BS Part 1

6.9K 238 21
                                    


PAUNAWA:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

PAUNAWA:

"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."

Both Sides

AiTenshi

Feb 28, 2018

Malakas ang pag buhos ng ulan noong hapon iyon. Kakagaling ko lamang sa aking klase kaya hindi maiwasang mabasa ang suot kong uniporme. Pilit kong itinakip ang aking bag sa aking ulo upang hindi malamigan ng husto. Ngunit hindi naman nakaligtas ang aking likuran dahil nababasa pa rin ito.

Agad akong sumilong sa isang maliit na waiting shed at dito ay naabutan kong naka upo si Conor. Malayo ang tingin at abala sa pag buga ng sigarilyo ang kanyang bibig.

"Hindi kana naman ba pumasok? Ayaw mo na ba talagang mag aral?" ang tanong ko sa kanya.

Tumingin ito sa akin ng masama at itinapon ang sigarilyo sa kanyang bibig. Ilang sandali rin siya sa ganoong pag bitiw ng matalim na titig sa akin saka niya ito binawi. Agad siyang tumayo at sinuong ang malakas na buhos ng ulan. Samantalang nag kibit balikat lamang ako habang pinag mamasdan siya sa pag lalakad.

Tahimik..

Isang malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan habang pinag mamasdan ang mala kristal na patak ng ulan. Dito ay unti unting nag balik sa aking ala-ala ang lahat, masaya ngunit may kasamang lungkot..

Sadyang mahirap lamang ipaliwanag.

Part 1

Ako si Juno, 21 taong gulang. May taas na 5'7 at maayos na pangangatawan. Sa ngayon ay nag aaral ako sa isang pribadong paaralang pang kolehiyo para sa mga kalalakihan. Kumukuha ako ng kursong Mechanical Engineering at ngayon ay nasa ikatlong taon na ako.

Mag isa akong pinalaki ng aking ina, simula noong iwan kami ng aking ama ay siya na ang nag taguyod sa akin. Cool si mama, para lang kaming mag kabarkada bagamat madalas kaming hindi nag kakasundo dahil paiba iba siya ng lalaking kinakasama. Marahil ay paraan niya ito upang maibisan ang labis na lungkot na nadarama.

"Nakilala mo na ba si Johnny? Mabait ang taong iyon at hindi siya katulad ng iba." ang wika ni mama habang kumakain kami ng almusal.

"Iyan rin yung sabi mo sa akin noong kayo pa ni Romy. Wala akong gusto sa kanila at pwede ba ma, ipahinga mo muna ang ambisyon mong mag karoon ng ikalawang asawa." pag kontra ko naman.

"Juno, halatang bitter ka lang dahil pinag babawalan kitang mag karoon ng girlfriend. Saka isa pa ay malaki na ako at alam ko ang ginagawa ko." ang tugon niya sabay subo ng pag kain.

"GF?" ang tanong ko sa aking sarili.

Lalaki akong kumilos, lalaki rin akong manamit at hindi naman sa pag mamayabang ngunit may itsura naman ako ng kaunti, ang ibig kong sabihin ay hindi naman sobra. Sa kabila ng lahat ng ito ay tila yata wala akong interes sa mga babae. Simula noong mapag tanto ko ito ay pilit ko nang kinikilala ang sarili ko. Ayoko lamang bigyan ng "label" ang aking pag katao basta bahala na kung saan ako sasaya ay doon ako mag tutungo.

Both Sides (BXB 2018)Where stories live. Discover now