba, nakakahalata na. Hindi ko nga alam kung ano ang magiging reaksiyon nila.

*ringggg!

Tumunog ang telepono sa studio namin. Baka si Manager Cha ang tumatawag. Huwag niyo namang sabihin na magpapainterview na naman kami sa press. Pumunta ako sa desk kung nasaan ang telepono at sinagot ito.

"Hello?"

"Oh Krypton si Manager Cha ito. Maghanda kayo ha mamayang lunch magpapa-interview kayo sa press lara sa launching ng new album niyo." sabi ni Manager Cha. Sa tono ng boses niya ay halata talagang excited siya sa bagong album namin.

"Manager Cha naman. Mamaya agad? Hindi ba pwedeng sa susunod na mga araw na?" sagot ko. Medyo nainis ako dahil mamaya agad ang interview.

"Oo Kryp, pakisabi nalang kela Lance. Ihanda mo yung sagot mo sa mga tanong tungkol sainyo ni Mechar ha? Byeee." Si Manager Cha at mga nasa mid thirties na ang edad

"Uy ikaw talaga Manager ha. Uy. Manager?" bakit hindi siya sumasagot? Tinignan ko ang phone ko. Inend call na pala ni Manager. Naku! Ang kulit talaga ni Manager Cha.

Lumingon na ako sa mga ka-banda ko na nagp-practice at sinabi sa kanila kung ano ang gagawin namin mamaya. "Mga pre, after lunch daw may press..." I paused and checked my watch."10:30 na. Ayusin na muna natin ang instrumento tsaka magbihis na." sabi ko at nagsimula nang magligpit.

***

"Nandito na tayo." rinig kong sabi ni Kieth. Binuksan na ni Kieth ang pintuan ng van tsaka kami sunod-sunod na lumabas. Unang lumabas sa amin si Kieth sunod si Lance tapos ako at ang panghuling lumabas ay si Lester.

Paglabas na paglabas palang namin ay agad kaming sinalubong ng press tsaka ng mga nakakasilaw na lieanag mula sa mga camera nila.

"Totoo bang wala na kayo ni Ms. Mechar?"

"Sa tingin niyo ay papatok ba ang album niyo ngayon?"

"Mr. Lester totoo bang gusto mo si Ms. Mechar?"

"Maso-sold out ho ba kaagad sa palagay niyo ang new album niyo?"

Madaming mga tanong ang nag-uunahan na pumasok sa aming mga tenga pero mas pinili naming hindi sumagot. Mabuti nalang at nandyan ang mga guards para iblock sila n makalapit sa amin. Ano pa ang saysay ng interview mamaya hindi ba? tsk. tsk. tsk.

Pumasok na kami sa building ng One Music Philippines Entertainment o ang OMPE kung saan hawak ang nito ang Sound Waves. Si Mr. Graff Monte, ang founder ng OMPE ang nagpasok sa amin dito sa Entertainment niya nang makita niya kaming tumugtog sa isang party.

Pumasok na kami sa Conference Hallng building na nakalocate sa ground floor. Noon, nasa 6th floor ng building na ito ang studio namin pero noong sumikat na talaga kami ay pinagawan na kami ni Mr. Monte ng sarili naming building.

Nakita namin si Manager Cha na nag-aayos sa mga gagamitin namin mamaya. Nang makita niya kami ay lumapit siya sa amin at kinulit na naman kami. Napapaisip nga kami minsan kung siya ba talaga ang manager namin. Hays.

"Oh naghanda na ba kayo sa mga isasagot niyo mamaya?" tanong niya.

Nag-nod kaming apat at lumakad na papunta sa mini stage ng Conference Hall. Sumunod naman siya at kinulit na naman kami.

"Basta kayo ha, sa interview mamaya kung ano ang totoo yun ang sabihin niyo ha?" pumunta siya sa harp namin at nag-wink.

Ngumiwi naman ang labi ni Kieth. "Pinapahamak mo naman kami Manager eh. Siguradong malilintikan kami kay Mr. Monte." sabi niya at tumango-tango naman kami nina Lance at Lester.

"Ako nang bahala sa kanya. Kaya ko yung Giraffe na yun." sabi niya at tumawa kami siya lang naman kasi ang may guts na tawagin si Mr. Monte na 'Giraffe' eh pano ba naman kasi ang pangalan niyang 'Graff' ay malapit nang maging 'Giraffe'. HAHAHAHA.

Naputol lang ang tawanan namin nang pumasok ang Secretary ni Giraffe este Mr. Monte. "Sound Waves, pumunta na kayo sa likod at ikaw Manager Cha maghanda ka na. Paparating na ang press." sabi niya.

Pumunta na kami sa likod ng mini stage habang si Manager Cha naman ay pumwesto na sa mini stage.

"Good afternoon everyone, may I present to you the boyband who is going to have a concert in Indonesia, Vietnam and Malaysia... The rising Sound Waves!"

Pagkatapos kaming tawagin ni Manager Cha ay pumwesto na kami sa mini stage upang tugtugin ang bago naming mga kanta. Walong kanta ang nasa album namin ngayon at nag-p'pray talaga kami na sana ay maging maganda ang resulta nito.

Habang kumakanta kami, ay nakapikit lang ako. Neverminding the press, feeling the music that thrills me.

This is me. Just by performing this, I know that it describes the whole me. If who I am and what I am.

Frankly speaking, I can deal with my life without my fans. I can live without these, without being popular. I don't need this. What I need? Her. Because she's my number one supporter. She pushed me to reach my dreams. She loved me. She loved me not just because of my looks, but because It's me, because I'm Krypton Tuazon.

She may be not with me right now, but she's still in my heart, she stayed and she will be forever.

Even though she chose to break my heart without giving a vivid reason, I'll still love her. I know she did that because of something. I can feel it. Down here in my heart. She can't just left me hanging because she love me.

Natapos ang kanta at narinig ko na lamang ang mga nakakabinging palakpakan sa harap ko.

Do I really deserve this? Do I deserve this without the person who supported me all the way? Her never ending support boosted my confidence, but what about now? I lost her. I lost the person who I love. I should've not let her go away from me.

The Dates Of Love Where stories live. Discover now