BS Part 5

3.5K 171 14
                                    

PAUNAWA:

"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."

Both Sides

AiTenshi

March 11, 2018

Part 5

"Hoy Juno, alas 9 na ah. Wala ka bang pasok? Bumangon kana nga diyan" ang boses ni mama noong makitang nakahiga pa ako sa aking silid. Binalot ko ng kumot ang aking katawan at gayon rin ang aking mukha.

"Ma, hindi ako papasok." ang sagot ko naman.

"Aba e bakit hindi? Ngayon ka lang yata tinamad? May sakit ka ba? Saka bakit ba naka kulubong ka pa ng kumot? Alisin mo nga iyan!" ang wika niya sabay hablot ng kumot sa aking mukha dahilan para lumantad sa kanyang paningin ang aking pasa.

"Ay! Ano ba iyan?! Bakit puro pasa ka? Nakipag away ka ba? Sinong may gawa sa iyo nyan?!"

"Napa away lang ako sa labas. Wala ito."

"Bakit ginagawa mo ito ha? Ganyan ba ang drama mong pag rerebelde sa akin?" ang tanong ni mama sabay kuha ng yosi sa kanyang bulsa at sinindihan ito. "Bakit kailangan mong makipag away sa labas? Ganyan kana ba ka war freak ha? Iyan ang problema sa inyong mga kabataan, lahat ay dinadaan ninyo sa dahas. Basag kung basag, wasak kung wasak! Ikaw Juno ha, kung paraan mo ito para mag rebelde sa akin ay huwag mo na ituloy."

"Ma, hindi ako nag rerebelde. Wala lang talaga akong gana pumasok ngayon." ang sagot ko sabay dapa.

Noong mga oras na iyon ay wala akong nagawa kundi ang takpan ang aking tenga at patapusin si mama kanyang mahabang sermon na inabot ng halos 30 minutos. Ang nakakatuwa lang ay paulit ulit ang sinasabi nito at tila walang direksyon ang nais niyang ipunto.

Noong mag hapong iyon ay halos wala akong gana lumabas ng bahay. Nabalitaan ko na nag reklamo ang mga magulang ng dalawa kong kaklaseng binugbog ng grupo nila Gary ngunit wala namang nagawa ang campus ukol dito dahil sa labas daw iyon naganap at wala silang pananagutan sa mga insidente sa labas ng tarangkahan ng paaralan. Ang gawa ng mga mag aaral sa labas ay nanatiling gawa nila at pawang sila lamang ang saklaw. Labas ang institusyon doon. Samantalang ako naman ay hindi na nag reklamo, marahil ay iniisip ko rin na huwag na nag dagdagan ang parusa kay Conor lalo't kahapon ay hindi naman niya ako sinaktan o kinanti man lang.

"Hanep ka rin maka stalk e. Sa susunod ay durog na ang mukha mo kakasunod dyan sa crush mong straight!" ang wika ni Neil habang tumutungga ng alak. Katulad ng dati ay nakatambay nanaman kami sa rooftop ng abandunadong gusali dito sa sentro ng bayan.

"Hindi ko siya sinusundan, nag kataon lang nadamay ako sa gusot ng may gusot." ang pag tatanggol ko sa aking sarili.

Natawa ito "Bakit ka napipikon?" tanong niya sabay lingon sa paligid ng gusali kung saan makikita ang kalakihan ng bayan.

Panandalian siyang natahimik..

"Matagal na rin tayong nakatambay dito. Ang sabi nila bubuwagin na ang gusaling ito upang tayuan ng bago." ang wika niya

"Lahat naman ay nag babago, walang permanente sa ating paligid. Bawat bagay na nakikita ng ating mga mata ay nag iiba. Kahit ang pinaka simpleng bato sa lupa o ang nalalagas na dahon sa puno ay nawawala sa pwesto o direksyon." tugon ko.

Tumango siya. "Naalala mo ba noong unang beses tayong mag kita? Wala tayong place noon kaya dito tayo nag sex sa sirang silid. Enjoy naman diba?" ang tanong niya sabay tayo.

Both Sides (BXB 2018)Where stories live. Discover now