BS Part 17

3K 148 5
                                    

PAUNAWA:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

PAUNAWA:

"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."

Both Sides

AiTenshi

March 31, 2018

Part 17

Isang mahirap na desisyon ang aking ginagawang pag iwas kay Conor. Nakasanayan ko na kasi na halos araw araw siyang sinusulyapan o pinag tutuunan ng pansin. Ngayon ay pilit ko nang nilalagyan ng tuldok ang kabaliwang iyon. Siguro ay panahon na rin upang palayain ang aking sarili sa anumang sakit na maaaring idulot ng maling pag mamahal. Mali nga ba? O hindi lang ako nasuklian kaya ko ito nasasabi?

Maraming nag bago sa pagitan namin ni Conor, sa loob ng classroom ay hindi ko na siya sinusulyapan, ni nakaw ng tingin ay hinding hindi ko ginagawa. Pag nag kakasalubong kami ay umaasta ako na hindi ko siya kilala o kaya ay iiwas nalang ako ng direksyon upang siya makadaupang landas. Hindi na rin ako dumadaan sa parke o sa eskinita nila. Basta pag labas ng gate ay sasakay na agad ako ng taxi pauwi sa bahay.

Natutunan ko na ring huwag tawagin ang kanyang pangalan, o huwag mag pakita ng kahit na anong importansya sa kanya. Paunti unti ko siyang iniaalis sa aking buhay.

Minsan ay kinakailangan mong mawala para ikaw naman ang hanapin. Minsan ay kinakailangan mong mag tago para ikaw naman ang matagpuan. Ang totoo noon ay hindi naman ako napagod kay Conor, kinailangan ko lang itigil ang aking ginagawa baka sakaling hanapin niya ang mga bagay na iyon kung dumating sa puntong maramdaman niyang wala na talagang nag mamahal sa kanya.

Sa pag lipas ng mga linggo ay pilit kong ibinaling sa ibang bagay ang aking atensyon. Nag babad ako sa mga social media o gay sites upang maka hanap ng taong pag babalingan ko ng aking atensyon. Nariyan yung nakikipag meet ako o nakikipag kilala sa labas para lang mapunan ang pag kukulang at kalungkutan sa aking dibdib.

Una kong nakilala ay si Rey, isa siyang "tagong bakla" ang ibig kong sabihin ay nag papaka lalaki siya. Pare, tol, bro ang tawag niya sa kanyang kapwa. Pinipilit maging matigas kahit na madalas ay pumipilantik ang kanyang daliri at bewang kapag nag lalakad. Noong makita ko siya sa mall ay tinawag agad akong "parekoy". Lalaking lalaki ang kilos ngunit ang kilay naman ay ahit at maganda ang pag kakaayos. Puno rin ng foundation ang kanyang mukha na parang isang donut na pinagulong sa gatas at harina. Bilang date nanood kami ng movie. Insidious na horror. Noong magulat siya ay tumili siya, matining na parang babaeng naka kita ng daga.

Ikalawang naka meet ko naman ay si Billy, mabait naman siya at mahilig makipag kapwa. Gwapo siya, makinis, matangkad at mukhang artista. Iyon nga lang ay hindi niya ako bet dahil ang tipo niya sa isang lalaki ay may magandang trabaho, may kotse at masusustentuhan ang kanyang luho. Kaya naman noong mag kita kami ay itinanong niya agad sa akin kung anong estado ko sa buhay. Noong sinabi kong isa akong estudyante ay umasim ang kanyang mukha at biglang tinabagan sa akin. Ang ending, hindi na niya ako tinext o tinawagan makatapos ang mga sandaling nag kaharap kami.

Both Sides (BXB 2018)Where stories live. Discover now